Chapter 6

38 7 38
                                    

Chapter 6: Dangerous

Krisnel's Point of View

"Excuse me, can I borrow Krisnel for a few minutes?"

Nanlamig ako nang maramig ang seryoso at ma-awtoridad na boses ni Marcel. Napalingon sa kaniya si Ayie, hindi maintindihan ang reaksyon, para siyang nataranta bigla.

"A-Ah, s-si K-Kris..." Tumikhim siya. "...Ang bahala doon."

"Well?" Napalingon sa akin si Marcel, binibigyan ako ng isang makahulugang tingin. Wala na akong magagawa kaya tumango nalang ako ng marahan.

"U-Uhm... A-Ayie, mauna ka na, hindi ako magre-recess." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano siya nagdalawang-isip bago magpaalam sa akin.

"Ibibili na lang kita ng pagkain." Iyon ang sinabi niya bago umalis nang may ngiti pa rin sa labi... 'Yung ngiti na dahilan kung bakit naging magkamukha sila sa paningin ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang tapikin ako ni Marcel sa balikat. Taranta ko siyang hinarap at muntikan pang matumba ang armchair ko dahil sa pagmamadali. Napaismid siya, para bang natatawa sa nakita. Napayuko ako dahil sa hiya.

"Hoy, Mon! Tatanga-tanga naman, may clash na dito nagfa-farm ka pa d'yan!"

"Oh, Montgomery, tanga ka daw sabi ni Red! Payag ka nun?"

"Manahimik ka nga, Yumi! Isa ka pang kanser, sinabi na kasing 'wag kang mag-Fanny eh!"

"Gagalet niyo si Red. Magiging kamatis na naman 'yan."

"Putangina, funny ka?"

Montgomery, Ike, Red and Yumi were in the right side of the room, playing a mobile game on their phones. On the other side was Eli, sitting alone and fiddling on something. Meanwhile, the twins were playing charade in front of the blackboard.

"They're at it again..." Naiiritang bulong ni Marcel na narinig ko pa rin.

Maingay ang classroom dahil sa lakas ng pagdadaldalan at paghaharutan ng mga kaklase kong naiwan na para bang walang nangyari kanina. Napalingon ako kay Marcel nang tumikhim siya.

"Let's talk somewhere private."

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Natagpuan ko nalang ako sarili ko na kasama siya sa isang pasilyo na wala masyadong dumadaan. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa isang vending machine, namimili ng iinumin.

Sumandal ako sa locker para kahit papaano ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ko at ang panginginig na bumabalik na naman.

"Your friend, Ayesha, she seems nice." Panimula niya, hindi pa rin ako tinitingnan.

Kahit magaan ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin ay hindi pa rin mawala ang kung anong bigat na nasa dibdib ko habang kausap ko siya. Napasinghap ako at napayuko, itinago ko ang kamay kong nanginginig at namamawis na para hindi niya ito makita.

"You're lucky to have her." Aniya.

"She's not my friend." Pagtanggi ko. Atleast that's what I think. Para sa kaniya kasi ay magkaibigan yata kami.

"I doubt it. She seems like the type who you want to be friends with... Like her."

Nakagat ko ang labi ko para mapigilan ang ilang luha na nagbabadyang lumabas sa aking mata. Bakit kailangan niya pang banggitin ang tungkol sa kanya?

Napabuntong-hininga siya at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang likuran. Napansin niya ata na hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin.

"But that's not the reason why I came to talk to you."

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon