Chapter 25

8 1 8
                                    

A/N: Gore warning.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Chapter 25: Baseball Bash

Third Person's Point of View

"Master!" Tumakbo siya papunta ng field nang makita ang kanyang kaibigan. Agad siyang umakbay dito nang makalapit.

"Bwisit naman o. Pwede ba, Mon? Ang ingay mo. Nakakairita." Inis na bulyaw ni Red sa binata. Tinanggal nito ang kamay ni Mon na nakapatong sa kanyang balikat.

Natawa si Montgomery. High blood na naman ang kanyang tinatawag na master. Pinagmasdan niya ang hawak ni Red na baseball bat, bola at kulay kayumangging baseball glove. Sumibol ang ngiti sa kanyang labi nang makitang iyon ang ibinigay niya rito noong nakaraang buwan. Noong mga panahong tahimik pa ang lahat.

"Laro tayo? May time pa naman eh." Nakangiti niyang aya dito.

"Hindi ako marunong."

"Edi tuturuan kita!"

"Ang kulit mo, ang sarap mong kutusan." Nakangiwing saad ni Red at umastang ipapalo ang hawak sa ulo ni Montgomery. Natawa naman ang huli habang umiilag.

"Kutusan daw pero hahampasin naman." Binagalan niya ang paglalakad para hindi sumabay kay Red sa takot na baka mainis na talaga ito. "Scammer ka talaga master."

Nang hindi sumagot ang kinakausap ay sumipol siya at tumingin sa paligid. Marami-rami rin ang nakatambay dito. Ang mga naroon sa field, kung hindi naghahabulan ay nakahiga lang sa damo at nagkwekwentuhan. Mayroon ding mga nasa bleachers lamang, natutulog, nagbabasa o gumuguhit ng mga nakikita.

Malaki ang eskwelahan ng Valecio High sapagkat isa itong pribadong paaralan. Ito ay isinunod sa pangalan ng nakadiskubre ng lungsod, si Valencio Molina. Isang espanyol na dumayo noon sa Pilipinas noong panahon pa ng pananakop. Bilang parangal dahil sa pagkakahanap ng lupang ito, sa kanya ito ipinangalan at ipinangalaga. Buhay pa rin ang kanyang bloodline at isa ito sa pinakamayamang namumuno rito.

Lumingon si Montgomery kay Red. Nakakunot ang noo nito habang nakatutok ang mga mata sa bitbit na bola ng baseball.

"Turuan nga kita, ayaw mo talaga?" Pangungulit pa niya.

"Hindi ko kaya." Mahinang sagot nito.

"Eh bakit mo pa dinala 'yan dito?"

"Gusto ko lang."

"Magdahilan ka naman ng may kwenta, bulok palusot mo eh."

Sinamaan siya nito ng tingin. Umiwas naman siya at nagkunwaring walang sinabi.

Nang mapansing bumalik ulit ang tingin ni Red sa hawak ay nagsalita ulit siya.

"Hindi ba kaya mo ako tinanggap sa barkadahan niyo nila Yumi at Ike ay dahil gusto mong matuto ng baseball?"

Dahil sa kanyang sinabi ay napatingin sa kanya si Red, magkahalong irita at gulat ang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha. Irita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil si Mon sa kakasalita. Gulat naman dahil sa sinabi nitong hindi inaasahan.

Napangisi si Mon. Tagumpay niyang nakuha ang buong atensyon ni Red.

"Hindi naman 'yun--"

"Sus, dami mo pang dahilan, tara laro."

Inagaw nito ang hawak na bola at glove mula sa mga kamay ni Red. Pagkatapos maisuot sa kamay ang glove ay nilaro niya ang bola sa kanyang mga daliri.

"Simple lang naman 'to. Ibabato ko sa 'yo tapos papaluin mo. Tapos tatakbo ka mula dito papunta doon nang hindi--"

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon