Chapter 32: your favorite place?

247 11 8
                                    

Nakalipas ang ilan pang mga araw ay dumaong na ang cruise ship na sinasakyan nila Kier, Wala ding nangyari sa loob ng ilang araw. Hindi maka diskarte si Kerobin pansin niya na sa tuwing lalabas si Gwen ay laging kasama si Kier, Inis na inis siya sa isipin na parang may gwardiya ang babae.

Alam ni Kier ang pag ka bwesit ng kanyang kambal na lalong kinatuwa niya, Hindi marunong magtago ng emosyon ang kapatid. Halata sa ekspresyon ng muka neto ang pag kainis sa tuwing sinasadya nilang maglambingan ni Gwen sa harap niya. Inis na inis siya sa kadahilanang di siya makagawa ng move para malamangan ang kanyang kakambal.

Agad siyang nagtungo sa hotel na ibinook ni Kier para sa kanila. Pagkapasok niya sa lobby ng hotel ay agad niyang nakilala kong sino ang ang may ari ng building. 

''damn you Kier!'' mura ni Kerobin sa isip. Agad siyang natulala sa isang babae sa painting.

''Elise,'' sambit niya habang nakatitig sa painting. 

Agad niyang kinuha ang kanyang room key at sumakay sa elavator.

Ngunit mapag laro ang pag kakataon kay Kerobin, pag kapasok  niya sa elavator ay yon ding pag pasok ng babaeng tila nag mamadali at may hinahanap sa kanyang suot na shoulder bag, natatakpan din ang mukha nito ng kanyang mahabang unat na unat na buhok. napansin din ni Kerobin ang korte na kanyang katawan na kitang kita sa hapit na hapit na suot nitong red dress na hanggang binti.

Agad namang nag paka gentleman si Kerobin, 

''Miss anong floor ka,?'' tanong ni Kerobin.

Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ng tumingin sa kanya ang babae, tila bumalik ang alaala ni Kerobin ng mga panahong nasa high school pa lamang siya at kasama  ang kanyang pinaka mamahal na si Elise.

''Hey, how are you Kerobin, i thought Kier and his wife lang ang andito sa hotel ko ngayon. Im glad  to see you again its been a long time. You look good.'' sabay beso neto sa kanya na kinatigalgal niya.

Halos di makabawi sa pag ka gulat si Kerobin, di siya makapagsalita, Nagulat na lamang siya ng biglang tumunog ang sinasakyan nilang elavator senyales ng pag baba ng mga sakay.

Agad nag lakad si Elise sa pinto, ngunit bumalik din ito at humalik sa kaliwang pisnge ni Kerobin. 

''Bye kebs, see you later.'' sambit ni Elise habang papalayo sa kanya.

halos di naman siya maka galaw sa kinatatayuan dala ng pag ka bigla. dama niya ang pag -init ng kanyang muka, ng muling tumunog ang elavator ay agad siyang lumabas at naglakad ng mabilis patungo sa kanyang kwarto.

Pagkasarado ng pinto ay agad napaupo si Kerobin, halos di pa siya nakahuma sa mga kaganapan na nangyari kani-kanina lang. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Halos di din siya makahinga sa pagka bigla sa muling paghahrap nila ni elise.

Sa kabilang dako naman ay masayang nagtatawanan si elise at Kier kasama si Gwen ng maikwento ni Elise ang pagkikitang naganap sa kanila ni Kerobin.

Halos maluwa sa kakatawa si Kier sa kwento ni elise.

"So malakas pa din pala ang karisma mo kay Kerobin"pabirong sabi ni Kier.

"Yeah. He froze when our eyes met, para siyang naestatwa sa pag kaka gulat." Sagot uli ni elise.

''So tama pala ang hinuha ko na mahal ka pa din ng kapatid ko, so are you in with my plan?'' tanong ni Kier kay elise. 

Naikwento na din kase ng Kier ang ginawa ni Kerobin  sa kanyang asawa. Kaya mabilis na sumang ayon sa kanya si Elise.

Agad nag paalam sila Kier kay elise ng matapos ang kasunduan nila, masaya si Kier na sumasangayon ang pag kakataon sa kanya.


SINFUL NIGHTSWhere stories live. Discover now