Kinablit ni Jacob si Samantha. Nilingon naman siya nito. "Gagamitin ata 'to sa points." sabi ni Jacob. Narinig ko naman ang usapan nila. Sinulyapan ko na rin ang ginagawa ni Lance sa likod ko. Taimtim lang niyang kinokompiska ang relong hawak. Bago pa niya ako mahuli na nakatingin sa kanya ay binalik ko na ang tingin ko sa unahan.


"Basta itatak niyo sa isipan na pataasan ng rank ang magaganap mamaya. Wala ng iba." dagdag pa ni Sir Martin bago umalis sa aming silid.


Nilingon ko naman sina Lance, Samantha at Jacob. "Ibabato 'to kay Sir Martin mamaya." pagbibiro ko sabay pakita sa kanila ng relo ko.


"Ang weird na ngayon ng Teen Militia." sabi ni Mad habang kumakain kami. Halos pabulong na niya yun sinabi kasi hanggang ngayon issue pa rin sa buong batch namin yung nangyaring away rito sa dining area.


One wrong move malilintikan na ako sa faculty. Kinakabahan ako na slight. Alam ko kasing kasama ko naman si Sky sa punishment kaya parang okay lang.


"Duh, ikaw ba naman pinapa prepare sa grand event na gagawin natin ngayong November or December. Natural na iba yung ipapamalakad ng school saatin." aniya Pixie habang kinukulot nito ang buhok niya gamit ang daliri.


Napatigil naman sa pagkain si Sky. Ibinaba niya ng marahan ang kanyang kutsara. Tinignan ko siya ng naka kunit noo. Pano ba naman kasi naririnig ko lagi yung event na yan sa halos lahat ng Teen Militia. Pero nakakapagtaka kasi walang nakaka-alam non, except si Madam Majestic at yung mga inheritors. May hinala rin akong may konting alam roon si Sky so I asked her.


"Ano ba yang event na yan?" tanong ko. I'm curious. So curious. Ngayon ko lang sila tinanong about sa doon. Pinigil ni Pixie ang pagtawa niya habang si Mad napa-iling iling lang.


Tinignan naman ako ni Sky. "Before a militia graduates here in Teen Militia may ipapagawa ang school sa kanila na mission. Either you will steal something big, set a bomb at in the city and other criminal acts." explain niya sakin.


Binalingan naman ako ni Pixie. "But here's the twist, mahirap yung ipapagawa satin ng Teen Militia." aniya. "Finally, after seven years studying here makakagawa na ako ng criminal acts tulad ng hinahangad ko dati." sabay palakpak ni Pix.


Para ko namang maluluwa yung kinakain ko ngayon. Minulatan ko siya ng mata. "Never pa kayo nakagawa ng criminal acts?" tanong ko.


Natigilan ang tatlo. Umiling si Sky. "I'm always at the faculty kaya lagi akong inuutusan sumama sa mga mission nina Liam." mahina niyang tugon. Enough para marinig lang naming apat. Tinignan niya ako diretso sa mata. "You know, kasabwat ako nong kinidnap ka."


Napasinghal na lang ako. Nagflashback kasi sakin kung pano ako kinidnap nila. Isa akong dakilang uto-uto. Nilingon ko naman si Mad na ngayon nagmumukhang guilty na. "Nakakatamad kasi." palusot nito.

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Место, где живут истории. Откройте их для себя