"Hey! Take it easy on her!" Si boss na may paga-alala sa mata.

"You," Si Madame Natiffere na lumapit sa akin. "The first time I saw you, alam kong hindi ka magiging mabuti sa anak ko! Pero hinayaan kita dahil iyon ang hiling ni Alex. But now I won't tolerate a single shit!"

"Ma! Don't do this! Can't you see? She's–

"Shut up!" umalingaw-ngaw ang kaniyang boses sa bulwagan. Muli syang tumingin sa akin. Gusto ko nang umalis rito! Tumakbo palayo! Pero Jusme, hindi ko na magawa!

"You messed up my son's life, and now you're trying to destroy my party? Have shame woman!" at bigla nya na lang akong sinampal... ng malakas.

Walang kahit na sinong pumigil sa muli kong pagsagalpak sa sahig. Napadaing ako ng malakas dahil sa pinagsamang sakit ng aking pisngi, katawan at paa. Naramdaman ko rin ang hapdi sa aking kamay dahil naitukod ko iyon sa mga bubog sa sahig.. jusko, bakit kailangang umabot sa ganito?

"Ang kapal ng mukha mo na subukang angkinin ang anak ng anak ko? Can't you see yourself? Ano bang tinitira mo at nakayanan mong sabihin ang mga yan?!"

Nagtaas ako ng tingin sa mga taong nakapaligid. Ang titig nila ay may panghuhusga at panliliit, iilan lamang ang nakita ko na naaawa. Hindi nila kayang pumigil sa sitwasyon dahil ang 'reyna' ang kanilang makakalaban.

"Ma, that's enough!"

"Isa ka pa! I can take away your inheritance if I want to and leave you with nothing!"

Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mga mga mata ni Nexus. Ito ang talagang ikinakatakot ko. Hindi iyon pwedeng mangyari sa kaniya ng dahil lang sa akin!

"You are a disappointment." matapos iyong sabihin ng ginang ang tumalikod na ito. Sumunod sa kaniya si Vallerie at ang kaniyang magulang. Nakita ko pa ang nangi-inis nyang ngisi na hindi ko na lang pinansin.

Natahimik ang bulungan sa paligid. Ilang sandali ay bumalik na ang tugtog senyas ng pagpapatuloy ng kasiyahan. Tumalikod na ang iba para magpatuloy sa kanilang mga ginagawa. Si boss naman ay hindi na pumipiglas habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang mga ekspresyong lumulukob ngayon sa kaniyang mga mata. Pero ang alam ko, gulong-gulo sya.

"Boss, sige na. Sumunod ka sa ina mo," Pigil sa pag-iyak kong usal. "Humingi ka ng tawad."

"What? Why would I do that?" Asik nya.

Sa mga sandaling ito ay bumalik sa akin ang lahat ng pangyayari nitong mga nakaraang linggo. Napakasaya ko nung mga panahong iyon, napakasaya ko tuwing tinitingnan syang yapos ang aking anak, napaka-init sa puso mag-ilusyon na sya ang ama ng anak ko.. pero dapat siguro pinigilan ko ang sarili ko.

Dapat siguro pinakinggan ko ang munting boses sa aking isip na sinasabing wag ko syang pangarapin, na wag akong umasa, dahil sa huli? Malabong mangyari lahat ng pinapantasya ko.. ang sakit. Sobrang sakit na panuorin syang tumalikod, pero kailangan. Sana maging abo na lang ako rito at mawala.

"Marimar, come, I'll take you away."

Nagising ang aking diwa nang makita ko ang isan taong nakaluhod ngayon sa aking harapan. Si Matthew! Hindi ko alam kung kailan pa sya nakalapit sa akin. May mga tao pa ring nakatingin sa amin kaya nag-aalalang bumaling ako sa kaniya. Ayokong madamay sya rito! Akmang bubuhatin nya ako pero agad ko syang napigilan..

"B-bakit mo ito gagawin?"

"Just be quite, okay?"

Hindi na ako nag-protesta pa nang buhatin nya ako. Gustong ko na rin kasing umalis. Ayoko na. Napadaing pa ako dahil sumakit ang paa ko. Tahimik na humingi ng tawad si Matthew dahil sa hindi nya pag-iingat. Maglalakad na sana sya pero muli syang natigil kaya napatingin ako sa taong nakaharang ngayon sa aming daan. Nang magtaas ako ng tingin.. si boss! Bumalik! At may dala syang bag ng yelo!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now