💙Chapter 53💙

Start from the beginning
                                    

[To: Christian

   
      Medyo bakit may kailangan    ka?]

Pagkatapos kong mag reply sa kanya, ibinaba ko muna yung phone ko para ilipat sa lagayan ang ulam, pero di oo pa man dadampot yung ulam, agad na tumunog ang phone ko kaya naman binitawan ko ulit ang hawak ko para tignan ang text

[From: Christian

      Mmm gusto sana kitang ayain lumabas kung ok lang?🤭]

Sa text nya parang nahihiya pa sya pero bakit? Wala ba syang gagawin ngayon? Naisip ko dapat ko siguro syang bigyan ng atensyon kesa sa inisip ko ang mga naganap samin ni kiel, si Christian lang dapat sya lang

"Bakit parang labas sa ilong ang sinabi ko?" Hays parang tangang kinakausap ko ang sarili ko na akala mo naman may sasagot

Nireplyan ko na lang sya

[To: Christian

     Ok sige kita nalang tayo mamayang 3:30 pm!]

Sagot ko dahil may aayusin pa akong gamit ko sa taas! Ilang segundo lang nagreply ulit sya

[From: Christian

     Ok I'll be waiting for you later see yah!😍💜💜💜]

Medyo nakornihan ako sa reply nya but suddenly natawa kasi dahil sa emoticon nya, ok na rin siguro to para malibanga ako, hindi ko na sya nireplyan pa, inayos ko na yung mga pinggan at mga pagkain

"Nay, tay kain na po tayo nakahanda na yung pagkain" sigaw ko mula sa kusina, "o sya anak susunod na kami" sigaw ni tatay mula sa kusina

Habang hinihintay ko yung dalawa nilas ko muna yung tubig para salinan ang mga baso namin

Maya maya lang sumulpot na rin sila nanay sa pintuan "bango naman nyan anak" sambit nung dalawa sabay upo habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa  mesa "syempre po especial ang mga kakain" lambing ko saka nagtinginan yung dalawa

"O sya matikman ito" sambit ni tatay

Naupo na rin ako at nag cross sign muna kaming tatlo para magpasalamat sa blessings na binigay samin at nagsimula na kaming kumain,

"Ahm nay,tay papaalam po sana ako" sambit ko

"Bakit anak aalis ka?" Tanong ni tatay

"Opo nagyaya po kasing lumabas si Christian kung ok lang"

"Yan ba yung lalaking naghatid sayo dati dito yung napagalitan ko?" Tanong bigla ni nanay

"Ahm haha opo sya nga" awkward kong sabi

"Mmm kala ko yung poging natulog dito dati" talaga si tatay di napigilan, napatingin tuloy sa kanya si nanay

"Poging natulog? Sino yun? Nag uwi ka ng lalaki dito athena?"

"Ehh hi-hindi po-"

"Ako nagpapasok dun sa bata hindi alam ni athena yun" putol ni tatay

"Eh bakit dito sa bahay?" Curious ni nanay wag sanang magalit tong si nanay nakoooo

"Mukang may problema yung bata kaya siguro napadapad dito satin saka sya yung boss ni athena sa pinagtatrabuhan nya at classmate mo nya rin tama ba anak?"

"O-opo si kiel po yun" nag aalangan kong sagot

"Talaga tong anak ko habulin ng lalaki dala-dalawa aba!!! Nanliligaw ba yung mga yun sayo?" Ang advance ni nanay mag isip

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now