Mystery Savior......
Hindi ko alam kung saan ang tungo ko matapos kong takbuhan si Kiel, kaya tinignan ko kung saang saan na ba ako napunta, sobrang dilim na at tanging ilaw lang ng poste ang makikita,
Bakit ba ang daming taong mahilig manghusga? Hindi ba pwedeng alamin muna nila ang totoo bago nila husgahan?, talaga bang ganon akong klaseng tao? na basta basta lang sasama kung kani-kanino?wala naman akong inaagrabyadong tao
Hindi naman ako nananakit ng ibang tao pero bakit ganito ang ginagawa sakin?, si nanay hindi lang physical ang pananakit pati kaloob looban ng puso ko sinasaktan nya
Siguro talagang ipinanganak ako na malas sa mundo kaya lahat ng malas mararanasan ko.
Narinig ko ang malakas na kulog na nagmumula sa kalangitan, na sa tingin ko dinadamayan ako ngayon halos manlabo na rin ang paningin ko dahil sa sunod sunod na pamumuo ng luha sa mata ko
Kaya medyo binilisan ko na ang paglalakad "uy pre chix" narinig kong sabi ng lalaki na naka sandal sa may poste
Bigla akong nakaramdam ng takot kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko, "miss mukang naliligaw ka ha gusto mo bang ihatid ka namin?"
"Oo nga" hindi ko sila nililingon patuloy lang ako sa paglakad at patuloy din nila akong sinusundan, please wag ngayon pagod na ako at hindi ko kayang makipaglaban sa kahit kanino
Gustuhin ko mang humingi ng tulong hindi ko magawa dahil wala kahit isang taong dumadaan dito, "ang sungit naman masaya to pre" pagkasabi niya nun kumaripas na ako ng takbo
"Tulong....tulungan nyo ako" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo sinubukan kong lumiko sa isang eskinita "sandali hindi mo kami matatakbuhan"
"Tulonggggg.." Lord please tulungan nyo po ako, hindi ko na namalayan na napunta na pala ako sa isang daan na wala ng malalabasan , sinubukan kong bumalik pero may biglang sumulpot na dalawang lalaki at hinarangan nila kaya napahinto ako
Sinubukan kong bumalik pero may tatlo namang humarang kaya napahinto ulit ako at sa tingin ko nacorner na nila ang pwede kong labasan
Anung gagawin ko!
"Panu ba yan wala ka nang mapupuntahan" sabi nung lalaking naka bonet "oo nga pinagod mo pa kami" dugtong din nung isa pang naka jacket
"Pakiusap paalisin nyo na ako, kung balak nyo akong holdapin wala kong maibibigay sa inyong pera" pakiusap ko "mm sino namang may sabi na pera ang kailangan namin sayo?" Sabay tawa at parang kriminal
Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko nagsisimula na rin akong magpanic at saktong bumuhos ang ulan ng napakalakas, "wag kayong lalapit sakin" banta ko pero hindi yun tumalab an sa kanila at unti unti silang lumalapit sakin
"Wag ka na kasing pumalag" sabi nung isa na nagtatangal na ng pang itaas "ako muna mauna sunod kayo" sabi nung lalaki na sa tingin ko ay leader nila "opo boss" sagot nung isa
Bigla na lang sinunggaban ang braso ko ng leader nila at pilit akong isinandal sa pader "bitawan mo ako" sinipa ko ang gitna nya dahilan para mabitawan nya ako at mapaluhod sya sa sakit
Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan ako ng dalawa sa kanila, pilit kong kumakawala sa kanila pero ang lakas nila kaya hindi ko magawang makawala
"Ano ba bitawan nyo ako" habang pilit pa ring nagpupumiglas "ang tapang mo pala" pilit na tumatayo yung taong sinipa ko at dahan dahang lumapit at bigla akong sinampal, muntikan pa akong matumba dahil sa lakas ng pagkakasampal nya
Napapikit ako sa sakit at nalasan ko sa bibig ko ang dugo "kung sa tingin mo matatakasan mo kami nagkakamali ka" sambit nya "hawakan nyo ng mahigpit yan" utos nya sa dalawang nakahawak sakin at sinunod nga nila
![](https://img.wattpad.com/cover/160093204-288-k784032.jpg)
VOUS LISEZ
I-m fine with U || KOOKU (Completed)
Roman d'amourHighest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29/19) Si Athena na laging nasasaktan, hindi dahil sa love, ito ay dahil hindi sya magawang mahalin ng sariling ina bagkus mas binibigyan pa n...