💙Chapter 14💙

150 11 6
                                    

House of Evil???....




Bakit parang inaapoy ako lagnat? Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at napakabigat ng pakiramdam ko pati mata ko hindi ko maimulat, Anu bang nangyayare sakin?

Pinilit kong dumilat ng dahan dahan at ang labo ng paningin ko inilibot ko muna ang paningin ko para makapag adjust, maya maya lang unti unti nang luminaw ang mata ko, at ikinurap pa ng ilang bases,

Napabuntong hininga ako akala ko mabubulag na ako, sandali ko pang pinagmasdan ang paligid, bakit biglang lumaki ang kwarto ko? Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko ang napaka gandang bintana, pinagawa ba to ni nanay sakin? Ang laki ng pinagbago ng binatana ko,

Sunod ko namang tinignan ang nasa kanan ko, bakit may study table ako? At nag iba din ang pintuan ng kwarto ko naging kulay red at napakaganda, naramdaman ko din ang hinihigaan ko, bakit lumambot ang katre ko?

Saka ano tong malalaking unan at makapal na kumot ang nakapalibot sakin, ipinikit ko ulit ang mata ko baka nananaginip lang ako,

Si Nanay talaga! Pero nabulantang ang isipan ko, malaking kwarto?, magandang bintana?, study table?, magandang pintuan at malambot na kama? Guuussssshhhh!!!!

Napadilat ako ng wala sa oras at tumayo mula sa pagkakahiga kaso nahilo ako at natumba, muli kong pingmasdan ang paligid, "kaninong kwarto to? Asan ako?"

Hindi ako mapakali sa nakikita ko, napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot yun pati na rin ang paa ko, oo nga pala yung paa ko! Tinanggal ko ang kumot at nakita kong nakabenda na ang paa ko

Sino may gawa nito?

At nang tignan ko ang katawan ko, laking gulat ko na iba na ang damit na nakasuot sakin, panglalaki at ano tohhhhhh boxer? Eeeewwwwwww!!!! 

NASAAN AKO?????

Hindi kaya.......hinoldap ako at dinala dito? Hindi kaya ginahasa ako? Hindi hindi pwede!,

Pero kung hinoldap ako bakit dito sa magarang kwarto ako dinala? Hindi ba to hotel? Or condo unit?, ano ba gulong gulo na ako sa mga nangyayare! Asan na ako anung ginagawa ko dito?

Inalala ko ang nangyare sakin bago ako mawalan ng Malay.... Ang naaalala ko.....naglalakd ako sa kalsada ng muntik na akong masagasaan ng kotseng humaharurot.

Pero may taong nagligtas sakin, sino sya? Hindi kaya sa kanya ang kwarto na to? Sinubukan kong makaupo sa kama dahil iba talaga ang pakiramdam ko, kinapa ko ang noo at leeg ko napakainit ko ito na nga ba ang sinasabi ko nagkasakit na ako dahil sa ulan!

"How's your feel!"

"Ay palaka!" Muntikan na akong mahulog dahil sa biglang may nagsalita, tinignan ko kung saan nang galing yung nagsalita,

Nakatayo sya sa gilid ng pintuan at naka-cross arm pati mga paa habang seryosong nakatingin sakin "ikaw?, ikaw ang nagligtas sakin?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo

"Yeah so what?" Bored nyang sagot! "Pe-pero pano mo nalaman kung nasaan ako nung Sandaling muntikan na akong masagasaan?" pagtataka ko dahil imposible namang nagteleport sya o di kaya trinace nya ako!

"Dahil nasa tapat ka ng village namin, papasok na sana ko ng village ng makita kitang nakatunganga sa kalsada at malapit ng mabangga" paliwanag nya saka naglakad papasok at umupo sa study table

Ako nakatunganga habang malapit ng masagasaan? Hindi kaya! Nagkataon lang na nanghihina na ako at masakit ang paa ko,

Kasalanan mo to kiel!

"Ibig sabihin sayo tong kwarto? At dito ka pala sa village naninirahan!" Nasurprise ako sa mga nalaman ko, he rolled his eyes

"Obviously" maikling sagot nya sandaling nabalot ng katahimikan saming dalawa hanggang sa maalala ko ang suot ko pinagmasdan ko ulit yun at tinignan sya "e-etong suot ko i-ikaw ba ang nagpalit?"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now