💙Chapter 44💙

73 6 2
                                    

"Tama na lea busog na ako dami mo nang pinapakain sakin" reklamo ko at inilayo ko ang kamay nyang may hawak na mansanas

"Tsk, kanina kung makasuggest para kang gutom na gutom tapos ngayon ayaw mo na?"

"Dami ko na kasing nakain" sambit ko at uminom ng tubig "sige na nga pero sa tingin ko mas marami ka pang kakainin"

Nagtaas baba ang kilay nya "huh?  Anong sinasabi mo?" Taka ko pero imbes na sagutin nya ako ngumuso sya malapit sa Pintuan kaya naman nilingon ko yun at bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni Christian dala ang isang basket na prutas at bulaklak

Mabilis syang naglakad palapit sakin saka ako niyakap ng sobrang higpit na halos hindi ako makahinga "why did you that huh?" Nag aalala nyang tanong, pero di ako makasagot dahil nasasakal ako sa pagkakayakap nya

"A--eh c-chritian d-di ako ma-makahinga" nahihirapan kong sambit dun lang sya nakaramdam kaya binitawan nya ako pero umupo sya sa harapan ko at tinignan ako ng mabuti "I'm sorry, but why you tried to kill yourself huh?" Parang boyfriend lang kung umasta si Christian sakin

"Sorry hindi ko naman sinasadya, siguro nawala lang ako sa sarili ko-"

"But you don't have to do that, hindi yan ang sagot sa problema mo, you can tell anything, I'll listen right?" Hindi pa rin sya kumakalma

"Ehem ehem ehem mukang seryosohan ng usapan to ah mabuti pa siguro lumabas muna ako at bumili ng makakain nakakaumay dito" pilosopo ni lea saka mabilis na lumabas ng kwarto kaya ngayon naiwan kaming dalawa ni Christian at parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng paligid.

Napansin kong hindi pa rin nawawala ang tingin sakin ni Christian na nagpailang sakin kaya naman ngumiti ako ng maluwag kahit na pilit at di ko gusto

"Ahm ano.....ano kasi ahm ok lang ako oo ok lang ako mmm promise-"

"Liar!"

Putol nya sa pagdadahilan ko, halata naman kasi yung pagkautal ko sa sinabi ko, ang hirap ngayon saking magtago ng nararamdaman.....hinimas nya ang ibabaw ng palad ko, kita ko sa mukha nya ang lungkot

Gamit ang kanang kamay ko inangat ko yun papunta sa ulo nya at hinagod ko yun, "ok na ako, salamat sa pag aalala mo, sa totoo lang may bigat pa talaga sa puso ko pero kailangan kong bumangon ulit at unti unting buuhin ang sarili ko"

Sambit ko at nakaramdam ako ng kirot habang sinasabi ko yun, hinawakan nya ako sa pisngi at tinitigan sa mga mata, "pakiusap athena, ipangako mo na hindi ka na ulit magtatangkang magpakamatay, always remember na nandito lang kami para sayo, at ako laging magbabantay sayo"

Pagkasabi nya nun, may biglang bumalik sa ala ala ko na boses ng isang lalaki nung gabing nagpakamatay ako hindi kaya.....

"Ahm Christian pwede ba akong magtanong sayo?" Bigla kong tanong "oo naman ano ba yun?" Mahinahon na nyang sagot "nung gabing nalunod ako ikaw ba ang sumagip sakin?" Curious talaga ako na baka nga sya..

Biglang kumunot ang noo nya at gumalaw ang mga mata nya pakaliwa at pakanan sabay balik ng tingin sakin "nagligtas?, Im not"

"Actually kaninang umaga lang ako tinawagan ni lea para sabihing nandito ka, why? Is there someone else who saved you?"

Literally akong napanganga sa sinabi nya, kung hindi sya sino yun? Mas lalong sumakit ulo ko dahil sa kakaisip kung sino ang taong yun, pero yung boses nya at mga labi natatandaan ko hindi rin sya ganon kalinaw sakin pero parang may naaalala ako sa taong yun?

Ilang segundo pa akong nanahimik hanggang sa bigla akong nanigas sa kinauupuan ko, yung boses na narinig ko kagabi ay sya ring boses na narinig ko nung araw na may nagligtas sakin nung kamuntikan na akong magahasa
.
.
.
.
.
Tama oo parehong pareho, ibig sabihin yung nagligtas sakin dati ay sya ring nagligtas sakin kagabe ngunit sino ka ba bakit hindi kita nakikilala? Napaka misteryoso mong tao hanggang ngayon, kelan kaya kita makikilala at kelan ako makakapagpasalamat sayo ng personal sa pangalawang beses mong pagligtas sa buhay ko

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now