Chapter Twenty Three

Start from the beginning
                                    

Hanggang sa maglakbay ang isipan niya sa nakaraan.

Nagmamaneho siya ng walang kasiguraduhan kung saan siya patungo. He was damn tired because of his loads of work. He was too busy dealing with new investors and he finds it hard to please everyone in their field line. Idagdag pa ang kanyang nobyang si Penelope na imbes na maging inspirasyon at karamay niya sa hirap na pinagdadaanan ay grabe pa kung magdemand sa kanya. Na halos sa maraming pagkakataon ay away-bati sila dahil sa umano'y kawalan niya ng oras dito. Animo'y hindi siya nito naiintindihan sa dami ng responsibilidad na nakaatang dito.

He was already planning to take a vacation. Para makahinga kahit papaano. Ngunit hindi siya makakuha ng tiyempo. Napakaraming dapat ayusin sa kompanya nila.

Hanggang sa makuha ng atensyon niya ang isang tahimik na parke. Dali-dali niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng parke at bumaba roon. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng parke. Napakatahimik ng paligid at walang katao-tao dahil gabi na rin. Ngunit nang mapadako ang paningin niya sa isang sulok ay may nakita siyang babae na nakaupo sa isang duyan. Sapu-sapo nito ang mukha at kung pagbabasehan ang pagyugyog ng balikat nito ay masasabi niyang umiiyak ito.

Agad na binalot ng pag-aalala ang loob niya. Parang may kung anong enerhiya ang humatak sa kanya upang lapitan niya ang babae. Ilang hakbang na lang ang layo niya nang marinig ang pigil na mga hikbi ng babaeng umiiyak. Mukhang mabigat ang problemang pinagdadaanan nito.

Sandali niyang pinasadahan ang hitsura ng babae. Na base sa suot nitong pormal na damit ay masasabi niyang nagmula ito sa may kayang pamilya. Huwag nang banggitin pa ang maputing kutis nito na malinaw niyang nakikita sa tulong ng ilaw na nasa mga poste ng parke.

"Miss, are you okay?" Hindi niya napigilang itanong.

Tumayo siya sa harap nito saka inilahad dito ang panyo niya.

Mabilis na nag-angat ng ulo ang babae ngunit hindi agad siya tinignan bagkus walang pag-aatubiling inabot nito ang panyong dala. He watched her as she wiped her tears in a very classy way kahit na hindi niya mabistahan ng lubusan ang mukha nito.

Bumuntong-hininga siya bago naupo sa duyan na katabi nito. Hindi niya hiniwalayan ng tingin ang babae. Nababalot ng awa ang puso niya para rito. Bigla ay nakaramdam siya ng sakit para sa isang estranghero at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nagmula.

"You can share with me things that bother you, Miss. Handa akong makinig." Maya-maya ay panghihikayat niya sa babae.

Dumeretso ng upo ang babae at bahagyang ikiniling ang ulo. Wari'y pasimple siyang inuuri. Sa ikinilos nito ay nagkaroon siya ng pagkakataong maaninag ang mukha nito. Mula sa liwanag na nagmumula sa poste ay nakita niya ang mamula-mulang ilong ng babae pati na rin ang mamula-mulang pisngi nito. Base sa namamaga nitong mata ay masasabi niyang matagal-tagal na itong umiiyak.

Lalo lang nabuksan ang kuryosidad niya sa dahilan ng kalungkutan ng babae. Kung bakit ay parang nadarama niya ang hirap na pinagdadaanan nito.

"Other people said that it is easier to share problems with some stranger kasi wala ka daw aalalahanin na bad reactions mula sa kanila. All what they are going to do is to listen and give some sort of advice based on what you told them." Panghihikayat niya na may palakaibigang tinig.

Hindi niya kinakitaan ng kahit na anumang reaksyon ang babae. Nanatili lang itong nakayuko at nakatingin sa panyo na iniabot niya rito. Hanggang sa magsalita ito.

"S-Salamat na lang." Mahinang sabi ng babae.

Tumayo ito sa duyan at dahil sa biglaang pagtayo nito ay nawalan ito ng panimbang. Matutumba itong pabalik sa upuan ng duyan at siguradong babaliktad iyon sa maling pagkakaupo nito ngunit bago iyon mangyari ay mabilis niyang nadaluhan ang babae at naalalayan ito sa beywang nito. Mabilis na nakapangunyapit ang isang kamay ng babae sa kanyang batok at ang isa ay sa braso niya.

Nanatili sila nang may ilang minuto sa ganoong posisyon at iyon ang naging pagkakataon nila upang matignan ang isa't-isa. Hindi maiwasang magtama ang paningin nila ng babae.

He took his time looking at her sad face. Ngunit walang sinabi ang kalungkutang nasasalamin sa mukha nito dahil ni hindi man lang niyon nabawasan ang kagandahang taglay ng babae. He looked at her eyes and he swore that those were the most expressive eyes he ever saw in his lifetime. Bumagay sa maliit nitong mukha ang maliit ngunit matangos nitong ilong. Makipot ang napakapulang labi nito na animo'y nanghahalinang mahalikan.

Crazy as it may sound but his heart actually skips a beat right at that very moment na hindi pa kailanman nangyari sa kanya. He was intently looking at her beautiful sad face at hindi na niya namalayan ang pagtigil ng pag-inog ng kanyang mundo.

Suddenly, having this woman in his arms made him feel alive. How in the world it felt right at that very moment? Na parang nais niyang manatili silang ganoon ng mas mahaba pang sandali. A want to comfort her suddenly arise from his inside. At hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga isipin niyang iyon.

Ilang sandali pa ay mabilis na bumitaw ang babae sa kanya nang mapagtanto ang ginagawa nitong pag-aanalisa sa kanya.

"Careful." Sabi niya kahit na umatras ang babae  na bahagya pa niyang inalalayan sa siko nito.

"T-Thank you." Narinig niyang usal nito.  "Let me pay for your hanky. It's the least that I can do kasi hindi ko na 'to mababalik sa'yo ng ganitong hitsura." Sabi nito habang nagkakalkal sa bag nito.

"Oh, no, no! Don't mention it. You can keep that hanky anyway." Mabilis niyang pigil sa babae.

Muli siya nitong sinulyapan. Muling nagtama ang kanilang mga paningin. Kimi itong ngumiti sa kanya ngunit hindi umabot ang mga ngiting iyon sa mga mata nito.

"Thank you." Muli niton pasalamat sa kanya. Narinig niya ang buntong hininga ng babae. "I appreciate your willingness to listen to my problems. But it's really nothing. It was just a bad day and I really had a hard time." Pinilit nitong ngumiti sa sinabing iyon. "I'll get going." Paalam ng babae at nang tumango siya ay tumalikod na ito ng tuluyan sa kanya at tinungo ang kotseng nakaparada 'di kalayuan sa kotse niya.

Narinig niya ang pagbusina nito hudyat ng pamamaalam nito. Ganoon na lang ang panghihinayang niya nang hindi man lang niya naisipang tanungin ang pangalan ng magandang babae. Nang tuluyan nang umalis ang sasakyan nito ay ganoon na lang ang panlulumo niya dahil para siyang nakaramdam ng kahungkagan sa kanyang sarili. Kung kanina ay nabalot siya ng isang pakiramdam na hindi niya kayang ipaliwanag, ngayon naman ay nabalot siya ng isang pakiramdam ng nawalan. Parang may parte ng pagkatao niya ang nawala nang mga sandaling iyon.

Nahagod niya ang batok saka tumingala sa itim na kalawakan. He gritted his teeth as he stares to no particular thing. Naitanong niya sa sarili kung ano ang nangyari sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay animo nawala siya sa kanyang sarili.

~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷•~•÷

Paunawa mga mahal kong mambabasa,

Ang mga susunod po na mga eksena ay point of view po ni Andres. Gusto ko lang po na malinawan din ang lahat kung bakit ganoon na lang ang pagpipigil ni Andres sa sarili na tuluyang mahalin si Scarlett. Of course, he has his own reason po. And let us find out what it is...

Kaway-kaway po mga readers!!! Pinapaalala ko lang po na libre po ang pagboto at ang pagkomento...🤗🤗🤗 Vote and comment po, ha...😘😘😘

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now