Subalit handa na siyang kilalanin at tanggapin ng buong puso ang babae ngayon. Gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang kasal.

Halos hilahin niya ang oras para lang bumilis iyon at humapon na. Gusto niyang umuwi ng maaga. Kung kaya niyang unahan si Scarlett sa pag-uwi ay gagawin niya. Maghahanda siya para sa yayain itong makapagdinner sa labas.

Ngunit kinahapunan ay biglang umakyat sa kanya ang mga trabaho na kailangang matapos agad. Gustuhin man niyang umuwi ng maaga ay hindi niya nagawa.

Alas otso ng gabi nang makauwi siya at ang nagtatakang mukha ni Nana Lora ang agad na sumalubong sa kanya.

"Himala! Ang aga mo ngayon, hijo!" Hindi napigilang bulalas nito.

"Ah, oho, Nana." Maikling tugon niya. "Nandiyan na ho ba si Scarlett?" Tanong niya.

Muli ay bumagsak ang mukha nito sa pagtataka. Marahil ay hindi inaasahang hahanapin niya ang asawa.

"Nasa kwarto na. Ang sabi'y magpapahinga na raw." Sagot ng matanda. "Matamlay nga nang umuwi. Hindi ko naman natanong kung may dinaramdam dahil nagtuloy na sa silid ninyo." Pahayag nito.

Agad siyang nilukuban ng pag-aalala. May sakit ba si Scarlett.

"Ganoon ho ba, Nana?" Nag-aalalang tanong niya. "Kumain na ho ba siya? Ano hong niluto niya ngayong gabi? Ipag-aakyat ko ho siya nang makakain."

Hindi niya maipaliwanag ang mukha ng matanda.

"Hindi siya nagluto ngayon, hijo. Miski kaninang umaga'y hindi rin nakapagluto." Saad ng matanda na agad niyang ikinabahala. "Amo't magluluto ako ng sopas. Mainam iyong pangpapawis." Sabi ng matanda saka siya nilisan.

Naiwan siyang natutulala. Wala siyang nakahandang damit kaninang umaga. Hindi ito nagluto ng hapunan at miski kaninang umaga ay hindi rin nakapagluto. Nakakapanibago.

Tinungo na niya ang silid at doon ay dinatnan niya si Scarlett na abala sa pagtipa sa laptop nito. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.

"H-Hi." Umpisa niyang bati ngunit hindi siya nilingon ni Scarlett. Bumuntong hininga siya. "M-Masama ba ang pakiramdam mo? Sabi kasi ni Nana Lora matamlay ka raw nang dumating. Nag-aalala siya sa'yo. Ipinagluluto ka nga ngayon ng sopas." Tuloy tuloy na sabi niya.

"Pakisabi na lang kay Nana Lora na huwag nang mag-abala. Maayos ako. Marami lang akong nakatambak na trabaho." Sagot ni Scarlett na hindi siya tinitignan.

Bumuntong hininga siya. Her voice was cold. She didn't even bother to look at him. Nakaramdam siya ng sakit sa tratong iyon ni Scarlett sa kanya. Maybe this is his payment for his treatment to her.

Tumayo siya saka tinungo ang banyo. Nagshower siya saka nagpalit ng damit. Pagkalabas niya ng banyo ay naulinigan niya ang boses ni Scarlett na nagmumula sa terasa ng kwarto. May kausap ito sa cellphone.

"I'm tired, Stacey. Tinatapos ko na 'yong mga bagay na dapat kong ayusin and I'm done. This week, it will all be over." Narinig niyang sabi ni Scarlett. "I'll hang up now. Don't stress yourself too much. It'll pass, okay? Bye." Paalam nito sa kausap.

Naabutan siya ni Scarlett na nakatingin dito ngunit wala siyang nabasang kahit na anumang emosyon sa mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin. Nilagpasan siya nito saka pinatay ang laptop.

Akala niya ay mahihiga na ito ngunit nagkamali siya. Lumabas ito ng kwarto. Inakala niyang sandali lang ito. Inihanda na niya ang sarili para sa paghingi ng tawad dito. Umupo siya sa ibabaw ng kama at naghintay sa pagbabalik ni Scarlett.

Napabuntong hininga siya. Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Hindi sinasadyang masamyo niya ang mabangong amoy ng babae sa kumot at sa mga unan. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na inaamoy ang isang unan nito. Niyakap niya iyon at hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Nang magising siya ay mataas na ang araw. Hindi pa siya makapaniwala na naging payapa ang tulog niya nang nagdaang gabi. Makalipas ang isang taon ay ngayon lang siya ulit nahimbing sa pagtulog. Na kung hindi pa siya iinom ng alak at uuwing lasing ay hindi siya agad makakatulog. At kataka-takang kagabi ay mabilis siyang ginapo ng antok. Sa pamamagitan pa ng pagsamyo sa mabangong amoy ni Scarlett na nakadikit sa mga unan at kumot.

Magaan ang pakiramdam na bumangon siya. Inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid upang madismaya lamang. Katulad kahapon ay walang nakahandang damit sa ibabaw man ng sofa o kama.

Nilingon niya ang kabilang panig ng kama ngunit lalo lang siyang nadismaya nang makitang maayos iyon at wala man lang marka na tumabi sa kanya si Scarlett.

Naisuklay niya ang mga daliri sa kulot na buhok.

Ngayon ay si Scarlett naman ang umiiwas. Ito naman ang gumagawa ng paraan upang hindi sila magkatabi. Marahas siyang bumuntong hininga. Kailangan nilang mag-usap. Kailangang maayos ang bagay na ito sa pagitan nila.

Tinungo niya ang kabilang silid sa pagbabakasakaling naroroon pa si Scarlett ngunit wala ito. Pero naiwan ang bakas na ginamit nga ng asawa ang naturang silid. Sunod niyang tinungo ang study room para tignan kung nandoon ang babae ngunit wala rin doon.

Dali-dali siyang bumaba. Umaasang daratnan si Scarlett na naghahanda ng almusal para sa kanya. Ngunit tanging ang matandang ginang lamang ang naroroon.

"S-Si... Scarlett ho?" Alanganin niyang tanong.

"Maaga ulit umalis. Ni hindi na naman nakapagluto kagaya nang madalas nitong gawin." Malungkot na pahayag ng ginang.

Nadismaya siya at parang robot na bumalik sa kanyang silid at naghanda para sa pagpasok sa trabaho.

×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=×÷=

I saw a post from facebook. Sabi doon, kapag nagkasala si mister, magpapatawad si misis. At dahil pinatawad ni misis si mister, lumalalim ang pagmamahal ni mister kay misis. Pero si misis, habang nagpapatawad, nababawasan na ang pagmamahal kay mister.

Kung kailan mahal na mahal na ni mister si misis, napagod at nagsawa naman si misis kay mister.

As for me, I find this somehow true... Kayo ba?

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now