"Oh, hija, saan ka pupunta? Gabi na, ah. May lakad ka pa?" Tanong ng matanda sa kanya.  "Posturang postura ka, ah. Pagkaganda ganda mo." Puri nito sa kanya pagkuwan.

Masaya niyang nginitian ang matanda saka ginagap ang kamay nito.

"Anibersaryo ho namin ni Andres ngayon. Niyaya ko ho siya kaninang umaga na magdinner sa labas. Pumayag naman ho siya kanina. Kahit doon na lang ay makapagcelebrate kami." Masaya niyang pahayag.

Labis-labis din ang kasiyahang ipinakita sa kanya ng matanda.

"Naku, hija. Siguradong iyan na ang simula ng maganda ninyong pagsasamahan." Tugon nito saka hinaplos ang kanyang mukha. "Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maayos ninyo ang inyong pagsasama." Saad nito.

Naramdaman niya ang sinseridad ng matanda sa kagustuhan nitong magkaayos silang mag-asawa. At tama ito, hindi pa naman huli ang lahat para maayos nilang dalawa ang kanilang pagsasama.

"Aalis na ho ako, Nana." Paalam niya.

Masaya namang tumango ang matanda sa kanya.

Bago mag-alas siyete ay dumating na siya sa restaurant kung saan nakapagpareserve na siya para sa kanilang dalawa ni Andres. Sinamahan siya ng waiter sa isang maliit na silid kung saan may pandalawahang mesa. Nagustuhan niya ang ayos na ginawa ng mga ito sa loob.

May mga pulang lobo na nakadikit sa kisame na may mga palawit. May mga nakasabog pa na mga tayutot ng bulaklak sa sahig. Mayroon ding nakadikit sa pader na mga letra na ang nakasulat ay HAPPY 1ST ANNIVERSARY. Sa gitna ng mesa ay may isang maliit na cake na hugis puso.

"Sana po nagustuhan ninyo, Ma'am." Sabi ng waiter.

Tinignan niya ito saka nginitian.

"I very much like it, Sir. Thank you so much. I highly appreciate your plans and effort for this." Nagagalak niyang sabi.

"Mabuti naman po kung ganoon, Ma'am. Maiwan ko na po kayo." Anito saka umalis na.

Umupo siya sa isang upuan. Hindi na niya mapigilan na makaramdam ng excitement para sa mangyayari ngayong gabi. Hiling niyang sana ay magustuhan ni Andres ang inihanda niyang ito.

Hanggang sa lumipas ang ilang oras ngunit walang Andres na dumating. Nakailang balik na rin ang mga waiters para kumustahin siya roon. Tatlong oras ang reserbasyon niya sa maliit na silid na iyon. Humingi siya ng isang oras na palugit na pinayagan naman ng mga ito.

Sa panibagong isang oras ng ipinaghintay niya ay hindi na niya napigilang umiyak. Sobra na ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon lang siya nakiusap kay Andres ngunit binalewala rin nito.

Umiyak siya nang umiyak. Hindi na niya kaya pang kayanin ang sakit. Pagod na pagod na siyang umasa at maghintay sa wala.

Hindi na niya hinintay pang matapos ang isang oras na idinagdag. Nagbayad na siya sa restaurant saka nag pasyang umuwi na.

"Oh, hijo, nasaan ang asawa mo? Hindi kayo nagsabay umuwi?" Bungad na tanong ni Nana Lora kay Andres nang pagbuksan siya ng pinto.

"Hindi ho ba't maagang umuuwi si Scarlett, Nana?" Kunot noong tanong niya sa matanda.

Kumunot din ang noo ng matanda.

"Oo nga. Maaga siyang umuwi kanina. Ngunit umalis din. Ang sabi niya, anibersaryo niyo raw dalawa ngayon. Niyaya ka pa nga raw kaninang umaga para sa dinner niyo bilang selebrasyon ng unang taon niyo bilang mag-asawa." Paliwanag ng ginang.

"Shit!" Mura ni Andres.

7 pm tonight.

Tinignan niya ang relong pambisig. Mag-aalas onse na ng gabi! Apat na oras nang naghihintay sa kanya si Scarlett sa restaurant.

Nasapo niya ang noo.

Unang anibersaryo nila ngayon bilang mag-asawa? Bakit hindi niya naalala?

"Pupuntahan ko ho si Scarlett, Nana." Nagmamadaling sabi niya.

"Huwag na. Nandito na 'ko." Deklara ni Scarlett na ang mukha ay hindi kakikitaan ng kahit na anumang emosyon.

Tumalima ang matanda at naiwan silang dalawa.

"I-I'm sorry. H-Hindi ko alam na a-anniversary natin ngayon." Hinging paumanhin ni Andres. He was truly sorry.

Kaninang umaga, nang kausapin siya ni Scarlett tungkol sa dinner ay pumayag siya. Napag-isip isip niyang panahon na siguro para magawan ng paraan ang kasal nila. Habang patungo sa opisina ay napag-isipan niyang nasasayang ang durasyon ng kasal nila ni Scarlett. Kasal lang sila sa papel ngunit hindi pa nagaganap. Handa na siyang buksan ang sarili para sa lakbaying ito. Itatama niya ang pagkakamali. Napagtanto niyang hindi niya lubos na kilala si Scarlett at mali na agad niya itong hinusgahan.

Nais niyang buksan ang isip para sa babae. Nais niya itong kilalanin. Baka sa paraang iyon ay maging maayos ang pagsasama nila lalo na't kasal na sila.

Ngunit marami siyang tinapos na trabaho ngayong araw. Hindi na niya napansin pa ang oras.

Ngumiti si Scarlett. Iyong ngiti nito na hindi umaabot sa mga mata.

"Hayaan mo na. Naiintindihan ko naman kung hindi mo matandaan." Malamlam ang mukha na sabi nito. "Paano mo nga naman maaalala ang isang anibersaryo kung 'yong mismong kasal ay hindi mo gusto?" Diretsang sabi nito.

At tinamaan siya. Tagos sa puso ang mga katagang iyon na binitawan ng babae.

"Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka." Nakuha pang sabihin ni Scarlett sa kanya bago siya tuluyang tinalikuran.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Ang sakit sakit na.

I wrote the last three chapters crying.

Nararamdaman niyo ba, mga bhebe ko?

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now