"Naayos ko na sa master's bedroom ang mga gamit mo kahapon. Kung gusto mo'y ihahatid na kita sa inyong silid nang makapagpahinga ka." Suhestiyon ng ginang.

"Hindi ko ho tatanggihan 'yan, N-Nana." Pinilit niyang ngitian ang matanda.

Ngumiti rin ito sa kanya. Iyon bang ngiti na nakikisimpatya. Siguradong alam nito ang sirkumstansya ng pagpapakasal nila ni Andres. At marahil ay likas dito ang pagiging mabait kaya ganoon na lang ang pagtanggap nito sa kanya.

"Halika na kung ganoon." Saad nito saka nagpatiuna sa pag-akyat sa hagdan. "May dalawang guest room dito sa ibaba, hija. Ang servant's quarter ay nasa tabi ng kusina. Dito sa itaas ay may tatlong kwarto kabilang ang sa inyo. Mayroon ding study room." Imporma sa kanya ng matanda habang nakasunod siya rito.

Biglang napaisip si Scarlett. Dito rin ba balak na tumira ni Andres at Penelope pagkatapos ng kasal ng mga ito?

"Si Andres ang nagdisenyo ng bahay na ito, hija." Patuloy ni Nana Lora sa pagkukwento
"Napakagaling na arkitekto ng batang yaon. Lamang ay kailangang humalili sa kompanya ng pamilya kaya hindi na napagtuunan ng pansin ang pag-aarkitekto bagaman lisensyado. At ang bahay na ito ang kauna-unahan niyang idinesenyo. Iyon nga lang ay masyadong malayo sa trabaho kung kaya sa condo madalas na nagtutuloy ang alaga kong iyon. Pero syempre, alaga ito sa linis. At masaya ako dahil dito ka naisipang itira ng iyong asawa. Marahil ay dito niya rin naiisipang itira ang mapapangasawa habang ginagawa ito." Tuloy-tuloy na kwento nito na lalong nagpapagaan sa damdamin ni Scarlett.

Ni hindi niya alam na arkitekto pala ang propesyong tinapos ng kanyang asawa. Salamat sa matanda dahil nalaman niya iyon mula rito. At hindi lang iisang beses nito nabanggit ang salitang asawa na ikinatataba ng puso niya.

"Ito ang kwarto ninyong mag-asawa, hija." Masayang pahayag nito saka malawak na ibinukas ang pinto.

Hinayaan siya nitong magpatiuna sa pagpasok sa loob ng silid. Hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng pagkakadisenyo ng naturang kwarto. Napakalawak ng espasyo. Mayroong malapad na couch sa isang sulok, mayroong pangdalawahang tao na lamesa, mayroong king size bed na napapagitnaan ng dalawang side table. At ang kabuuang kulay na abo ng kwarto ay bumagay sa buong silid. May malawak na terasa sa labas. Kanugnog ng kwarto ay ang walk-in closet at banyo.

"Marahil ay para sa inyo talaga nakalaan ang bahay na ito, hija. Wala pang sinumang babae ang nadala rito ng alaga kong iyon. At kahit na nabanggit ang pagpapakasal nila ni Penelope ay hindi nasali ang bahay na ito sa usapan nila." Sabi ng matanda.

At hindi malaman ni Scarlett kung pampalubag loob ba iyon ng matanda upang mapalagay siya sa bahay na iyon.

Naupo siya sa kama at dinama ang kumot na nasa ibabaw niyon. Nilingon niya ang matanda nang tabihan siya nito.

"Alam ko ang dahilan ng biglaang pagpapakasal ninyo ni Andres, hija. Bagaman hindi ko alam ang buong kwento ay hindi ko panghihimasukan ang bagay na iyon." Anito saka ginagap ang kanyang kamay at pinagkalooban siya ng nakauunawang tingin. "Para ko na ring anak iyang si Andres, Scarlett. Masasabi kong mas alam ko ang likaw ng bituka niya kaysa sariling mga magulang. At natitiyak kong hindi niya papasukin ang ganitong sitwasyon kung hindi pinag-isipan ang magiging konsekwensya ng kanyang mga aksyon." Pahayag ng matanda.

Pinilit niyang ngitian ang ginang. Sa ilang minuto ay napalagay na agad niya ang loob rito.

"Ituring mo akong hindi iba, Scarlett. Naririto ako upang gabayan kayong mag-asawa. Hindi ko panghihimasukan ang kahit na anumang desisyon niyo. Nais kong ipalagay mo ng husto ang loob mo sa pananatili rito bilang asawa ni Andres." Punumpuno ng sinseridad ang pahayag nito.

Nakangiting tinanguan niya ang ginang. Mukhang may makakatuwang siya sa buhay may asawa niya. Somehow, Nana Lora reminded her of her Lola Perlitta and Manay Guada; ang matandang dalaga na nagpalaki sa kanya na siyang mayordoma ng mga Sandoval.

"Maiwan na muna kita, hija. Maghahanda na 'ko ng panghapunan." Paalam ng ginang saka tumayo. Nang tumango siya ay lumabas na ito ng silid.

Tinungo niya ang walk-in closet. Binuksan niya ang built-in cabinet at nakita ang maayos na pagkakasalansan ng mga gamit niya roon. Tinignan niya ang isa pang cabinet at doon ay nakita niya ang maayos na mga damit ng asawa.

Suddenly, she can't wait to serve her husband. Nais niya itong pagpalain sa buong durasyon ng kasal niya. Bagaman walang maayos na wedding vow, ay nakahalukipkip naman sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga bagay na handa niyang gawin para sa lalaki.

'Til death do them part...

÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷°÷

Hello po, mga bhebe labsss!!! Nakabalik na po ako dito sa Pampanga kaya heto po, bibigyan ko po kayo ng update👏... Sobrang sorry po dahil sa super dooper mega over late na update😥... Bibilisan ko po ang pag-update after nito...

Vote lang ng vote mga bhebe...
I would like to know your thoughts about this story by leaving your comments. May saysay po ba itong story na 'to o waley wenta?

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now