"O-Oh, yes!" Nauutal niyang sagot. "Sorry! Just a sec." Aniya saka mabilis na pumunta sa compartment at kinuha mula roon ang isang galon at iniabot iyon sa binata.

Sa pag-abot niya rito ng galon ay hindi sinasadyang bahagyang magdaiti ang kanilang mga daliri at hindi maiwasan ni Scarlett ang makaramdam ng kakaiba sa simpleng pagdidikit na iyon ng kanilang mga balat. Mabuti na lamang at naiwasan niya ang mapasinghap.

"It just lack of water. Pero, okay na 'yan." Anito nang ibalik sa kanya ang galon.

"O-Okay." Aniya rito. "S-Salamat." Tanging nasabi niya.

"By the way, I'm Andres Guillermo." Nakangiting pakilala ng lalaki saka inilahad ang kamay sa harap niya.

Sandali niya itong tinignan bago sulyapan ang kamay nito na nakalahad sa harap niya.

"S-Scarlett. Scarlett Santisima." Tugon niya saka inabot ang kamay nito.

Kung may mumunti siyang kuryente na naramdaman kanina sa pagdadaiti ng kanilang mga balat ay naging bolta-boltahe iyon sa pagkakataong ito. Scarlett used to shake her hands with other people and never felt electrified as she feels right now.

Tinignan niya ang pagkakataong iyon bilang isang sign na ang lalaking ito ay kaiba sa lahat. She was silently hoping that he will get her number or address but to spoil her moment, he did not. Hiniling na lang niyang makita ito sa pangatlong pagkakataon at siya na mismo ang gagawa ng paraan upang magkalapit sila. It sounds a little bit desperate but she can't let the moment pass just like that.

"Scarlett Santisima." Ulit nito sa pangalan niya. "Nice meeting you. Again." Anito na binigyang diin ang huling kataga.

"Again." Segunda niya na medyo nawala na ang tensyon sa katawan. "And for the second time, tinulungan mo na naman ako." Aniya.

"I don't remember helping you the first time." Mapagkumbabang sabi nito na bahagya pang kinamot ang batok.

Napangiti siya sa ginawing iyon ng lalaki. She finds his gesture cute. Hindi lang nito alam na ang presensya nito nang gabing iyon ay nagdulot sa kanya ng napakagaan na pakiramdam. Isama pa ang mumunting pantasyang umusbong sa kanyang damdamin pagkauwi niya sa kanyang bahay.

Nang mapagawi ang tingin ng binata sa suot nitong relo ay parang doon lang nito naaalala ang gagawin.

"Oh," Gulat na sabi nito. "I hate to say this but I have to go, Scarlett." Paalam nito.

And Scarlett can't help herself but to be mesmerized on how he pronounced her name. It was soothing and at the same time enough to make her tiny hair bumps.

"Y-Yeah, sure!" Sabi niya dahil noon niya lang din naalala ang pupuntahan. Umahon muli ang pagkadismaya sa dibdib niya dahil wala na namang katiyakan ang pagkikita nilang muli ng lalaki.

Muling nagtagpo ang kanilang mga paningin at ganoon na lang ang pag-asam ni Scarlett na sana, kahit isang pagkakataon lang ay huminto ang pagtakbo ng oras. At bakit parang gayon din ang sinasambit ng mga mata ng binata? Bakit parang iisa sila ng hiling? Could it be a sign?

Kumurap siya saka nagbaba ng tingin. She was hoping for something she must not think. Pasimple niyang ikiniling ang ulo sa sarili. She must not think of something like this. She forced a smile saka muling tinignan ang lalaki.

"Salamat ulit. Mag-iingat ka sa byahe." Aniya saka humakbang paatras.

Tumango ang lalaki saka animo'y napipilitan ding humakbang. Bumalik na sila sa kanya-kanyang sasakyan. Bumusina pa ang lalaki nang mauna nang umalis.

Bago tuluyang patakbuhan ang sasakyan ay hindi napigilan ni Scarlett ang pagsilay ng isang munting ngiti sa labi. She can't help herself but to feel inspired all the way to Sandoval's mansion.

Ngunit biglang naglaho ang lahat ng nadarama niyanng inspirasyon nang muli silang makita ng lalaki sa mansiyon ng mga Sandoval at ipinakilala ito ni Penelope bilang nobyo nito. Right at that very moment, parang may naghagis ng bomba sa paligid niya na ikinaguho ng mundo niya. And to make it more ecstatic, ipinahayag pa ni Penelope na napag-uusapan na diumano ng mga ito ang pagpapakasal sa lalong madaling panahon. Wala na ba talaga siyang matatanggap na maganda sa buong buhay niya?

Naging masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Penelope habang kumakain sila nang mabilisang ikwento ni Andres ang dalawang beses na pagtatagpo nila ni Scarlett. At hindi rin pinaligtas ni Penelope na ibunyag ang pagkatao niya sa binata.

"I still want you to be my maid of honor, Scarlett. It's a big role and I want to give it to you since you became a part of this family a long time ago." Nakangiting sabi ni Penelope sa kanya ngunit alam niyang sa likod ng mga ngiting iyon ay may isang planong nagkukubli.

At hindi alam ni Scarlett kung ano ang naglalaro sa utak ng babaeng ito. Kani-kanina lang ay ipinangalandakan na nito ang pagkatao niya sa bisita at ngayon naman ay umaarte itong parang tanggap na tanggap siya bilang parte ng pamilya.

Napagawi ang tingin niya kay Andres na noon ay parang nag-iba ang tingin na ipinukol sa kanya. And she can't even name one of those emotions that crossed his eyes. Ngunit hindi kaila na isa sa mga emosyong iyon ay pang-uuyam. Kung para saan iyon ay hindi niya alam. Kunsabagay, hindi na bago sa kanya ang mga ganoong uri ng tingin ng mga tao sa tuwing nalalaman nila kung sino siya at kung saan siya nanggaling.

A/N
Very very very sorry for the late update. Nasa bataan po ako ngayon kung saan ang signal ay out of coverage area... Pagpasensyahan na po ninyo.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now