Si Penelope Sandoval ay tapos ng kursong Business Management ngunit wala sa pagpapatakbo ng isang kompanya ang puso nito kundi nasa pagmomodelo. Kaya imbes na pamahalaan ang negosyo ng pamilya ay mas pinili nito ang mundo ng pagmomodelo at pinag-igi ang sarili para sa larangang iyon.

"Dad naman. Hindi ka na nasanay sa'kin!" Sagot ni Penelope saka bahaw na tumawa.

"Oh, hi there, Scarlett!" Bati ni Penelope sa kanya saka pinagalawa ang mga daliri sa ere. "Heard you've failed again. Sorry for you. Better luck next time." Malungkot ang mukha nito ngunit nang-uuyam ang tinig.

"Pinagsabihan ko na 'yan, Pen. Halika na!" Yakag ng ginoo saka humawak sa beywang ng anak at nilisan na ang opisina niya.

Nanggigipupos na umupo siya sa kanyang upuan at sinapo ang kanyang noo. Pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang dibdib dahil sa mabibigat na salitang binitawan sa kanya.

Inasahan na niyang mangyayari ang bagay na iyon sa mismong oras na hindi niya naipanalo ang bidding. Alam niyang isa na naman iyon sa magiging problema niya sa kompanya. Pinilit niyang kumbinsihin ang isa sa pinakamalaking ospital ng bansa upang sila ang kuhaning distributor ng mga gamot ngunit mababa ang presyo ng kabilang kompanya kaya nahirapan siyang ipanalo ang Sandoval.

At kahit anong pilit niyang gawin lahat ng makakaya niya ay hinding hindi iyon magiging sapat upang magustuhan man lang siya ni Frederick o ng kahit na sino sa pamilya nito.

Scarlett Santisima is Frederick Sandoval's adopted daughter. Limang taon siya nang iwan siya ng kanyang ina sa isang restawran kasama si Frederick. Noong magkita ang mga ito ay wala siyang lubos na naunawaan sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Halos bulungan lang ang naririnig niya sa mga ito kahit na galit pa ang pagkakabigkas ng mga iyon.

Matinding paghahabol ang ginawa niya sa kanyang ina nang basta na lang siya nitong iwan ng walang paalam matapos kuhanin mula kay Frederick ang isang makapal na puting envelope. Iyak siya nang iyak ngunit walang Carlotta na bumalik sa restawran.

Hanggang sa buhatin siya ni Frederick sa kotse nito at doon patahanin.

"Scarlett, makinig ka sa'kin." Maawtoridad ang tinig nito na agad na naghatid ng takot sa kanya. "Simula ngayon, sa'kin ka na titira." Deklara nito. "Isasama kita ngayon din sa mansiyon at hindi mo na kailan pa makakasama ang iyong ina." Pilit nitong ipinaintindi sa kanya ang bagay na iyon.

At sa batang isip ay agad niyang naintindihan ang mga bagay-bagay. Ipinaampon siya ng kanyang ina kay Frederick. Ang kanyang ina na si Carlotta na walang ibang ginawa sa kanya kundi maltratuhin. Simula nang magkamuwang siya ay puro pasakit na lang ang ipinadama sa kanya ng babaeng nagluwal sa kanya. Lagi nitong sinasabi sa kanya na siya ang malas na dumating sa buhay nito. Na simula nang ipinanganak siya nito ay nagkandaletse-letse na ang buhay nito. Na wala siyang ipinagkaiba sa ama niya na isang hudas!

Kung ituring siya ng sarili niyang ina ay animo hindi siya nito anak. Masahol pa siya sa isang hayop na maswerte nang maalagaan kung may sakit ngunit kaakibat pa rin niyon ang pasakit at walang kabuluhang pag-aalaga. Balewala rito kung hindi siya makakain ng tatlong beses isang araw basta't makapaglaro ito ng sugal na mahjong.

Habang nagkakaisip ay lalong ipinapamukha sa kanya ng kanyang ina ang kawalan nito ng halaga sa kanya. Na para rito ay isa siyang sumpa at pasakit sa buhay na hindi dapat arugain. At hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Wala man lang ito ni katiting na amor sa kanya at animo'y isa siyang nakamamatay na sakit kung layuan nito.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now