Bitten - Chapter 28

35 8 0
                                    

Napabuntong hininga ako habang diretso ang tingin sa daan. Nagpalipas lang kami ng isang gabi sa kubong ‘yon bago muling nagpatuloy sa paglalakad. This time, walang tumutol. Lahat gustong sumama. Siguradong hindi rin naman nila alam kung anong gagawin. Hindi rin naman pwedeng doon na lang kami sa kubo habang buhay.

‘Yon ay kung mabubuhay pa kami nang matagal sa ganitong sitwasyon.

Napailing na lang ako sa naisip. Hindi ko rin masisisi ang sarili kung ganito na ako mag-isip, may mga rabid kaming iniiwasan tapos kalaban pa namin ang mga pulis at sundalo, ang gobyerno. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang kagat-kagat ang isang manggang hilaw. Naisipan na lang naming magdala ng mga prutas habang may dalang mga kahoy na pwedeng armas ang mga lalaki. May dala rin akong kahoy na tingin ko’y maaaring pumrotekta sa akin.

“Pagod na ‘ko.” Reklamo ni David kaya nagkatinginan kami. Mukhang ‘yon din ang nararamdaman naming lahat. Wala lang naglalakas loob magreklamo, kahit sina Mama. Sina Lukas at James kasi ay medyo nauuna kaya ang hirap nilang sabayan.

“Kulas! Pahinga muna tayo.” Sigaw niya kaya napalingon ‘yong dalawa. Nagkatinginan sila ni James bago napatango.

Nasa gilid kami ng highway. Mabuti na nga lang at wala kaming mga rabid na nakakasalubong. Mas mahihirapan kami dahil sobrang dami na naming lahat. Kakaunti lang din ang depensa namin. Baka kung nagkataon, kakailangan na rin naming lumaban sa mga rabid. ‘Wag lang kaming makasalubong ng mga pulis, tiyak na bala ng baril lang ang tatapos sa aming lahat.

“Sa’n na ba tayo pupulutin ngayon?” Tanong ni Klara habang nakatingala sa kalangitan. Medyo papasikat palang ang araw kaya hindi masyadong mainit.

“Hindi ko rin alam.” Sagot ni James.

“Mama, wala man lang po ba kayong balita tungkol sa virus? Gamot po?"”

“Wala, ‘nak. Wala kaming kaalam-alam.” Napabuntong hininga na lang din ako dahil mukhang kahit sino sa amin, walang alam kung may gamot na ba. Kung bakit pinapatay nila kami kahit hindi pa nakakagat. Kung bakit hindi nila kami inililigtas.
“Ikaw Clarrence? May iba ka pa bang alam na hindi sinasabi sa amin?” Tanong ni Lawrence. Lahat yata kami ay nakatingin na kay Clarrence. Simula no’ng insidente sa tabing dagat, nanatili na lang siyang tahimik. Halos hindi siya nagsasalita kung hindi kinakausap. Para bang ang dami niyang iniisip. Parang lunod na lunod siya sa mga ‘yon. Lalo na no’ng nawala si Jim.

“Wala na.”

“Bakit ngayon pa nila naisipang magbawas ng populasyon?” Sarcastic na tanong ni Ahl.

Napakibit-balikat na lang ang halos karamihan sa amin. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang kalakaran ng pamahalaan. Ang gulo nila. Hindi ba nagsisilbi sila sa bayan? Bakit may ganito? Idagdag pang masyadong nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa mga aparato at kagamitan sa Hospital. Paano kaming naiipit sa ganitong sitwasyon? Maswerte 'yung mga taong nakalikas agad, maswerte 'yung mga taong hindi apektado pero paano naman kami? Hihintayin na lang ba naming isa-isa kaming maging rabid at mamatay kalaunan?

Napapaisip na lang ako kung may mga rabid na rin ba sa ibang bansa. May lunas man lang bang naimbento? Ito na ba talaga ang gusto ng pamahalaan? Ang mabawasan ang bilang ng tao para mailigtas ang mundo? Pero bakit mukhang taliwas sa gusto nilang mangyari ang kasalukuyang nagaganap ngayon?

“Bakit ba nila ginagawa ‘to?” Umiiyak na tanong ng isang kasamahan ni Mama. Siguradong nasaksihan nila ang kasamaan ng mga pulis at sundalo, ng mga taong dapat na nagtatanggol sa amin ngayon, hindi ang pumapatay.

“Tara na.” Napatayo na lang kaming lahat. Parang mga de susing laruan na nagsilakad papunta sa kung saan. Unti-unti na ring nauupos ang pag-asa ko. Kung display lang ang mga safe zone na tinatawag nila, saan kami pupunta? Mamamatay na lang ba kaming lahat? Magpapalaboy-laboy sa mga kalye?

BittenWhere stories live. Discover now