Bitten - Chapter 8

77 14 0
                                    

“Ubusin mo ‘yan Shein, okay?” Nakangiting tugon ko sa bata matapos i-abot sa kaniya ang biscuit na naitago ko pa sa bag.

“Gusto mo po, Ate?” Alok niya sa ‘kin. Umiling na lang ako saka siya nginitian. ‘Yon na kasi ang kahuli-hulihang natira sa bag ko.

“Kainin mo na lang ‘yan, busog pa ako.” Inilibot ko ang paningin sa paligid. May sari-sariling mundo sila. Ilang araw na ang nakalipas mula no’ng namatay si Baby Bliss. Hindi na kami umalis pa sa kubong ‘to. Nagpapagaling pa kasi si Kulas at bukod pa ro’n, hindi rin naman namin matukoy kung saan kami pupunta.

Napalingon ako kay Klara na nakahalumbaba sa may bintana habang nakatulala sa labas. Malalaki ang patak ng ulan mula sa langit. Isa na rin yata ito sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay stuck kami rito. Maulan.

“Gutom na ‘ko.” Reklamo ni Math saka humiga sa papag habang nakahawak sa tiyan. Napatingin din ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Nahihiya akong napahawak dito nang magsitinginan sila sa ‘kin.

“Sa ‘yo na po ‘to, Ate.” Binigay sa ‘kin ni Shein ang kalahating biskwit na hawak niya. Umiling na lang ako. Sa totoo lang, kagabi pa talaga ako nagugutom. Ubos na rin ang tubig na dala namin at naiwan din kasi ‘yong bag na bitbit ni Kulas na naglalaman ng mga pagkain (noong hinabol kami ng mga ala-cannibal na adik).

Pakiramdam ko nga tuyo’t na tuyo’t na ang lalamunan ko. Naaakit akong uminom sa tubig ulan pero nagdadalawang isip naman ako. Baka kasi magkasakit lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako at nahiga sa pwesto ko. Itutulog ko na lamang ‘to. Napapaisip tuloy ako na baka hindi dahil sa virus and ikamatay namin kundi gutom.
***

Napamura si James bago nagsalita, “Nasa’n na ba tayo?” Halata sa boses niya ang pagka-irita. Mula no’ng tumila ang ulan ay napag-isipan naming maglakad lakad at maghanap ng maaaring matuluyan. Maghanap ng makakakain.

“Anong oras na ba?” Tanong ni Clarrence habang nakatingin kay David.

“Mukha ba akong orasan?” Hasik nito. Napa-iling na lang ako. Gutom at pagod sila ngayon kaya hindi ko naman masisi kung bakit halos lahat sila ay naiirita at bahagyang nauubusan ng pasensya.

Natahimik kami at tanging yapak ng mga paa namin sa kalsada ang maririnig. Tama, nakalabas na nga kami ng bayan at kasalukuyang binabagtas ang kahabaan ng kalsadang ‘to. Hindi ko rin alam kung saan papunta dahil ngayon lang ako nakarating dito.

“And I will take, you in my heart~” Napalingon kaming lahat kay Math na feel na feel ang pagkanta sa ‘This I promise You’ by ‘N Sync,  habang may dala dalang stick na itinutukod sa lupa habang naglalakad.

“Manahimik ka nga.” Bored na saway sa kaniya ni Ahl. Inismiran lang siya ni Math at hinarap kami. Nakangiti niyang itinaas ang stick.

“Guys, hindi ba kayo napapagod? Pahinga muna tayo!” Malakas at puno ng enerhiya na sabi niya. Napangiti ako dahil doon. Sa kabila nang lahat ay nagagawa niya pang maging hyper.

“Ang sakit na rin naman ng paa ko.” Mahinang reklamo ko at naupo sa kalsada. Hindi iniinda ang putik at pagkabasa nito mula sa pag-ulan. Gumaya si Math pero sa halip na maupo ay nahiga siya at in-stretch pa ang dalawang braso animo’y nakahiga siya sa snow. Daig niya pa ang nagsusunbathing sa ilalim ng mataas na sikat ng araw habang umaalon ang tubig dagat sa dalampasigan.

“Mukhang preskong humiga riyan ah?” Tanong ni James bago rin nahiga sa kalsada. Nagtawanan na lang kami nang halos lahat kami ay nakahiga o ‘di kaya ay nakaupo na sa kalsada. Para bang buterfly effect. Nakakahikayat din naman kasi talagang tingnan si Math sa ginagawa. Si Shein naman ay nakakandong kay Jim. Close na yata sila.

BittenWhere stories live. Discover now