Bitten - Chapter 9

67 13 1
                                    

“Tingin niyo?” Pagbasag ni James sa katahimikan. Mahigit dalawang oras ang nakalipas matapos nang papasukin namin si Rhea. Kung saan nalaman namin mula sa kaniya na posibleng ligtas sa Sorsogon.
“Wala namang masamang maniwala.” Saad ni Math saka tiningnan si Rhea. Napayuko na lang siya at lalong sumiksik sa gilid. Hanggang ngayon ay naaamoy ko kung gaano siya katakot na maiwan sa trashcan na ‘yon.

“Mapagkakatiwalaan ka ba namin?” Dagdag niya pa kaya lalong natakot si Rhea. Bumigat din ang tensyon sa buong silid. Siniko siya ni Ahl kaya napairap siya at nagtalukbong na lang ng kumot. Drama king din ang isang 'yon lagi.

“Uhm—kung ako ang tatanungin, bakit hindi? Wala namang masamang sumubok—”

“Pero Shanaya, buhay nating lahat ang nakataya. Wala tayong alam sa Sorsogon...” Pagputol ni Klara sa sinasabi ko. Napatingin silang lahat sa ‘kin nang tumayo ako.

“Hindi rin natin alam kung saan tayo sunod na pupulutin ‘pag ubos na ang pagkain dito. Hindi naman pwedeng dito na lang tayo lagi.” Tiningnan ko sila isa-isa dahilan para mapayuko ang halos karamihan, napaiwas naman ng tingin si Klara.

“N-natatakot lang akong mabawasan tayo.” Nabasag ang boses ni Klara nang sabihin niya ‘yon. Natigilan ako at akmang lalapitan siya pero sinenyasan agad ako ni James na magpatuloy. Siya ang lumapit kay Klara at niyakap siya.

“Hindi ko gustong mapahamak tayo pero...” Napalunok muna ako ng laway at muling pinasadahan sila ng tingin bago nagpatuloy. “Wala ring mangyayari sa atin kung hindi tayo susubok... Kung magpapakulong lang tayo rito at magpapabalot sa takot.”

Nakita kong umiling-iling si Kulas kaya nagsimula akong kabahan. Hindi ko matukoy kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Galit ba siya? Hindi ba siya sang ayon sa opinyon ko? May mali ba akong nasabi? Nakakaconscious kasi ang pamamaraan ng pagtitig niya.

Maya-maya pa’y napabuntong hininga siya, “Matulog muna kayo. Bukas, pupunta tayong Sorsogon.” Pinal na sabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag at naupo ulit sa dati kong pwesto. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang huling pagsulyap sa akin ni Kulas bago siya tuluyang lumabas sa pintuan.

“Paano ang sasakyan?” Tanong ni Math na ngayon ay nakasilip na sa kumot.

“Matulog na raw tayo at bukas na lang mag-usap-usap.” Sagot naman ni David saka humiga. Nagkatinginan muna sila bago nagpasyang magsitulog na. Nakita ko pang inirapan siya ni Mathew.

“Goodnight, Shanaya.” Tipid akong ngumiti kay Clarrence matapos niyang magpaalam. Humiga siya sa may ibaba ng kama.
Bago ako mahiga ay napalingon ako kay Klara na yakap pa rin ni James. Hinahaplos ni James ang buhok nito. Nang mapadako ang tingin sa ‘kin ni James ay agad akong napaiwas ng tingin. Pakiramdam ko tuloy ay sumama bigla ang pakiramdam ko.
***

Pasado alas diyes ng umaga ay gising na kaming lahat at naipon lang sa magulong sala. Ang ilan ay nakaupo sa sofa habang ang ilan naman ay nasa sahig.

“Ate, saan naman po tayo sunod na pupunta?” Inosenteng tanong ni Shein sa ‘kin habang nakaupo siya sa hita ko at sinusuklay ko ang buhok niya. Pinaliguan ko kasi siya at nanghalukay na rin ako ng mga pwedeng suotin niya at isinilid ito sa bag ko. Nakakatuwa mang isipin pero nasa akin pa rin ngayon ang bag na ‘yon. Nagpapaalala ‘yon sa ‘kin tungkol kay mama at sa pag-aaral ko, sa pagiging normal na estudyante bago pa man maganap ang pagkalat ng rabies virus na ‘to.

Medyo maayos na rin ang binti ko. Nakakuha na rin ako ng kapalit ng sapatos ko noon. Medyo maluwag niya lang kaya salamat sa mga papel na isinuksok ko ro’n.

“Sa Sorsogon tayo pupunta. Tapos... Magiging okay rin ang lahat.”

“Talaga po Ate? Excited ako kung gano’n” Tugon niya saka ngumiti na kita ang mga ngipin niya. Natawa na lang ako. Ang cute niya kasi.

BittenWhere stories live. Discover now