ONE SHOT #27

1.3K 21 0
                                    

A/n: Sorry for some errors, misspelling and grammatical or typographical errors.

——————


KILLER GAME
— Cooper Arden

"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa isang ale. Nakita ko silang nagkukumpulan sa isang bahay at marami na ring pulis sa paligid kaya na-curious ako at lumapit dito.

"Ay, nako, hija, may namatay daw dito sa malaking bahay na ito," sagot n'ya sa tanong ko. "Hindi ba't dito ka rin sa subdivision ito nakatira?" tanong n'ya sa'kin at pinasadahan ako ng tingin. Inayos ko ang tali ni River na nasa kamay ko dahil baka makawala s'ya.

"Opo, pero malayo dito ang bahay namin," nakangiting sagot ko sa kan'ya. "Sige, ho, alis na, ho, ako." inakay ko si River papunta sa mga pulis at baka makita ko ang kuya ko.

My brother is a Detective and I idolize him a lot. He investigate so many crimes in our city even in the other country or municipality. Kaya pinapangarap ko ring maging katulad n'ya paglaki ko.

"Hey! Inspector!" tawag ko sa kakilala kong inspector. Inspector Ben smile at me when he saw me.

"Oh, Jamie ikaw pala," ngumiti s'ya sa'kin at tumingin kay River, ang aso ko. Regalo ni Kuya si River kaya lagi ko s'yang kasamang mag jogging.

"Tutulong ka ba ulit?"

"Of course! Sino pa namang hindi 'diba?" masaya kong sagot sa kan'ya.

"'Yon, tara na. Nandoon na ang kuya mo sa loob at nag-iimbestiga. I'm sure he will kill me for this," natawa naman kaming dalawa habang naglalakad papasok ng bahay.

Nang makapasok kami ay nakita namin ang tatlong tao sa living room ng bahay habang may mga pulis na nagtatanong sa kanila, nando'n din si Kuya at masinsinang nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito.

"Nasaan kayo ng mga bandang ala singko ng madaling araw?"

Unang sumagot ay ang babaeng maiikli ang buhok at nakapulang damit. Tumabi ako kay Kuya Leo kaya nagulat s'ya ng makita kami ni River dito sa loob ng bahay.

"Bakit ka nandito?" Mahina n'yang tanong habang kunot noong nakatingin sa akin at kay River na nakakandong sa hita ko.

"Tutulong," simpleng sagot ko. Nagbuntong hininga na lang s'ya at ibinaling ang atens'yon sa babae.

"Na lasing ako kaya nasa kaliwang kwarto ako sa second floor," hinagot n'ya ang buhok n'ya at muling nagsalita. "Tulog na tulog ako no'n kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko." napatango-tango ang pulis na nagtanong sa kan'ya.

Pangalawang nagsalita ay ang babaeng kulay ash gray ang buhok.

"Nasa labas ako no'n nagpapahangin dahil natapos na kami sa paglalaro at 'yung iba naming kasama ay umalis na din dahil may trabaho pa sila."

At huling nagsalita ay ang lalaking may malaking pilat sa gilid ng ilong n'ya at may sigarilyo sa bibig. Geez, nakakatakot itsura n'ya.

"I'm in the kitchen, naghahanap ako ng makakain dahil magaala sais nang umaga. And I want to cook a breakfast for them, pambawi dapat sa kanila dahil ako 'yung killer sa laro namin." bumuga s'ya ng usok kaya napatakip ako ng ilong. Meh, I really hate the smoke of cigarettes, it's dangerous in anyone's health.

"Remarkable,"

Napalingon ako sa nagsalita no'n. Oh, no, bakit ba nandito 'tong lalaking 'to?

Pagkatapos naming tanungin ang mga prime suspect namin sa kasong uto ay pumunta na kami sa pinangyarihan ng krimen. Sabi ni Kuya ang pangalan daw ng biktima ay si Mr. Victor Reyes, a well known mathematician, ang babaeng nakakulay pulang damit ay si Mrs. Kristina Reyes, the victim’s wife, ang babaeng ash gray ang buhok ay si Mrs. Fiona Leonor, the victim’s wife closest friend and the guy with a cigarette is Mr. Manuel Dela Cruz, the victim’s business partner.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot stories (Diff. Genre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon