One shot story #21

2.4K 13 0
                                    


"BEST FRIENDS"

"Bess! Pinansin na ako ni Crush! Hihihi"

"Edi mabuti at pinansin ka na n'ya"

————

"Bess! Magkagrupo kami Ni Drake My loves hihihi"

"Pfft Makakasama mo na s'ya araw araw yieeee"

"Bess nemen ihhh kinikilig ako Kyahh!"

————

"B-bess huhuhu si Mama at Papa nagaway kahapon huhuhu"

"Shhhh tahan na bess magbabati rin sila kaya tahan na"

"Huhuhu Bess baka maghiwalay sila mama at Papa di ko kakayanin yun huhuhu"

"Bess wag kang magisip ng gan'yan talagang ganun lang ang mga magulang natin pero di sila maghihiwalay trust me"

"Salamat Bess kasi nand'yan ka sa tabi ko"

"Wala yun bess ikaw pa ba malakas ka sa'kin"

————

"Bess! Si Drake may jowa na huhu dapat ako jowa nun ehh!"

"Sinong Drake? Yung Long time Crush mo?"

"Oo s'ya nga! Huhu may jowa na s'ya di 'man lang ako ininform huhu"

"Pfft Hahaha Bess Marami pa naman d'yan ehh hanap ka na lang"

"Ayoko mas usto ko sya hmp!"

"Pfft Bahala ka basta sinasabi ko sayo wag kang bitter pagnakikita mo sila"

————

"Bess! Magaling ka sa Math di ba? Pwede mo ba akong turuan please!"

"Oo na hahaha ang cute mo bess pagnakanguso para kang ungoy hahaha"

"Ansama mo naman sakin bess! Tandaan mo magkamukha lang tayo hmp!"

————

"Bess? Sabi sa'kin ni Erick na Di daw maganda pakiramdam mo gusto mo bang umuwi na lang?"

"No Bess kailangan kitang issuport dito sa pageant mo noh! At tsaka maayos ayos pa pakiramdam ko kaya ko pa"

"Basta Bess pagdi mo na talaga kaya uwi ka na lang hmm? I don't want anything happen to you and so worried about you kasi ayaw ko nangmayari sayo yung nangyari last year"

"Don't worry Bess kaya ko pa naman at tsaka Iniinom ko medicine ko kaya di na mangyayari yun Trust me"

————

"Woah! Sikat na sikat na ako bess!"

"Ayieeee I'm so proud of you bess kasi ikaw yung nanalo sa pageant at sikat ka na!"

"Di ko magagawang manalo kung wala ang supporta mo bess I love you Bess"

"I love you too"

————

"Wah! Bess yung Long time crush ko at yung Girlfriend n'ya, Break na sila!"

"Pfft bat tuwang tuwa ka bruha?"

"Kasi naman may chance na maging kami ni crush hihihi"

"Gaga! Pano mangyayari yun?"

"Basta! Wala ka na dun hahaha"

"Pfft Baliw!"

————

"Bess! May ibibigay ako sayo dali!" Napatingin ako sa gawi n'ya at huminto sa paglalakad.

"Ano yun?" Ngumiti s'ya sa akin ng malapad bago ibigay sa akin ang paper bag. "Ano 'to?" Kunot noo ko s'yang tiningnan ngunit humagikgik lang ang baliw.

"Basta! Buksan mo na lang dali! Sigurado akong magugustuhan mo yan besh" Unti-unti kong binuksan ang Paper bag at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita kong laman nito.

"Bess..." Tumingin ako sa kan'ya, ngumiti lang s'ya ng malapad at hinawakan ang kamay ko.

"Bess, Salamat sa lahat lahat tuwing may problema ako nand'yan ka parati sa akin handa akong damayan at binibigyan mo din ako ng advice. Nand'yan ka din t'wing umiiyak ako dahil sa long time crush kong si Drake at alam mo rin kung gaano ako Kabaliw sa kan'ya hahaha. Salamat sa lahat ng memories natin, ikaw ang isa sa mga taong ayoko ng mawala sa buhay ko kasi Ang saya ko at ang swerte ko dahil may Bestfriend akong katulad mo na handa akong supportahan at Handang damayan sa mga kagagahan ko. Thank you for everything Bess I love you as a Friend. Ohhh wag kang mafafall sa'kin ahh kay Drake lang ako" Niyakap ko s'ya at mahinang pinalo ang braso n'ya.

"Sira ka talaga bakit naman ako mafafall sayo? Si Taehyung kaba? At tsaka duh bess di tayo talo hahaha taena mo Bess pinapaiyak mo ko" Pinahiran ko ang luhang kanina pa tumutulo.

"Hahaha bess ang panget mong umiyak hahaha naiyak ka lang kasi dahil sa regalo ko sayo duh! Magaling atang pumili ito ng regalo" nagflip hair pa ang gaga.

"Baliw! Paano ako maiiyak sa Panty na niregalo mo? Magmumukha akong bali kung maiiyak ako dun psh!" napahalakhak naman ang gaga dahil sa sinabi ko. Psh! Bali na nga s'ya.

"Bakit maganda naman yun ahh di mo ba nagustuhan?" ngumuso s'ya "at tsaka napapansin ko na luma na yung ginagamit sa you 'know' what I mean hahaha" Napahilamos ako ng mukha at niyakap s'ya for the second time.

"Thank you for everything Bess ikaw ang nagiisang baliw kong kaibigan sa buong mundo at wala ng papalit sayo"

One shot stories (Diff. Genre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon