"Asawa agad..."

"Siyempre! Alam ko agad na magiging asawa mo 'yon! Mahilig ka sa mga yummy 'di ba?"

"Mi, nakakahiya talaga..." I clicked my tongue against my palate, making a clicking noise. 

"Bakit ka ba nahihiya e tayo lang naman dalawa ang nag-uusap!?"  

I smirked. Something hilarious entered my mind. I faced the cellphone to Flint. He was flabbergasted but in a seconds only. Itinanggal nito ang pagkakalukipkip at nakangiting kumaway kay mommy na nasa screen ng cellphone.

"She ended the call," he said.

Tinignan ko ang cellphone at nakitang pinatay nga ni mommy ang tawag. Humalakhak ako nang pagkalakas-lakas. Napatigil ako nang maingay na tumunog ang hawak ko. Binuksan ko ang inbox na puro tadtad na mensahe na nanggaling mula kay mommy. 

Mommy:
Sino yun bakit ang gwapo!?

Mommy
Sonya sino yun?

Sonya:
Architect Vidales, mi.

Mommy:
What!? Narinig ba niya ang panlalaglag ko sa plano niya!? Naku baka magback-out yun! Unahan mo na lang sa pagpopropose!

I ignored my mommy's ridiculous ideas. 

Sa kaparehong araw na iyon ay pumunta kami sa bahay ng pamilya ni Flint. Iyon ang unang pagkakataon na nakapunta ako roon kaya't manghang-mangha ako nang makapasok. Agad mong malalaman na hindi basta-bastang mayaman lang ang mga nakatira.

"Bakit ka nga pala tumira sa bahay ni Dan kung may bahay naman pala kayo rito? I mean noong college?" I asked.

Naglalakad kami sa kahabaan ng garden, patungo sa malaking bahay. Tiningala ko si Flint upang makita siya. He didn't look at me. He just smiled at my question.

"My parents were in America that time. Ayokong nag-iisa lang ako..."

"Iyon lang ang dahilan mo?" I asked out of nowhere. 

He chuckled.

"What do you mean?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Huwag mo na lang sagutin. Hindi ko din alam ang tanong ko..." I chortled. 

"Siyempre lagi kang naroon. Dapat naroon din ako lagi..." he mumbled.

My brows puckered in confusion. 

"Ano?"

"Wala..." he said and then opened the door in front. 

Sa sumunod na mga oras ay napag-usapan namin na hindi na kailangan pang umuwi nila mommy para sa pamamanhikan dahil si tita Alex na ang maga-adjust. Noong una ay nahiya ako ngunit sinabi niya na gusto niyang makarating sa Japan. Hinayaan ko na ang ginang.

Pagkauwi ay sinabi ko kay mommy ang naging plano. Tuwang-tuwa siya at hindi mapakali. Pakiramdam ko ay magkakaroon ng fiesta sa bahay sa araw ng pamamanhikan. 

I lifted my left hand and placed it on the cold window beside me. Ang diamanteng kasing-kulay ng magaang langit, ang bulak ng mga ulap at ang mamasa-masang salamin. 

Not removing my hand on the window, I glanced at Flint. My eyes narrowed in shock when I saw him taking a video of me. Even I caught him, he didn't stop. I bit my lip as I stared at his eyes, reflecting the vivid light outside. 

"I'm jealous..." ika niya, nakatapat pa rin sa akin ang cellphone niya.

"And why?" 

"Dalawa kaming nakatingin sa iyo... Nagseselos ako..."

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now