Chapter 25

2.5K 149 69
                                    

Chapter 25

My schedule in my restaurant in Nakanoshima changed. Kung dati ay buong araw akong nagtatrabaho, ngayon ay kalahating araw na lamang at sa weekdays lang.

Hindi iyon nakapinsala sa schedule ng mga kasamahan ko. Dahil unang una, hindi naman dapat talaga ako kasamang nagtatrabaho sa kitchen. Tumutulong lang ako para kahit papaano ay madagdagan ang perang mayroon ako. Para na rin sa resto.

Ang lupa ko sa Dotonbori ay hindi pa buong bayad, ang perang kinikita ko ang pinambabayad ko roon. Nagpresenta ang mga magulang ko na sila na ang magbabayad ng buo noon. Ngunit hindi ako pumayag dahil hindi naman sila ang bumili kundi ako.

When the clock struck 11:30 AM, I left the kitchen and went inside my office. I glanced at the door when it opened. Juliet walked towards me while I remove my apron and coat.

"Puro half day! Daya!" she pouted.

"Ayusin mo trabaho mo tuwing hapon, ah!" I patted her head as I removed my toque.

"Alisin mo nga iyan! Baka mamaya ay nangangalikot ka ng puwet!" she grimaced.

"Goodness! Disgusting, shit!" I chortled, mimicking the korean actor's line in a drama.

"Every Saturday na lang ako walang pasok," she looked up and acted like she was crying. Pinaypayan pa niya ang kaniyang mga mata.

"Bakit ano ba dati?" tanong ko habang sinusuot ang trench coat ko.

"Napakamakakalimutin naman! Dati, Saturday and Sunday! Pero nagkaroon pa ako ng halfday sa Linggo! Hay nako!" madrama niyang sabi.

I looked at the mirror beside me and examined myself. I was wearing a black turtleneck long sleeves and black leather skirt underneath my trench coat. My mustard-colored coat complemented the all-black clothes. The black combat boots I was wearing completed the color mustard and black palette of my outfit.

"Diretso ka n'yan sa Dotonbori?" she asked.

"Oo, pero bibili muna ako ng lunch noong mga nagtatrabaho," I answered as I looked for my wallet.

Itinaas ko iyon nang makita at tumingin kay Juliet.

"Alis na 'ko..." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Teka!" aniya at saka hinawakan ang kamay ko upang mapigilan sa paglalakad.

I raised my brow, waiting for her to talk.

She smiled sweetly. "Sa Sabado, USJ tayo!"

"Huh?" tumingin ako sa sahig at inalala kung ano ang gagawin ko sa Sabado. Napailing-iling ako sa kaharap nang maalala na araw araw ang paghahatid ko ng pagkain sa mga nagtatrabaho.

"Huh!? Bakit!?" kunot noo niyang tanong.

"Hahatiran ko ng lunch ang mga nagtatrabaho sa Dotonbori, Juliet," I explained and then sat on a chair. Nangangalay na ang mga paa ko dahil sa kadaldalan ng kaibigan.

"So halfday ka lang puwede?" she paused and then pursed her lips. Mukhang nag-iisip na naman siya ng puwedeng puntahan. "Sa... Hakodateyama! Ski Resort! Tara!" she suggested merrily.

I stood up and straightened my skirt. I nodded at Juliet so she could stop already.

"Yey!" she held my waist and shake it.

Nang makaalis sa resto, dumiretso ako sa isang fast food chain at umorder ng pagkain.

Pagkapasok sa fast food chain, maraming tao roon dahil lunch time na. This fast food chain is very popular in Japan. The foods are cheap yet delicious. As far as I know, they have a branch in Philippines.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now