Chapter 16

2.3K 147 103
                                    

Chapter 16

"Hey, don't be nervous." Flint removed his right hand from the steering wheel and held my trembling hands.

"I-I'm not nervous..." nayanig ang tinig ko.

We were heading to Shangri-La, where his uncle's birthday party will be held. I looked at the floor-length champagne tulle dress I was wearing. Flint bought this for me last week. It was very pretty but I don't think I looked okay with it.

"Do I look okay?" nag-aalala kong tanong sa lalaking nagmamaneho. 

"You look beautiful," he said softly and looked at me for a moment. "You always look beautiful."

Nagkandapatong patong ang kaba kong naramdaman noong pumasok na kami sa hall. Hindi pa ito puno ngunit madami na ang tao. Nagulat ako nang makita si Guinevierre roon. 

"Sonya, you're here!" he greeted and kissed me on my cheek.

Sumulyap ako kay Flint na napatingin sa amin habang may kausap na lalaki. 

"I'm glad you're here! Halos wala akong makausap dito kasi si Dan kasama ang mga parents niya." 

Nagulat ako sa sinabi niya. Dan's parents are here, too? What is this? Reunion ng mga Vidales?

"Really?" mangha kong tanong.

"Yes! You know them? Let's go there!" turo niya sa isang lamesa sa malayo. 

Napatingin ako kay Flint na mas dumami ang kausap. Napairap ako sa kaniya dahil mukhang hindi naman niya pinapansin ang mga kasama at nakatingin lang sa akin. Itinuro ko sa kaniya ang banda na tinuro ni Guinevierre. 

Kinagat niya ang labi niya bago bahagyang tumango.

Naglakad kami papunta ni Guinevierre sa banda niyang itinuro. Ngumiti ako kay Dan na nanlalaki ang mata nang makita ako.

"Tita Dorothy?" I called.

Napatingin sa akin ang ginang na nakatalikod at bahagya akong pinanliitan ng mata. Napatakip siya ng bibig nang nginitian ko siya. 

"Oh my god, Sonya! Is that you?" 

She hugged me so tight when I nodded.

"Tita," natatawa kong sabi. Napatingin ako kay Dan na nakangiti sa akin habang yakap ko ang kaniyang ina. Bigla rin siyang nagseryoso pagkatapos.

"Mom, nasasakal na..." hinawakan ni Dan ang braso ng ina upang itanggal sa akin.

"Ang laki mo na! Ang ganda ganda!" hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaliwa't kanan. 

"Thank you, tita," natatawa kong sabi. 

"How's your mommy? Gosh, I miss her so much! Pass on my greetings to her, huh?" she smiled at me widely.

"I will, tita," I smiled at her.

"Auntie," I heard Flint's voice behind me.

I felt his hand on my waist. I saw tita Dorothy's eyes went there. 

"Flint..." she smiled a little.

"Excuse us." bahagyang yumuko si Flint.

Bahagyang tumango ang ginang at bumaling kay Dan. Dumiretso naman kami ni Flint sa lamesang katabi ng kila Dan.

Bahagya akong nagulat nang makita si Rachel sa lamesang iyon. She was wearing a deep v-neck red gown. It looked pretty on her morena skin. Her brows furrowed when she saw me. 

"Dad..." tawag ni Flint.

Napatingin sa likuran ang lalaking nakatalikod sa amin na nakikipagtawanan sa babaeng katabi. Ngumiti siya kay Flint saglit bago nagsalita.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now