Chapter 23

2.3K 129 76
                                    

Chapter 23

I was pouting my lips while staring at the man in front. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa mga design na puwedeng gawin sa restaurant. Halos hindi ko na masundan ang sinasabi niya dahil naiisip ko si Andrew na naghihintay para sa akin.

"Your resto in Nakano-"

"Uh, I'm sorry for interrupting you but can you give a minute? I'll just text Andrew," sabi ko. Hindi talaga ako mapakali dahil sa may naghihintay sa akin!

"A minute," he pursed his lips as he nodded.

"Yes, thank you!" I said as I took my cellphone out. I immediately typed for a message.

Sonya:
I'm in the middle of a meeting.
Can we reschedule our dinner?
I'm sorry.

Andrew:
Oh really? I can wait, though.

Sonya:
No! I can't really go. I am really sorry.

Andrew:
It's fine, okay? How about tomorrow?

Dali dali kong pinindot ang text box upang magreply. Naiwan ang daliri ko sa ere nang malakas na nagtipa ang kaharap ko sa kaniyang laptop. Sobrang lakas noon na parang napupudpod ang mga daliri niya. Napangiwi ako sa kawawang laptop.

"Baka bumaon na ang mga daliri mo..." pansin ko.

He glared at me. "Nanghingi ka ng isang minuto. Sumobra ka na."

Dali dali kong itinabi ang cellphone ko at umayos ng upo. Inirapan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan na nakabusangot.

"I'm sorry. Let's continue..."

"So as I was saying, your resto in Nakanoshima is too old-fashioned. Kung ikukumpara sa mga katabing restaurant, napag-iiwanan na ang sa iyo. Noong una kong pasok, akala ko ay museum. No offense pero nakakumay..." he said cooly.

Napatayo ako dahil sa narinig. Nanggigigil kong ikinurus ang aking mga braso habang tinatapunan siya ng matatalim na tingin.

"What did you say? How dare you bash my resto!" dinuro-duro ko siya. Taas baba ang dibdib ko dahil sa tensyon na nararamdaman.

Aba't ang kapal naman ng mukha niya na insultuhin ang restaurant ko!? I was very happy while planning the interior design with Architect Cabatic, one of the great Architects in our company. My customers were always praising the resto. And there's this jerk, the very kupal, saying that my resto is nakakumay!?

Kinagat niya ang kaniyang labi habang tumitingin sa paligid. Hindi ako umupo kahit na marami nang nakatingin sa banda namin. Walang nang-insulto ng restaurant ko kundi siya!

Oh well, diyan naman magaling ang mga Vidales. Ang mang-insulto.

"Look, it was a criticism, alright? I'm not bashing your resto so please..." he glanced around and then looked at me softly. "Please, calm down. Sit."

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago umupo. Nang muli kong makita ang mukha ni Vidales ay muli akong nabwisit!

"Wala kang taste!" I blurted out. Is he really an Architect?

"I'm an Architect and that's what I see. Ang mga Japanese ay sabay sa uso kaya't hindi ba't mas maganda kung hahaluan mo ng modernong disenyo ang restaurant mo?"

My mad face remained. He has a point but I like old-fashioned better!

"But that's what I want," aking sabi, ang inis ay halata sa boses.

"Fine. Gagawan natin 'yan ng paraan. Modern with a touch of old-fashioned," he said.

I groaned before I talked. "Old-fashioned with a touch of modern."

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon