Chapter 7

3K 194 117
                                    

Chapter 7

"What do you think?" inabot ko ang white lace up backless one piece at hinarap ito kay Flint.

"It will look good on you, for sure." Nag-iwas siya ng tingin.

I smirked at him. Dumadalas na yata ang mga papuri niya, ah?

Because of what he said, I put the swimsuit inside the basket. Luminga linga pa ako para maghanap ng one piece. I like one piece swimsuit than two-piece because I was not really confident to show too much skin in public.

He was walking behind me while I roamed around the store. I asked him earlier if he would buy a swimwear and he answered no. Kaya bubuntot-buntot sa akin ngayon.

May inabot akong two piece na kulay violet. Halos nipple na lang ang matatakpan doon. Bahagya akong natawa nang iniharap iyon kay Flint. He smirked and then shook his head.

"What?" natatawa kong tanong.

Umalis siya sa kinatatayuan niya at naglibot. Hinayaan ko siya, baka nagbago ang isip, baka bumili.

Nang makapagbayad na ay agad kong hinanap ang kasama.

"Hey."

Napalingon ako sa aking likod nang marinig ang boses niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa isang store. Lumapit kami sa isang rack na puno ng sunglasses. He smiled at me before he put a cute aviator sunglasses on me.

"Ang cute cute naman," he praised as he chuckled.

Nakitawa ako sa kaniya. Bumaling siyang muli sa rack at kumuha ng kaparehong aviator na mas malaki ng kaunti kaysa sa suot ko. Sinuot niya iyon at natawa.

"Ang cute cute naman," I said.

"Gaya-gaya ka," he mocked me.

I laughed at him when he pouted his lips like a freaking kid. I looked at the mirror in front of us. I took my cellphone out and made Flint face the mirror.

"Smile!"

Ngumiti kaming dalawa habang kumukuha ako ng mirror shot. I made a peace sign and pouted my lips. Pinindot ko agad ang camera button nang ginaya niya ako.

"Ang cute naman," I said while looking at our pictures.

Binabayaran niya ang sunglasses na suot namin kanina sa counter ngayon. Sabi niya ay bibilin niya iyon para sa akin. Hindi na ako umangal pa. Next time, ako naman ang bibili para sa kaniya.

"Mas cute ka," he looked at me.

Pinamulahan ako nang napatingin sa amin ang babaeng nasa counter. I frowned at Flint and went out of the store. I heard him chuckle. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Flint. I stopped walking and faced him.

"I'm hungry. Let's eat?" anyaya niya, nakahawak sa tiyan at nakanguso.

Sobrang bibo niya. Napaisip tuloy ako kung ganito ba siya sa mga ex niya. Kung ganoon nga, hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sila dito.

Tumango ako at naglakad papunta sa side ng mga restaurants.

"Ganiyan ka ba sa mga ex-flings mo?" I asked him while walking.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa tanong ko.

"What do you mean 'ganiyan'?" his brows furrowed.

"Kung ganiyan ka kasweet?" I asked him.

"Why do you ask? Ikaw ang kasama ko, Sonya. Hindi sila..." he said seriously.

"I... I just want to know," I stammered.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon