¦~CHAPTER SEVEN~¦

2 1 0
                                    

Nang mapansin ni Paix kung ano ang sinabi ni Primo..

"ANO!" Nagecho ang boses ni Paix sa buong cafe dahil sa kanyang nalaman

"PRIMO PALA PANGALAN MO?" Hindi maalala ni Paix na sinabi ni Primo ang kanyang pangalan. Hindi niya alam kung bakit pero Bons ang kanyang hindi makalimutan na pangalan..

"Sorry talaga!! Sorry sorry!!"
Paulit ulit na paghingi ng tawad habang namumula ang kanyang mukha.

Ilang linggo na niya tinatawag si Primo na Bons, nakakahiya malamang para sakanya. Kaya pala nagtataka si Primo tuwing tinatawag siya ni Paix nito..

"Tss.. bakit ba kasi Bons tawag mo sakin?"

"Ano.. snobber ka kasi tuwing nagkikita tayo sa nursery.. ayaw mo makipagusap.." nakangusong sagot ni Paix..

"Di ako mahilig makipagusap o makipagkaibigan.."

"Hala?? Bakit naman??"

Pero sa totoo lang hindi nakakapagtaka dahil ang sungit sungit ng mukha mo.. pati na din ugali.

"Kasi iniisip nila na masungit ako kahit hindi pa nila ako kilala" malumanay niyang sagot at binigyan niya ng panunuksong tingin ni Paix

Pano niya nalaman na yun yung iniisip niya?? Masyado ba siyang judgemental?? Ramdam ni Paix yung init na unting unting binabalot ang kanyang mukha.

Napansin ni Primo yung pagkagulat sa mukha ni Paix, hindi niya mapigilang tawanan ang taong nasa harapan niya.

Napatitig lang si Paix dahil ngayon niya lang nakita si Primo tumawa na ang dahilan ay hindi yung mga bata, kundi siya ang dahilan.

"B-biro lang" saad ni Primo at bumuntong hininga upang kumalma "I don't like befriending others because they will just use me."

"San ka naman gagamitin??"

"Well.. Lumina is a very known family name in Baguio.. parang makikipagkaibigan lang sila dahil dun.." tumigil siya ng sandali at tumingin sa labas

"I don't want people see me as a Lumina.. Oo Lumina ako.. pero gusto ko ako makita, kaibiganin nila ako dahil si Primo yung gusto nila.. hindi si Lumina.."

May point naman siya.. nasa shadow siya ng kanyang pamilya..

"And people have very high standards for me. I came from a family of doctors.. since noon pa, doctor nurse.. basta nasa field ng med.." dugtong ni Primo

"People expect me to do the same.. I am planning to be a singer.. maybe a writer? I don't know.. my d-" napigilan si Primo nang bigla tumayo si Paix

"MARUNONG KA KUMANTA?"

"huh..? Mh"

"Pwede pala yan Paix eh!!"
Sigaw ni Ryle mula sa kabilang side ng kwarto na nakuha ang attention ng dalawa.

Nagsimulang maglakad si Ryle papunta sa kinauupuan nina Paix. Kumuha siya ng upuan at nakisali sa usapan

"Eh instrument. Ano kaya mo?"
Malumanay na tanong ni Ryle kay Primo

Nagalanganin muna si Primo bago sumagot tila bang nahihiya
"Piano.. guitar, violin, keyboard.. name the instrument.. kaya ko"

"Yabang ah" saad ni Ryle at lumingon kay Paix na mukhang malalim ang iniisip.

"Paix sali natin to sa jamming oh" saad ni Ryle kay Paix at kinalimutan na kasama padin nila si Primo

"Sige. Bukas pwede din.. may dapat naman tayong icover diba?" Tumango naman si Ryle bilang sagot sa tanong ni Paix

My Own ProtagonistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora