F. O 61

19 1 0
                                    

Matapos naming kumain ni Radu ay lumipat kaming dalawa sa balcony. May long couch siya kaya doon kami naupo.

Ipinatong ko ang mga paa ko sa couch at humilig sa dibdib ni Radu matapos niya akong yakapin. Inangat ko ang tingin ko kay Radu matapos niyang hawakan ang anklet na bigay ni Nix sakin.

"mm... Do you still have it?." May pagaalinlangan niyang tanong.

His referring to the anklet that he gave me years ago. Nagbuntong hininga siya and turned to me with a weary eyes.

I smiled at him and nodded.

"Tinago ko."

His eyes lit up at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.

"Did you buy this? Or someone gave it to you?."

"Bigay to ni Nixon sakin nung birthday ko." I said.

"Tsk. That guy." Nakangiwing aniya.

Tumawa ako at isiniksik ang sarili ko sakanya. Natawa din naman siya at hinalikan ang ulo ko.

"Is he courting you?."

Umiling ako.

"He likes you, Virgo..."

"Alam ko."

Lumayo siya bahagya sakin at kunot noong tinignan ako. I cant help but smirk.

"Then, why are you letting him hold you?! You even let him accompany you in your room!."

Ngumuso ako at umirap. This man is driving me nuts. Sa mga oras na iyun ay nag-aalburoto na pala ito sa galit dahil sa humahawak si Nixon sakin.

"Hanggang sa pinto lang siya ng kwarto ko, Radu. Never pa siyang nakapasok."

Matagal at mataman niya akong tinignan. Para namang bolang tumatalbog-talbog ang puso ko dahil sa titig niya sakin.

"Do you like him?."

"He's a dear friend..." Sagot ko at sumandal sa backrest ng couch.

Sa gilid ng mga mata ko ay kitang-kita ko ang matinding paninitig niya sakin. Umayos ako sa pag-upo at ibinaba ang mga paa. Sumulyap uli ako kay Radu. Nanatili naman ang kaniyang tahimik na paninitig sakin.

"What?." Taas ang isang kilay na tanong ko.

"Nagustuhan mo ba siya?.." Nanliliit ang mga mata ni Radu sakin. He crossed his arms at naghintay sa sagot ko.

I brushed my hair with my fingers At tinignan siya ng mabuti.

"Bilang kaibigan, Radu. Gusto ko siya bilang kaibigan."

Slowly, the side of his lips curved sexily. Umirap ako at nagngingiti nalang din na tumingin sa buong kamaynilaan.

The cold breeze of the night embrace us. Hinaplos ko ang braso ko dahil sa lamig ng hangin.

Radu pulled me closer to him and hugged me again. Inihilig niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hinaplos niya ang braso ko at hinalikan ang aking noo.

VIRGO (Far-out )Where stories live. Discover now