F. O 43

22 1 0
                                    

Tinulak ako ni Cathleen bago niya ako tuluyang iwanan. Wala ng tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Tuloy tuloy lang ang pagbagsak nito habang  nauubos na rin ang lakas ko para sa araw na ito.

Para akong pinagtataga ng itak sa sobrang dami ng masasakit na salitang natanggap mula sakanila. Mas masakit pa sa mga sampal na natanggap ko. At mas lalong masakit dahil mula ito sa pamilyang minahal ko ng buong puso. My heart is full of pain right now. Why they're doing this to me?!

*BANG* *BANG*

"Ahh!!."

Gulat akong tumingin sa labas ng bahay ng marinig ko ang sunod-sunod na putukan ng baril. Mula dito sa loob ay rinig ko ang malalakas na sigaw ni Tita at Cathleen. Rinig ko rin ang kalasan ng mga baril. Anong nangyayari?. Tumayo ako ng mabilis at kaagad na lumabas ng bahay.

Nanlalaki ang mga mata ko ng makitang nagpapalitan ng pagputok ng baril ang bodyguards nila papa mula sa mga armadong lalaking na nasa paligid lamang. May dalang itim at puting Van. Ano ang nangyayari?!

"Tita!" Sigaw ko ng makitang biglang tumayo si Tita Aileen mula sa pagkakadapa, tatakbo na sana siya upang pumasok sa kotse nila ngunit sa isang iglap ay mabilis itong nalapitan ni papa at niyakap. Malakas akong napasigaw ng makita ang sunod sunod na pagpapaputok.

"Pa!" Sigaw ko

Kahit nanginginig na ang buo kong katawan sa kaba at takot ay sinikap kong bilisan ang pagtakbo upang madaluhan sila papa, halos matigilan ako ng makita kong unti-unting nagiging kulay pula ang puti na damit ni papa. Natamaan si papa sa balikat at sigurado akong di lang sa balikat ang tama niya.

"Pa!!!!!!!." Umiiyak kong sigaw.

"Virgo!!!..."

Kikilos na sana uli ako ng agad akong natigilan at napadapa sa takot ng biglang may mga balang tumama sa gate namin. Nanlalamig sa kaba ang katawan ko habang nakatakip sa tenga ko. Tatayo na sana akong muli upang tumakbo ng bigla nalang may humigit sa braso ko at hinila ako patago sa likod ng isang kotse. Putukan na naman ang sunod kong narinig. Wala sa sarili akong napatingin sa taong humila sakin.

"Are you out of your mind?!. Paano kung natamaan ka kanina?!." Galit na sigaw ni Radu sakin.

Umawang ng matagal ang bibig ko. Natutulala ko pa rin siyang tinignan habang andito pa rin kami sa likod ng SUV nila papa. His looking at me with so much intense and dark emotions. Nakakaba ang takot ko na nakikita sakaniyang mga mata. My eyes even widened more when I saw him holding a gun. Kaagad akong napapikit at napatakip sa tenga ng nagpatuloy ang pagpapaputok.

"Ahhh!." Napadilat ako dahil sigaw ni Cathleen

"Sh*t!." Radu

"Cathleen!." Tatakbo na sana ako kay Cathleen dahil siya nalang mag-isa ang naiwan sa kasunod namin na SUV. Ngunit napabalik ako sa pwesto ko ng hilahin at yakapin akong muli ni Radu.

"Don't go!. Delikado pa!."

"Please! Ang kapatid ko, Radu! Si Cathleen, tulungan mo siya!." Naghihisteriyang sabi ko.

Napamura siyang muli at nilingun si Cathleen na umiiyak pa rin ngayong habang nakatakip sa tenga. Nababasag na yung bintana ng SUV na pinagtataguan niya.

VIRGO (Far-out )Where stories live. Discover now