"Josephine!" bulong na sambit ni ma'am Corazon ngunit may diin. Agad din namang bumalik sa wisyo ang babaeng nagngangalang Josephine.

Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harapan namin at agad kong napagtanto kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Josephine. Ang babaeng nasa harapan namin ay si Mildred, ang traydor noon na nakilala ko dahil sa aking panaginip.

"hindi ako nagkamali," sambit ni Rose. Tumingin siya sa akin at tumango hudyat na prehas kaming naisip.

Ang boses ni Mildred na kanina ay mahinhin ay napalitan na ng mapanganib at nakakatakot na awra sa paligid. Ang kalangitan ay nabalot na ng kadiliman at ang tawa niya'y umaalingawngaw na kasabay ng pagkulog at pag kidlat. Ang mga magic stealer ay nagsiliparan na.

Nababalot na ng apoy ang katawan ni Rose na tila kapag ikaw ang nagbalak lumapit ikaw ay magiging isang bagay na nasunog at nadurog dahil sa mahika neto. Si Jacob ay nakipagsabayan sa paglipad, dala dala ang espada. May iilan siyang napuruhan kung kaya't nasugatan din ito at bumagsak sa lupa. Hindi ko alam kung bakit nilapitan ito ni Leon at seryoso siyang nakatingin.

Nag pokus ako sa pagpapagana ng aking mahikang tubig. Bago pa makalapit sa akin ang isang stealer ay pinaulanan ko na ito ng mga hugis yelo. Nilapitan ko siya upang tanggalin ang yelong nakatusok sa dibdib neto, hinawakan ko ang leeg niya at ang tumusok sa kaniya. Puno ito ng dugo iniangat ko siya at binalibag sa gilid, ng mapansin kong bangin na ang nasa likod niya, hindi pa ako nakuntento na nahihirapan na siya.. Tinulak ko siya para tuluyan ng mawala.

"Alice!" narinig ko ang pagsigaw ni Nadia kung kaya't nakita ko din ang stealer na papalapit sa akin para sugudin ako. Akmang lalapitan ko na ng nakita kong naninigas siya at onti unting lumabas ang ugat sa leeg dahil sa kirot. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid para malaman kung bakit, agad nahagip ng mata ko ang lalaking kasama nina president na nakatutok ang tingin dito sa stealer na nasa harapan ko. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang gamitin ang mahika ko at agad agad itinusok sa dibdib neto.

Narinig ko ang hiyaw ni Mildred. Siya pala ang matandang nakatira sa gubat, kaya pala kung makatitig ito sa akin noon ay parang kilalang kilala niya ako. Nakita ko ang ngisi sa labi niya.

Akala ko'y lalapitan niya ako ngunit nagkamali ako, hinila niya sa buhok si Nadia at iniangat.

"Nadia!" sigaw ko, tumakbo upang tulungan siya.

"subukan niyong lumapit! Ang babaeng ito ay mawawalan ng buhay!" napasinghap ako at napatakip sa bibig ng makita kong si Nadia ay nakalutang na sa hangin at kapag nawala ito ay sa gubat ang bagsak niya.

"where are you Jacob? Please please," napapikit ako at hindi ko namalayang may luha na palang tumulo sa aking mata. Ilang segundo ang lumipas akala ko'y mawawalan kami ng pagasa ngunit ng biglang sumulpot sa likuran ni Nadia si Jacob upang dalhin dito ay nabuhayan kami.

Si Mildred na gulat na gulat sa nangyari ay napuruhan ni Josephine gamit ang mahikang ahas. Ang iilang magic stealer ay namatay na dahil sa mga pinagsama sama naming mahika. Ibinalik ko ang tingin kay Josephine.

Ang mga ahas na maliliit ay napalitan na ng malalaki at pumapalupot na sa iilang bahagi ng katawan ni Mildred. Nanlaki ang mata niya, nanginginig ng hinarap siya ni Josephine. Ang akala ko'y tatapusin na siya neto ngunit nagulat ako sa pagsampal ni Josephine dito. Ngunit laking gulat ko ng pinakawalan din niya si Mildred at tiningnan kami dito, tinanguan ni Josephine ang mga lalaking kasama nila.

Ang lalaking nasa gilid ko ay tiningnan ang buong kapaligiran, ang kaninang maingay ay napalitan ng katahimikan, ang mga puno sa paligid ay naputol din dahil sa ginawa niya. Si Nadia ay kinausap ng isang babaeng hindi ko makilala at tumango lamang siya sa babae. Napagtanto kong nagsisimula na ang plano namin, ang planong 'wag ng patagalin upang mapatay na ang mga magic stealer.

Si Jacob na halos mapatay na ang karamihang mga stealer na lumilipad ay bumaba na din. Si Rose na napapalibutan ng apoy sa katawan ay kumalma na din. Ilang minuto din ang tinagal ng mawala na ang mahika ng lalaki, bumalik sa ingay ang paligid.

Pinalibutan kona ng tubig ang paligid upang ang mga iilang ibon ay matusok neto kapag ginawa ko ng yelo, si Rose ay marami ng nasunog na mga magic stealer.

Sa biglaang pagdilim ng paligid, narinig ko ang mabibilis na pagtakbo ng mga kasama namin. Ganoon din ang ginawa namin, lumiwanag at itinutok ko ang mahika ko sa magic stealer na hindi alam ang nangyayari. Bago pa magpaulan ng usok ang mga ito, ay pinaulanan na din ng apoy ni Rose ang mga kalaban.

Ako ang unang nakalapit kay Mildred, kasunod si Leon na tinusok ang espada sa likuran at si Jacob na lumapit upang hawakan ang ulo neto. Sa mga oras na 'yon ang mga ahas ni Josephine ay pumalupot kay Mildred, kinuha ko ang pagkakataon na hawakan sa leeg si Mildred at ilabas ang mga yelong patusok sa aking palad upang tumusok dito, onti unting dumugo ang leeg neto dahilan upang tuluyang mabali ang ulo niya.

Sa ginawa kong 'yon, ang paligid ay lumiwanag. Sinubukan ng iilang mga magic stealer na tumakbo ngunit huli na ang lahat, nagpaulan ng mga apoy si Rose upang tuluyan itong mawala.

Natapos ang lahat, natapos ang kaguluhan at napagtagumpayan namin ang misyon. Hindi ko napansin na napuruhan din ako sa bandang tiyan ko, kung kaya't nakaramdam na lang ako ng pagkahilo at onti unti nang nagdilim ang paningin ko.

••••

The Bond of Magic #Wattys2021Where stories live. Discover now