"Si Doctor Guevarra po...tsaka isang babae..."

Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin. Walang pagdadalawang isip kong binuksan ang pintuan ng clinic ni Kenzo. Gulat na gulat silang tatlo dahil sa aking biglaang pagpapakita. Unti unting lumuwag ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Si Kenzo, si Doctor Guevarra at isang babae.

Pero hindi iyon si Amaryllis.

Kumunot ang noo ni Kenzo. Unti unting nawala ang kanyang ngiti. Galit siyang tumayo mula sa kanyang upuan. "Hindi ka ba marunong kumatok, Piero?" matigas na tanong niya sa akin. Sa inis niya ay nagawa pa niyang lapitan ako. Hindi ko siya pinansin.

"Hawakan mo muna ang anak ko" walang kaemoesmoyong sabi ko sa kanya. Hindi siya nagatubiling kuhanin si Prymer sa akin.

"Asaan si Amaryllis?" tanong ko sa kanyang ama na hanggang ngayon ay nakaupo pa din sa kanyang kinauupuan.

"I told you Piero, she's gone" malungkot na sagot niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Walang pakundangan kong hinampas ang lamesa ni Kenzo. Hindi pa din natinag ito.

"Piero! Wag ka ngang mageskandalo dito!" galit na suway niya sa akin. Sandali ko siyang sinulyapan. Nakalapit na siya ngayon sa babaeng sinasabi ni Linda. Pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko siya kilala sa pangalan.

Muling bumaba ang tingin ko kay Doctor Guevarra. Nanatili itong nakaupo, ngunit ngayon ay nakayuko na. Napailing iling na lamang siya sa akin. "Sinabi ni Prymer. Iniwan niyo daw si Amaryllis sa kung saan...sinabi nang anak ko!" giit ko sa kanya.

Muli akong napasulyap sa gawi nila Kenzo. Buhat na ngayon nung babae si Prymer at pinapatahan. Hindi marahip kinaya nito ang lakas ng aking boses. Bayolente akong napalunok, sa pinaggagagawa ko mas lalo lang lalayo ang loob ng anak ko sa akin. Tangina.

Mariin akong pumikit para pakalmahin ang aking sarili. Hindi madadaan ang lahat ng ito sa init ng aking ulo. Kailangan ko ng sagot, pero paano? Kahit anong pilit ko ay wala silang maibigay sa akin.

"Is she gone for real? Or she is gone, dahil tinatago niyo siya sa akin?" madiin pero mas mahinahon na ngayong tanong ko sa kanya.

Dahan dahan akong tiningnan ni Doctor Guevarra. "She is missing" sagot niya sa akin. Napasinghap ako bago unti unting namuo ang luha sa aking mga mata.

"Tangina..." madiing mura ko bago tuloy tuloy na pumatak ang aking mga luha.

"Nawawala siya? Pero bakit parang wala lang sa inyo?" tanong ko sa kanya. Punong puno ng pait at pagtataka ang aking boses. Hindi ko gustong maging bastos sa kanyang harapan, pero hindi ko nakayang pigilan ang bugso ng aking damdamin.

Bumagsak ang kanyang magkabilang balikat. "Dahil iyon ang gusto niya Piero. Gusto niyang mawala..." magulong pagpapaliwanag niya sa akin kaya naman mas lalong kumunot ang aking noo.

"Gusto niyang mawala, dahil hindi niya alam kung sino siya. Hindi niya ako kilala, hindi niya kilala ang anak niya...at mas lalong hindi ka niya kilala" malungkot na paliwanag niya sa akin.

Mas lalong kumirot ang aking dibdib dahil sa narinig. Ramdam ko din maging ang sakit na nararamdaman ni Doctor Guevarra. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng bumaling ako sa aking anak. Tumahan na siya ngayon ngunit kita pa din sa kanyang mukha ang mga luha nainiyak niya kanina.

Naikuyom ko ang aking kamao. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi siya kilala ni Amaryllis? Hindi siya kilala ng Mommy niya? Kung ganuon paano ang naging buhay niya ng dalawang taong wala din ako sa kanyang tabi? Gusto kong murahin ang sarili ko. Lalo ng maalala ko kung paano ko siya tinrato nung nalaman kong siya lang ang nakabalik sa akin at hindi si Amaryllis.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now