Chapter 48

82.1K 3.1K 461
                                    

Wag kang sasama








Medyo mabigat ang ulo ko paggising ko kinabukasan, marahil ay sa pagiyak ko nung gabi. Pagkamulat ng aking mga mata ay kaagad bumungad sa akin ang titig ni Piero. Ramdam ko din ang kamay niya sa aking bewang. Kaagad akong nailang habang iniisip na kanina pa niya ako tinititigan habang tulog ako.

"Good morning" nakangiting sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa aking noo. Umayos ako ng higa patagilid para magkaharap kami ng maayos.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Good morning" balik na bati ko sa kanya tsaka ako gumalaw para sandali siyang halikan sa labi. Mas lalo akong umusod para magsumiksik sa kanyang leeg. Tanging kumot lang ang nagtatakip sa aming mga hubad na katawan.

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya, naramdaman ko ang kanyang pagtango.

"Kanina mo pa ako tinititigan?" Tanong ko pa ulit sa kanya na ikinatawa niya.

"Ang feeling mo baby" pangaasar niya sa akin kaya naman napanguso ako. "Nakita ko kaya..." laban ko pa sa kanya kaya naman muli kong narinig ang mahina niyang pagtawa.

Sandali kaming natahimik habang magkayakap, pilit na sinusulit ang oras na nasa ganuon kaming posisyon. Nakiliti ako ng marahang humaplos ang kamay ni Piero sa aking likod, nagtaas baba iyon hanggang sa umabot na siya sa aking pangupo.

Tiningala ko siya, kaya naman tinapunan din niya ako ng tingin. Napanguso ako nang makita ko ang kakaibang titig niya sa akin. "Ayos lang..." malambing na sabi ko sa kanya. Ramdam kong pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili. Takot pa din kasi itong masaktan niya ako. Hindi kontrolado ni Piero ang sarili niya sa tuwing ginagawa namin iyon, kung minsan ay nasasaktan ako dahil sa marahas niyang paggalaw pero tinatanggap ko pa din dahil mahal ko siya.

Mas lalong lumalim ang titig niya sa akin. Muli kong inabot ang kanyang labi para sandali siyang halikan. "Sayo ako Piero" malambing na paalala ko sa kanya. Nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple.

Maingat siyang gumalaw para dumagan sa akin, mabilis niyang napagparte ang aking mga binti. Nakuha niya agad ang gusto niyang pwesto ng maramdaman ko ang kanya sa akin. Titig na titig siya sa akin, matamis ko siyang nginitian bago ako marahang tumango sa kanya. Dahil sa aking paghudyat at dahan dahan niyang pinagisa ang sa amin.

Kapwa kami napadaing habang dahan dahan naming pinakikiramdaman ang pagiisa namin. Mahigpit akong napayakap sa kanya ng idiin niya sa akin ang kanyang buong katawan. Nagsumiksik ito sa aking leeg bago siya dahan dahang naglabas masok sa akin. Halos manindig ang aking mga balahibo habang pinapakinggan ko ang mga mahihina ngunit malalambing naming mga hinaing. Marahan niya akong inangkin ng umagang iyon, nagawa niyang makontrol ang sarili niya dahil sa pagmamahal niya sa akin.

Late na din kami makakain ng almusal ni Piero dahil sa nangyari. Napapangiti na lamang ako sa kanya tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sa kanya ng mahuli ko nanaman siya.

Kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. "Saan mo natutunan yung kagabi huh?" Tanong niya sa akin kaya naman halos mabilaukan ako dahil duon.

"Wa...wala sayo lang naman ako natuto" naiilang na laban ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. Pagkatapos ay hinila ako para mapalapit sa kanya. "Para kang batang nangangabayo kagabi" natatawang pangaasar pa niya pa sa akin kaya naman sobrang uminit ang aking pisngi.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now