Chapter 2

143K 4.4K 1K
                                    

I'll prove him wrong








Kinabukasan matapos ang pangyayaring iyon ay kinausap din ako ni Mommy. Panay ang hingi nito ng sorry dahil sa pagkakasampal niya sa akin. Ilang beses ko ding sinabi sa kanya na ayos lamang iyon. Naiintindihan ko kung bakit niya iyon nagawa. Maging ako din naman ay sinisi ang aking sarili dahil sa nangyari kay Sachi.

"Kuya Piero" nakangiting tawag nito sa akin ay kaagad na lumakad palapit sa akin.

Naglalaro ako ng games sa aking laptop ng puntahan ako nito sa may garden. Kaagad siyang umupo sa aking tabi dala ang kanyang tablet.

"Naglalaro ka" sabi niya sabay dungaw sa laptop ko. Hindi ako sumagot bagkus ay tinanguan ko na lamang siya.

Natahimik ito at tsaka tumutok sa kanyang daladalang tablet. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang ang aking buong atensyon ay nasa laro.

"Nagbabasa ako ng wattpad kuya" pagbibida pa niya sa akin kaya nama tumaas ang isang sulok ng labi ko.

Tahimik na kaming pareho pagkatapos nuon. Maya maya ay pareho kaming napaiktad ng sumigaw ang kararating lamang na si Tadeo.

"Chichi!" Tawag niya dito at kaagad na itinaas ang box na hawak.

Mabilis na tumayo si Sachi at tumakbong sinalubong ang paborito niyang kuya. Napairap na lamang ako.

"Binilhan kita ng Ice cream cake" rinig kong pagbibida ni Tadeo dito. Kita ko sa aking peripheral vision ang pagtalon talon ni Sachi sa harapan nito dahil sa tuwa. Dahil sa naalala ay kaagad na napahigpit ang hawak ko sa aking mouse.

"Wow, thank you kuya Tadeo. Kaya ikaw ang pinaka favorite ko eh" sabi pa ni Sachi dito.

Napatiim bagang ako. Paboritong kuya amputa, ang bata bata pa may favoritism na.

"Puta!" Inis na sigaw ko ng matalo ako sa laban.

Nagulat silang dalawa dahil sa biglaan kong pagsigaw at pagmumura.

"Piero your words" sita sa akin ni Tadeo.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What's with them?" Mapangasar na tanong ko sa kanya.

Imbes na mapikon at mainis sa akim ay nakangisi na lamang siyang napailing. Hinawakan si Sachi sa ulo at tsaka ito niyayang pumasok sa bahay. Sinamaan ko na lamang sila ng tingin hanggang sa bigla na lamang akong nilingon ni Sachi.

"Kuya Piero kain tayo ng ice cream cake" yaya niya sa akin.

Tatanggi sana ako ang kaso ay siya pa mismo ang lumapit sa akin para hilahin ako papasok sa bahay. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila.

"Bakit natin isasama si Piero eh, binili ko to para sayo" pagpaparinig ni Tadeo sa akin. Tinaas ko sa harapan ng kanyang mukha ang aking middle finger.

"Kuya Tadeo, wag kang madamot" pangaasar ni Sachi sa kanya.

Napairap ako sa kawalan dahil sa pinaggagagawa nilang dalawa. Tawa sila ng tawa na dalawa sa aking harapan.

"Ampanget naman ng lasa neto" pintas ko sa cake na binili niya.

Nagulat si Sachi at tsaka muling sumubo ng cake. "Masarap naman po kuya piero" laban niya sa akin.

Napairap na lamang ako sa kawalan at tsaka pinagpatuloy ang pagkain ng cake. Nang maubos ko na ang sa akin ay mabilis akong umalis sa harapan nilag dalawa. Naiinis ako, hindi ko alam kung bakit. Basta naiinis ako.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon