Chapter 21

94.8K 3.2K 691
                                    

Paano pag nawala ako?



Kaagad din niyang pinutol ang kanyang mapupusok na nga halik. Sa huli ay maingat at buong lambing na lamang niyang hinalikan ako sa aking noo.

"Not now baby...alam kong hindi ka pa handa" pagpapagaan niya sa aking loob. Naramdaman siguro niya ang pagiging uneasy ko. Tipid ko lamang siyang nginitian bago niya ako muling inayos ng higa.

Muli siyang inihiga ang ulo ko sa kanyang dibdib. Bago siya pagod na napabuntong hininga. "Hindi ako marunong magpigil, ikaw lang ang nagpapahinahon sa akin" kwento pa niya.

Bahagya ko siyang tiningala pero nakita kong nakatingin lamang ito sa kisame, nakatulala.

"Pero pag galit ka..."

Kaagad niya akong pinutol. "Pag galit ako, galit ako. Kaya lumayo ka pag alam mong nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko" paalala pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Napabuntong hininga ako. "Gaano kalayo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Basta kita pa din kita, kumakalma ako pagnakikita kita" malumanay na sabi niya sa akin. A feel so much comfort in his voice na para bang sa akin nakadepende ang kanyang emosyon. Na inaamin niya he have a bad temper, pero kaya ko siyang paamuhin.

"Paano pag nawala ako?" Mapanghamon na tanong ko sa kanya.

Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. "Mawawala din ako..." paos na sabi niya pa.

"Minsan ka ng nawala, hindi na sa pangalawang pagkakataon. Baka hindi ko na kayanin" pagamin pa niya sa akin. Sinasabi niya ang lahat ng ito na para bang he let his guard down. Ako ang kahinaan niya, si Sachi ang kahinaan niya. Sa likod ng isang matapang, at matigas na Piero Herrer. Ngayon alam ko na at naiintindahan. Tama siya, Sachi is his heart. Niyakap ko na lamang ng mahigpit si Kuya Piero bago ako tuluyang kinain ng antok.

Alas otso ng umaga ako nagising kinabukasan. Wala na si Kuya Piero sa aking tabi pero ayos na ayos ang pagkakalagay ng kumot sa akin, ang kanyang gamit na unan kagabi ay inilagay pa niya sa gilid ko na akala mo ay isa akong sanggol na mahuhulog sa kama.

Kaagad akong pumunta sa kusina pagkalabas ko ng kwarto. Nasa pinto pa lang ay amoy na amoy ko na ang niluluto sa kusina. Nagtungo ako duon at nagulat ng hindi si Lance ang nagluluto kundi si kuya Piero. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ko siya inaasahan na gagawin iyon.

"Good morning" wala sa sariling bati ko sa kanya.

Nilingon ako nito. Ngumisi lamang siya kaya naman kaagad nanamang nanindig ang aking mga balahibo sa batok pababa sa may braso. Hindi maalis ang tingin ko sa suot nitong apron. Naputol lang ang pagtingin ko kay kuya Piero ng kaagad ba dumating si Lance mula sa labas. May dala dala itong maliit na paper bag na may lamang pandesal.

"Uy Sachi gising ka na pala, may bagong ube pandesal duon sa may kanto, tikman mo" yaya pa ni Lance sa akin. Tinanguan ko na lamang siya at nginitian.

Inilapag niya iyon sa lamesa kaya naman lumapit ako duon para kumuha dito. "Hindi lang pala magaling si Piero humawak ng baril, pati sandok" pangaasar ni Lance dito kaya naman halos mabulunan ako sa kinakain kong pandesal.

Nang lingonin ko silang dalawa ay naabutan ko pang nakataas ang middle finger nito kay Lance. Mabilis din naman niya iyong binawi ng makita niyang nakatingin ako. Napanguso ako at tsaka tipid na ngumiting napailing iling na lamang sa pinaggagawa nilang dalawa.

Si Lance at si Kuya Piero, pareho silang may dalawang pagkatao. Kaya nilang maging seryoso at matigas sa isang banda at the same time pag dating sa mga taong importante sa kanila ay para silang mga bata, malambot, may puso.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon