"Ano nga palang nangyari dun sa interrogation?"
Natatawang tanong ni Zia kaya mahinang natawa si Xy.


"Maaga yatang tatanda si Tito Seth. Kung nakita mo lang 'yung mukha niya, hindi ka siguro titigil sa kakatawa. Ewan ko nalang kung lumaki na 'yung anak niya. Siguro magpapatayo na siya ng bakod na kasing taas ng gates ng UHT para hindi makalabas si Sadie."
Sandaling kumunot ang noo ni Zia sa narinig niya at tsaka tiningnan si Xy.


"Ahh, so the baby girl's name is Sadie after all."
Nakangiting sabi ni Zia kaya napapikit nalang si Xy.


"Shit, na-spoil ko,"
aniya at mahina nalang natawa si Zia. "It's okay, Kuya. Hindi ko naman alam 'yung name ng baby boy," sagot ni Zia kaya si Xy naman ang tumingin sa kanya.


"We never told you it's a girl and a boy. How did you know?"
He asked. Zia just smiled.


"Surprisingly, after I became a Hunter, it's like a know everything. Which is scary."
Sagot niya at tsaka tumingin sa hot choco na hawak niya.


"I've been curious about what else you can do after you became a Hunter, baby Zia."
Agad na tumingin sina Zia at Xy kay Archer na lumabas sa terrace habang nakalutang parin sa hangin. Kasunod niya naman 'yung iba na parang gusto ring makipagkwentuhan kay Zia.

Zia finds it silly that they're so calm like this even though they'll be facing a war later. Parang nakuha na nila ang bad habit ng Team Alpha na parang kalmado lang palagi.


"Hey, don't call her baby,"
sabi ni Xy kay Archer. "Want me to call you baby instead?" Taas-kilay nitong tanong.


"Want to taste my fist?"
Agad na tanong ni Xy kaya mahina nalang silang hinampas ni Ash para tumahimik. "Ikaw, may girlfriend ka na pero babakla-bakla ka parin," sabi ni Wilder kay Archer na umikot-ikot lang sa ere at hindi na umimik.

Lumabas narin sina Lucas at Blu. Tahimik parin si Lucas at nandun sa pinakasulok ng terrace habang nasa tabi naman ni Lucas si Blu.


"What is this? What are we doing?"
Natatawang tanong ni Zia nung makitang halos lahat sila ay nasa terrace na maliban kina Audin at Reed. "Tell us more about you." Diretsong sabi ni Wilder habang nakatingin ng diretso sa pinsan niya.


"Well, Kuya Xy was asking what I could do after I became a Hunter. I could create fire and ice just like before. My wings are permanently black now too,"
ani Zia at saglit na napanguso si Shinshi.


"I missed your iridescent wings. Mas maganda kasi 'yung may kulay tsaka ang cute nung naging pink 'yung wings mo sa harap ni Blu."
Natatawang sabi ni Shinshi kaya tumingin naman ang iba kay Blu na nag-iwas lang ng tingin at tinakpan ang mukha niya.

'Shy as always' Zia thought and smiled at him.


"At tsaka paano mo ba nalaman o nakuha 'yung alaala ni Uno?"
Kunot-noong tanong ni Atlas dahil sa pagkakaalam nila ay hindi naman nun kayang gawin ni Zia noon. Zia immediately smiled and semi-clapped her hands.


"Oh, about that. I got Mom's memory lane ability."
Nakangiting sagot ni Zia kaya agad na nanigas sina Xy pati sina Blu dahil sa sinabi ni Zia. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa team niya na dahan-dahang naiintindihan kung ano ang memory lane.


"You.. you bit him?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas dahil parang bumalik siya sa katinuan dahil sa sinabi ni Zia. Agad naman itong tumango bilang sagot. She looked so innocent nodding and smiling like that kaya hindi alam ng team ang irereact nila.

Mas lalong hindi alam ni Blu ang gagawin. Hindi niya alam kung magagalit ba siya dahil sa memory lane o ano.


In the end, sinuntok nalang ni Lucas ang sikmura niya kaya may dahilan na siyang makapaglabas siya ng sama ng loob kay Lucas dahil parang kikimkimin na naman ni Blu ang inis at selos niya kapag hindi ito ginawa ni Lucas.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now