"Ikaw kasi eh!" Halos pasigaw na sambit ni Mars. It makes me flinched a little. But her eyes are watering habang nakatingin sakin. Nakaupo na kami dito sa garden ng school at tabing puno na madalas naming tambayang dalawa. "Sabi ko naman sayo wag mo na silang patulan."

Taas kilay na pinagmasdan ko si Mars. "So galit ka sakin dahil pinagtanggol kita?"

"No.." Hindi agad nakakibo si Mars at yumuko. "Pero totoo naman ang sinasabi nila na ang taba taba ko--pangit."

I hate it when Mars put herself down. Wala talagang nagagawang mabuti ang bullying. It only affects people--innocent people. They suffered inside.

"Sshh.." Agad kong pag-awat sa kung ano pa mang sasabihin nya. "Don't listen to them okay?" Hinawakan ko ang mga kamay nya. "At wala akong pakialam kung mataba ka, payat ka--Ah basta! Ipagtatanggol parin kita kahit patayan pa."

Natawa si Mars. Honestly, I love seeing her smile. She is so cute. I actually didn't see her na mataba gaya ng iba, Mars is such a sweetheart. "Patayan talaga?"

Tinaas ko ang sleeve ng uniform ko at niflex ang braso ko. "Kita mo to?"

"Nasaktan ka na nga eh." Naiiling na tumatawang sambit ni Mars. "Pero puro ka parin kalokohan." Tumayo sya at pinagpagpag ang palda nya. "Tara na nga."

"Saan?" Nagtataka man ay tumayo narin ako.

Nilingon ako ni Mars. "Kakain, gutom na ako eh."

Natawa nalang ako. Well, at least she is okay despite of what happened. Sumunod ako kay Mars at niyakap ko sya nang patagilid. "Pakagat nga." Masamang tingin ang binigay nya sakin at lalo naman akong natawa. "I love you Mars."

I love you Mars...

Bigla akong nagising at napaayos ng upo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa set habang abala ang lahat ng crew sa pagseset-up ng mga cameras at props. Sumandal ako sa upuan sabay buntong hininga. I just couldn't believe na napanaginipan ko yung time na nag-aaral pa kami ni Mars. Siguro namimiss ko lang yung friendship na meron kami dati. But because of different priorities we separated ways.

"Nike." Biglang sumulpot si Gael sa harapan ko, pawis na pawis at hinihingal sya. "May problema tayo."

"Ha? Anong problema?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

Tumingin si Gael sa hawak nyang ipad. "Look."

"Just tell me." Puro script na nga ang laman ng utak ko. Pagbabasahin nya pa ako.

Kakamot kamot si Gael sa ulo nya. "Are you sure?"

Tinitigan ko sya ng maigi. "Gael, don't waste my time."

"Si Trish, tinakbo ang pera mo."

Napatayo ako na titig na titig sa mukha ni Gael. "Ano? Si Trish? Anong nangyari!?"

"After mag-invest ni Sir Leon last week ay hindi na nagpakita si Trish pati ang asawa nya. Milyon milyon ang nascam nilang pera." Paliwanag ni Gael sakin. "Kahit yung ibang artista at producer naloko din."

Trish used to be my personal assistant at okay naman kami sa isa't isa. I trusted her dahil maganda ang pinakita nya sakin. Machika at magaling magsalita kaya naencourage nya akong mag-invest sa company ng asawa nya. Pero ang bruha, scammer pala!

"Ipahanap mo sya Gael!" Pinagsamang galit at disappointment ang boses ko. "I want my money back! Hindi biro ang dalawang milyon."

Hinawakan ni Gael ang braso ko. "Don't worry Nike, may kinontak na ako na from NBI."

Nanghihinang napaupo ako sa upuan. Parang nawalan ako ng lakas. "Pinaghirapan ko yon Gael.." Sobrang nanlulumo ako. "Ipapakulong ko talaga yang Trish na yan."

"I know.." Pabuntong hiningang sabi ni Gael. "Babawiin natin ang pera mo."

"Humingi tayo ng tulong sa mga taong maaring makatulong sakin Gael." Biglang sumakit ang ulo ko sa problemang dumating sakin. "Aside from my money, i want Trish and her husband to pay for she has done."

"First we need a good lawyer Nike." Suggestion ni Gael.

"Nike!" Sigaw ng direktor na may kasama pangkaway sakin. "Mag-uumpisa na tayo."

I just sigh in predicament bago tumayo. "Just do anything Gael." At naglakad na ako papunta sa set. Pero kahit na professional na ako sa trabaho ay halatang distracted ako the whole time. Ikaw ba maman mawalan ng dalawang milyon sa isang iglap.

Wala ako sa mood after work so I decided to go home early. Pinauwi ko narin si Gael dahil alam ko na pagod din sya sa maghapong pagfollow-up about kay Trish. Dumaretso ako pool at nagswimming. I just liked it here. Nakakarelax at nakakawala ng negative vibes.

"Want some drink?"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita but I already know who is it. "What are you doing here? May pasok ka pa bukas diba?"

"Woah, isa isa lang ang tanong." Sagot ni Eris habang umuupo sa gilid ng pool. "Saturday bukas ate."

I just rolled my eyes at her. "Hindi ka na High School Eris, I know may pasok ka every Saturday." Nagfloating ako sa tubig and just closed my eyes to relax. "So why are you here?"

"Nag-aalala si Papa sayo."

Napabukas ang mata ko. I already know why she is really here. "Tell him I'm okay and nothing to worry." Lumangoy ako papunta sa hagda at umahon. "Napakadaldal talaga ni Gael."

"Pero ang laki ng perang nawala sayo ate." May pag-aalala sa boses ni Eris.

"Kami nang bahala ni Gael, Eris." Pag-aassure ko sa kapatid ko. "May nakausap na kami na tutulong para mahanap at makulong yang si Trish." Kinuha ko ang bathrobe. "So tell father to relax." Naupo ako sa patio lounge chair habang pinupunasan ang buhok ko. "Kakausapin namin bukas iyong lawyer na kaibigan ni Gael, magpapatulong kami."

Ang tagal nakatingin ni Eris sakin. "Ate.."

Tumaas ang kilay ko. "Why?"

"Kamusta na kaya si Mars?" Out of the blue na tanong ni Eris sakin.

My sister still remember Mars kahit na maraming taon na ang lumipas. Elementary pa ata si Eris noon.

"Who knows." Kibit balikat ko na sagot. "Why did you asked?"

"I just thought of her." Ngumiti si Eris bago ibalik ang atensyon sa tubig ng pool na nagrereflect ang mga bituin at buwan. "Kelan kaya sya babalik? Ano na kayang itsura nya?"

Natawa nalang ako with a shake of my head. "She will never coming back Eris, kaya kalimutan mo na sya."

Gaya nang pagkalimot nya sa pagkakaibigan namin.

Pero naisip ko din kung kamusta na kaya si Mars?

Don't freak out, it's me! (lesbian)Where stories live. Discover now