Chapter 8

40 3 1
                                    

"Bitawan mo na ako... nasasaktan na ako Dexter."

Nanginginig ako habang dahan-dahan niyang inaalis ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. Tumungo ako para hindi niya makita ang mga mata kong may nagbabadyang mga luha.

"Ali... mahal mo pa rin naman ako 'di ba? Give me a second chance, Alanis," nagmamakaawang sabi ni Dexter.

Tumawa ako nang mapait. "What 'second chance' are you talking about? This is already your second and last chance. Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa inyo ni Pia noon?"

Hinding-hindi mawawala sa isip ko kung paano ako nagawang lokohin ni Dexter noon. It was traumatic for me. Ilang araw akong umiyak noon at kinuwestyon ang sarili kung ano bang mali sa akin. Pero dahil mahal na mahal ko siya, binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. Too bad, he wasted it.

Saglit siyang natigilan bago kumunot ang noo. "For fuck's sake, ang tagal na noon, Ali! I was drunk that night!"

"You're right! Matagal na nga iyon. But guess what? The trauma you left in me will never be gone." I looked at him in the eye with so much disgust. "And don't you dare use that drunk excuse on me. Lasing ka lang, wala kang amnesia. Ano 'yun, kapag lasing ka, nakakalimutan mong may girlfriend ka? Tang ina mo, cheater."

Mabilis akong naglakad paalis doon. Dinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ni Dexter sa pangalan ko. Hindi na ako bumalik pa sa loob ng venue, sa halip ay dumiretso ako sa parking area. Nakita ko si kuya Brando na naghihintay sa may tapat ng aming sasakyan.

"Kuya Brando, let's go," sambit ko. Dali-dali niyang binuksan ang sasakyan at agad akong umupo sa backseat.

"Ma'am Zoe, wala pa po ang mommy niyo. Saan po ba tayo pupunta? Mag-aalas nuebe na po, malilintikan po ako nito kay ma'am Zania..."

My heart was still racing. Nanginginig ang mga kamay ko at ang mga luha kong kanina pang nagbabadya ay tuluyan nang pumatak. Fuck, ayaw kong umiyak. I told myself that I will never cry because of him anymore. But why now? Nananahimik na ako. I was already making a progress. Bakit niya kailangang guluhin pa ako ulit?

"K-Kuya, balik na tayo sa condo ko. Please..." my voice cracked. Hindi mawala sa isip ko ang mga binitawang salita ni Dexter kanina.

"Po?! Naku, ma'am. Lagot po talaga ako kay Ma'am Zania! Ang bilin niya po ay kayong dalawa ang susunduin ko ngayon," bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Please kuya. I'm sorry sa abala. Ako na ang bahalang kumausap kay mommy. Pwede namang sumabay na lang si mommy kina tita Lyn. Just please, ihatid niyo na po ako sa condo..."

Nahirapan akong magsalita dahil sa paghikbi ko. Alam kong kating-kati na si kuya Brando na tanungin ako kung bakit ako umiiyak nang ganito.

"Ma'am Zoe, tissue po..."

I calmed down for a while when kuya Brando broke the silence. It was like a déjà vu. One week ago, ganitong ganito rin ang nangyari sa akin— crying helplessly because of that stupid asshole. Tinanggap ko ang inalok niyang box ng tissue.

"Ma'am ito pa po, tubig oh..." Iniabot naman niya sa akin ang isang bottled water. "Huwag kayong mag-alala ma'am, 'di ko pa 'yan nabubuksan."

My heart warmed. I've always seen him as my second father. "Thank you kuya, thank you po talaga."

Nginitian niya ako sa rear view mirror. Habang nasa biyahe ay panay ang tawag ni Dexter na paulit-ulit ko lang namang pinapatay. May ilan rin akong pinsan na tumawag ngunit pinapatay ko lang din ito. Ang tanging tawag na sinagot ko lang ay kay mommy.

"Where are you?! Kanina pa ako naghahanap sa'yo!" My mom answered the phone with frustration.

"I'm sorry, mom. May nangyari lang. I need to go back to my condo now. Nagpahatid ako kay kuya Brando."

When the Rain Stopped (Phenomena Series #1) ON-HOLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora