Chapter 7

49 2 1
                                    

"Anak, malapit na raw diyan si Brando. Are you done fixing yourself? Make sure you look presentable enough."

Ang bilis ng araw. One busy week has already passed. Hindi ko halos namalayan ang paglipas ng araw dahil sa sobrang busy ko sa school.

"Yes, I'm done... tell kuya Brando to just wait for me at the parking lot."

"Okay. He'll text you once he gets there."

Pinatay na ni mommy ang tawag. It's Sunday today. Susunduin ako ngayon dito ng aming driver para ihatid sa venue kung saan gaganapin ang birthday dinner ng tita ko.

Mayroon akong kotse pero hindi ko iyon ginagamit. Iniwan ko iyon sa bahay namin dahil hindi pa ako ganoon ka-sanay mag-drive. Siguro sa summer mapagtutuunan ko na iyon ng pansin.

I finished curling my hair before I put on a brick red matte lipstick. Natural na wavy na ang buhok ko pero kinukulot ko ito kapag may special occasions para mas emphasized at eleganteng tingnan ito.

Tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tiningnan dahil sa pag-aakalang chat iyon mula kay Eros. Madalas kasi ay siya lang ang laman ng inbox ko.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang pangalang nag-notify sa akin.

Dexter Buenavidez sent you a message.

Bakit naman niya ako ime-message? Isang linggo na simula nang naghiwalay kami. Isang linggo na rin kaming walang communication. Why would he message me now?

Dexter:
Are you going to your tita Lyn's birthday?

Paano niya nalaman? Inimbita kaya siya ng tita ko? Ilang beses ko na siyang naisama sa family gatherings namin kaya kilala siya ng ilang relatives ko.

I sighed before typing my reply.

Ako:
yes.

Mabilis namang na-seen ni Dexter ang message ko. Hindi ba siya busy? Parehas kaming second year na. Business Ad ang course niya at sa pagkakaalam ko, marami silang pinagkakaabalahan ngayon.

Dexter:
Tita Zania invited me. Nasabi mo na ba ang tungkol sa atin?

Wow, inimbita siya ni mommy? Tsk. Sabagay, approved naman siya kay mommy. Magkavibes sila because they're both business minded.

Ako:
nope. idc.

Hindi na siya nagreply. Nag-ayos na lang ako ng mga gamit pati na rin ang maliit na handbag na dadalhin ko. Hanggang bukas ako roon sa bahay dahil wala kaming pasok bukas.

Natigil ako sa pag-aayos ng gamit dahil sa pagriring ng phone ko. I looked at it and saw Dexter's name.

"What do you want?" bungad ko. I tried so hard to not sound nervous. Ito ang unang pag-uusap namin simula noong naghiwalay kami.

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na pupunta rin ako sa birthday ni tita Lyn."

His deep voice made me flinch. I felt a familiar pain in my chest.

"Uhuh? I don't care. Do whatever you want."

"Lov– Ali..." He softly said. "I'm sorry... can we talk?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Wala tayong dapat pag-usapan, Dex. Tapos na tayo."

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Nahihiya lang ako kay tita Zania... can't we just act like we're still together? Kahit ngayon lang. Your mom's expecting me to be there."

"What the hell are you saying? We can't do that. Sasabihin ko na lang kay mommy na hiwalay na tayo."

"Alanis, your mom wouldn't like to hear that. We both know that."

When the Rain Stopped (Phenomena Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon