"You sure? I mean, you're very hung—

"Hindi, ayoko talaga. Dito na lang ako, maghihintay baka balikan nila ako dito. Ipagpatuloy mo na lang ang pamimili mo." binigyan ko sya ng simpleng ngiti.

"But can I guarantee that you are going to be ok—

"Ayoko talaga, sori." Ang kulit nya ah! Piling ko tuloy ang ganda-ganda ko.

Sandali syang natigil. "O..okay. So I guess I'll be going then? See you around?"

Paatras syang naglakad saka dahan-dahang tumalikod. Ilang beses pa syang lumingon sa akin, dahil do'n ay nabangga nya ang isang estatwang papel ng Isang modelo. Natawa na lang sya at gano'n din ako. Inayos nya ang imahe saka kumagaw sa akin bago tumalikod.

Nang tuluyan syang nakalayo ay saka ko lang naibuga ang hanging na naipon sa aking lalalumunan. Nae-estres ako sa pangyayaring ito. Hindi ko inakalang makakasalamuha ko pa ulit yung Matthew na yun, pero ang mas hindi ko mapaniwalaan ay itong nangyari sa akin.

"Pa'no na ito?" Nahilot ko ang aking sentido.

Sana naman may bumalik para sa akin dito. Alam kong ambisyosang pakinggan pero sana naman maalala ako ni Boss.. Hindi naman siguro nila ako pababayaan dito, diba? Malabo kasing matatakasan ko itong sitwasyong ito. Sa pagkakaalala ko, malayo itong gusaling ito sa gusali na pag-aari ni Boss. Hindi ko na matandaan ang daan at wala akong pera pamasahe papunta roon! Yung selpon ko naman binigay ko na kay Ginger.

Hindi rin ako pwedeng lumabas lang dito ng walang quarantine pass. Malamang diretso ako sa presento pag nahuli akong pagala-gala sa kalsada. At ngayon panay reklamo pa ang tyan ko kaya napahawak ako roon, tapos sumasakit din ang puson ko. Nagsabay pa talaga. Kung pwede ko lang 'tong itulog para mawala na ang sakit pagkagising, ginawa ko na. Pero hindi ako pwedeng matulog dito!

Naupo na lang ako sa may sulok malapit sa lugar na iniwan ni Valleire sa akin kanina sa harap mismo ng hagdan mula sa ibabang palapag kaya alam ko kung may bababa o aakyat. Pero hindi ako madaling mapapansin ng tao dito sa pwesto ko. Maghihintay na lang ako rito. Hindi naman siguro gano'n kalupit si Vallerie para sabihing nahulog ako sa tulay kaya hindi na 'ko nakabalik.

"A-aray..." Napahawak ako muli sa puson ko. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit! Kailangan ko itong itulog kahit sandali lang. Oo tama, sandali lang..

Dahan-dahan akong napapikit.

"I just wanted to keep you. No matter what my mother or Valleire says.."

"You've always been familiar to me.. can you hear me, Mariel?"

Unti-unti akong napamulat nang dahil sa boses na iyon. Isang imahe ng lalaki ng nakikita kong nakatalikod sa buwan pero hindi ko sya kilala o maabot.

Nang tuluyang namulat ang aking mata, nawala na ang lalaki at ang boses nyang bumunulong.  Tahimik ang 'di pamilyar na paligid na kinaroroonan ko.

At ang lamig.. sobrang laming!

Agad kong nayakap ang sarili ko para subukang painitin ang katawan. Ang lamig ng hangin! Ang lamig ng sahig! Ang lamig ng.. t-teka, asan nga ulit ako?

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu