"Tss. Bibilhan ako ni Mommy ng bagong cellphone" masungit na sabi niya sa akin. Napanguso ko ng mapagtanto kong gusto lamang ako nitong inggitin.

Hindi ako umimik. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagtabi niya sa akin. "Hoy bata..." inis na tawag niya sa akin. Nainis siguro dahil nakita niyang hindi naman ako nainggit sa sinabi niya.

"Po. Kuya?"

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Mas lalong naginit ang mukha ko ng maramdaman ko ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Nanlaki ang aking mga mata ng walang sabi sabi niya akong hinila sa kung saan. Hindi ako umimik, nagpatinaog ako sa kanya.

Malayo na ang narating namin, malayo na sa banko kung saan pumasok si Mama Maria. Halos nasa gitna na kami ng Mall, maraming tao pero nagawa ko pa ding ituon ang atensyon ko kay Kuya Piero.

"Goodbye chanak" nakangising sabi niya sa akin. Napaawang ang bibig ko. Tinubuan ako ng takot sa kung ano man ang kanyang binabalak sa akin.

"Kuya Piero..." kinakabahang tawag ko sa kanya. Bibitawan na sana niya ang aking kamay ng ako naman ang humawak duon.

"Wag mo po akong iwanan dito" naiiyak na sabi ko sa kanya. Alam ko na ang gusto niyang mangyari, gusto niya akong iwala para hindi na ako makabalik sa kanila.

Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso. "Natatakot po ako, Kuya Piero..." naiiyak ng sumbong ko sa kanya. Kita ko sa kanyang mukha na desidido siyang gawin iyon.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking masasagang luha. Paano pag nawala ako? Saan ako pupunta? Sana ay ibalik na lang niya ako sa Papa ko. Marahas niyang inilayo ang kanyang kamay sa akin, nagtaas siya ng kilay bago niya ako tinalikuran. Mabilis ang kanyang mga naging hakbang, na kahit pinilit kong habulin siya ay hindi ko na nagawa pa.

Umiiyak akong tiningnan ang mga taong naglalakad sa aking harapan. Kita ko ang pagaalala sa kanilang mukha, pero ni isa ay walang tumulong sa akin. Naglakad lakad ako, pilit na inaalala ang mga nadaanan namin. Ngunit hindi ako nagtagumpay, naiwala ko na sila.

Marahan kong pinunasan ang aking mga luha ng makita ang mahabang pila sa isang ice cream store. Isang batang babaeng kasing edad ko ang lumapit sa akin. Nagtaas siya ng kilay habang nakatingin sa aking suot na dress, may hawak hawak siyang ice cream, dinidilaan niya iyon at halatang nangiingit pa.

"I'm princess Aurora" maarteng sabi niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kulay pink niyang dress. Tiningnan ko lamang siya, umikot ikot sa aking harapan para ipakita ang paglobo ng kanyang suot na damit.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pagkabuwal niya, na out of balance ata dahil sa kanina pa niyang pagikot ikot. Dahil sa takot na matumba siya sa akin at tumama ang ice cream na hawak sa damit ko ay naitulak ko siya para duon siya matumba. Naagaw namin ang atensyon ng halos lahat ng nanduon ng umiyak ng malakas ang bata. Nilingon ko ang papalapit niyang magulang. Galit itong nakatingin sa akin, sa takot na saktan at pagalitan niya ako ay mabalis akong tumakbo palayo duon.

Tinakbo ko ang hindi pamilyar na lugar sa mall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko mahanap si Mama Maria, at maging si Kuya Piero.

"Kuya Piero..." tawag ko sa kanya sa gitna ng aking mga paghikbi.

Sa takot na baka sinundan ako ng nanay nung bata, umupo na lamang ako sa may gilid. Panay pa din ang iyak habang nilalaro ang laylayan ng aking suot na dress.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz