[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.

Start from the beginning
                                    

Pero minsan, kapag inlove, kahit na halos magmura na ang utak mo at sumigaw na siya kasesermon sa'yo, isang pintig lang ng puso mo nawawala lahat ng katinuan na dapat alam at ginagawa mo.

Tumingin ulit ako sa dalawa, nakaupo na si Enzo. Medyo tinapik niya ang balikat ni Chelsea at nagsmile. Si Chelsea naman tumingin sa kanya at parang nagnod. Tumayo si Enzo at umalis na... Bye.

Inayos na rin ni Chelsea ang gamit niya at tumayo na rin sabay naglakad papunta sa may way ko... Wait, saan? Sa may way ko? Sa akin?! Oh shit. Teka saan ako pupunta?! Anong sasabihin ko?! 😰

"Hope?" Rinig ko. Kaya tumalikod ako sabay pekeng ngiti.

"Oy! Chelsea! Wow, nandito ka pala? Wow. Coincidence masyado ah. Wow. Nandito ka? 😅" Pagsisinungaling ko. Medyo napatulala lang siya sa akin at ngumiti.

"Okay ka lang? Bagong gising ka pa lang ba?" Tanong niya.

"Huh? Ay grabe ka naman. Hindi ano! Lalanghap nga sana ako ng fresh air eh kaya ako nagpunta dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ah... Wala. Nagbabasa." Sabi niya sabay ngiti.

"May kasama ka kanina?" Tanong ko. Ano ba yan, Hope! Mahalata ka!

"Ah... Wala. Magisa lang ako." Ngiti ulit niya. Namutla ata ako. Bakit nagsisinungaling si Chelsea sa akin? Dahil ba si Enzo ang kasama niya? Dahil ba... Dahil ba nagyakapan sila?

"Teka, may announcement daw sa gym ngayon ah. Half day tayo. Alam mo na?" Tumango na lang ako, medyo namumutla pa rin.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Ikaw? Okay ka lang?" Tanong ko pabalik, halatang nabigla siya.

"Oo, okay lang ako. Tara sa gym?" Sabi niya tapos hinila niya ang kamay ko at naglakad papunta sa gym namin.

Habang naglalakad, at miski noong makarating kami sa gym katabi ng Section F nakatulala pa rin ako. Bakit sila magkasama? At bakit hindi sinasabi sa akin ni Chelsea ang dahilan? Bakit siya nagsinungaling? Bakit sila nagyakapan? Matagal na ba silang magkasama kanina? Lagi ba nilang ginagawa yun sa umaga? Pinaguusapan kaya nila si Eula? Siguro. Siguro si Eula... Eh paano kung iba?! Bakit may yakap kung si Eula?!

Ay! Ano ka ba, Hope. Wag mo ngang pagisipan ng masama ang bestfriend mo ano ka ba?!

"Si Hope na lang po!"

"Oo nga si Hope na lang!"

"Yahoo, Go Hope!"

Ano daw? Ako na lang ang akin?

"Okay lang ba sa'yo Hope?" Tanong ni Yhang, yung class secretary namin.

"Okay ang alin?" Tanong ko. Tapos biglang may nagsalita galing sa stage.

"So, Section F sino na ang representative niyo para sa decorations ng gym sa darating na Valentines Ball?" Tanong ni Miss Bisbal.

"Si Miss Hope Yazon po." WAIT, ANO?!

"Okay, Miss Yazon will be Section F's representative. Now the list is complete. For Section A we have Miss Yesha Kramer." YESHA?! Bakit yon?! Ayoko sa babaeng yun eh. Patay na patay kaya yun kay Enzo, at simula noong nagdate kami nagtayo yung ng fansclub slash haters club ko!

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now