[46] Venice' Birthday Part 1

145K 3.3K 1.3K
                                    

Chapter 46

HOPE’s POV

         Hindi ko alam kung paano pero noong gabing yun pumayag ako na pumunta sa birthday ni Venice. Siguro dahil na rin sa medyo nakapagusap na kami ni Enzo. Closure na din yun. Noong gabing yun may sumakit kay Enzo kaya nagpahinga muna kami sa kotse bago kami umuwi. Noong sinabi kong matulog muna siya at sinabi niyang matulog din daw ako, noong pumayag ako nakita kong ngumiti siya bago siya pumikit.

         Pagkahatid niya sa akin, bago ako pumasok ng bahay…

“Hope?” Lumingon ako sa kanya. “Thank you for coming with me.” Nagsmile ako pabalik, nagsmile siya pabalik. Sana ganito na lang kasimple lahat, pero hindi eh. Kasi sa akin lahat may malisya, ako lang naman ang problema eh.

Pagbalik ko sa bahay, tinanong ni Ate yung nangyari sa amin ni Enzo. Kinwento ko sa kanya lahat at sinabi ko rin na pupunta na ako sa birthday ni Venice.

“Okay ka lang ba?! Minsan adik ka rin eh ano? Anong hinithit mo this time? Katangahan with matching inlove na inlove to the point na masochista?!”

“Ate inborn yung  katangahan. So siguro yung last two.” Sinamaan niya na naman ako ng tingin. Uh-oh. Ito na. Here comes the preaching.

“Ate bago ka magsimula, narealize ko kasi na… Baka kapag hindi ako sumama mamatay lang ako sa kakaisip. Kakaisip kung anong ginagawa nina Enzo at Eula. Sweet ba sila? Bagay ba sila? Masaya ba sila kapag magkasama? Tsaka yung barkada, niloloko ba sila? Boto ba sila sa kanila? Makakalimutan na ba nila ako? Alam kong papasok lang ‘to sa isip ko kaya pakiramdam ko mas okay kung sasama ako. Kasi minsan mas nakakamatay yung mga naiisip mo kasi mas malala yun sa kung anong pwedeng mangyari sa’yo.”

Tumahimik lang si Ate. Umupo sa tabi ko. Handa akong makinig sa sasabihin niya, handa ako.

“Wala akong pakialam kung gusto mong sumama sa birthday ni Venice o hindi. Ang akin lang, alam ko yang nararamdaman mo. Nagawa ko na yan. Aminin mo man o ideny mo man, alam kong alam mo sa sarili mo na gusto mong pumunta sa birthday ni Venice kasi gusto mong makita si Enzo. Gusto mo siyang makita kasi miss mo na siya. Gusto mo siyang makita kahit na kasama niya si Eula bakit? Kasi gusto mo malapit lang siya. Gusto mo abot tanaw lang siya. Kahit nasasaktan ka nababawasan yun kapag nakikita mo siya. Ito yung malabo sa nagmomove on. Kasi, sobrang sakit na makita siya pero nakakawala din ng sakit ang makita siya. Masarap na nandiyan siya pero pag narealize mo na hanggang doon na lang siya, ayun sumasakit na.”

Bakit kailangan maging ganito katalino ang ate ko? Bakit kailangan alam niya lahat? Ayoko ng umiyak kasi mahahalata niya na tama siya, pero naluluha na ako kasi gusto ko talaga siyang makita pero alam kong masasaktan lang ako.

“Ang akin lang Hope, hindi naman siya ang madedehado dito eh, ikaw. Kasi ikaw ang nagmamahal, ikaw yung nawalan, ikaw yung niloko pero ano? Ikaw pa rin ang umaasa. Ikaw pa rin ang nakakamiss. Ikaw pa rin ang gustong makita siya. Hindi naman siya ang masasaktan sa dulo eh, ikaw. Kaya habang kaya mo, habang may paraan, hangga’t may magagawa ka, tulungan mo din ang sarili mong magmove on. Kasi walang gagawa niya kung hindi ikaw. Nandito lang kami para sa’yo, pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Kung kailangan mo ng iiyakan nandito lang ako. At wag kang mahihiya na magmukhang tanga o desperada kasi ate mo ako, pamilya tayo. Sa lahat ng pwedeng mawala sa’yo ako ang nasa dulo. Kaya nandito lang ako para magadvice sa’yo ng mga ‘to kasi naranasan ko na ‘to. Pero wala akong pakialam kung ang maging desisyon mo ay ang pumunta sa birthday ni Venice. Okay lang. Kapag nasaktan ka nandito lang ako, pero kung may paraan namang wag masaktan, yun na lang ang piliin. Kaya Hope, pagisipan mo.”

Hinaplos niya ang buhok ko, tumingin sa akin, ngumiti at lumabas na siya ng kwarto ko. Minsan sobrang thankful ako may ate ako. Sobrang salamat kasi totoo ang sinabi niya, sa lahat ng tao sa mundo siya ang isa sa mga hindi mangjujudge sa gagawin ko.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon