[35] Dance and Kiss under the rain.

313K 3.1K 1.4K
                                    

Announcement: Let's support Mark Neumman's new show "Confessions of A Torpe" showing this March 3, 2014 sa TV 5 :) Support our Bryle Ortega! 

Chapter 35

Hope's POV

Friday na naman. 3:00 PM. Ibig sabihin.. ORG Day, kaya nandito kami ngayon sa Outdoor's Club room. Matagal tagal na din kaming hindi nagmemeeting pero ngayon mayroon na namang outdoor activity bukas ng sabado.

Katabi ko si Miks na katabi naman si Chelsea. Sa may kanan ko, katabi ko si Mico na katabi si Enzo, Venice at si Bryle.

Parang ang tagal tagal namin noong huli kaming nagkita kita. Si Miks at Chelsea lagi kong kasama sa recess pero sa lunch lagi akong hinihiram ni Mico at Enzo.

Si Bryle at Venice naman... Nagkakamabutihan na ulit. Palagi silang magkasama. Recess. Lunch. Dismissal. Sabay umuwi. Sabay sa practice. Dahil doon, apektado ang dalawang tao.

Si Chelsea, kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan pa rin kapag nakikita niyang magkasama si Bryle at Venice. At kahit na gusto ko siyang kausapin ng masinsinan doon, si Enzo naman lagi akong niyayaya maglunch. Wala kasi siyang kasama kasi si Venice at Bryle laging nagsosolo. Kaya kaming tatlo nina Mico ang palaging magkakasama.

Ngayon, medyo awkward ang ere. Hinihintay lang namin si Ms. Ortiz. Nagresign si Ms. Inigo bilang adviser namin sa club dahil madaming pinapaasikaso sa kanya si Dean, bilang siya ay Principal.

“Hi Love. I missed you.” Biglang bati sa akin ni Bryle sabay akbay niya sa akin. Sanay na akong touchy si Bryle, pero nandito si Chelsea at Venice at nakatingin sila sa akin kaya..

“Ako rin.” Ilang na ilang ko na sinabi kay Bryle.

“Why are you like that, Love?” Tiningnan ko siya. Mukhang naintindihan niya. Minsan may connection kami ni Bryle, na isang tingin ko lang naiintindihan na niya ako kaya nagwink na lang siya sa akin at bumalik na sa upuan niya.

"Hi. Good Afternoon." Bati sa amin ni Miss Ortiz. "I'm Kim Ortiz, your new org adviser. And nandito kayo para sa magiging activity natin for outdoor club tomorrow."

Nakikinig lang kami ng mahuli ko si Chelsea na nakatingin kay Bryle at Venice na medyo nagkukulitan. Nasasaktan ako para sa bestfriend ko. Naiintindihan ko si Bryle. Ako pa nga ang nagsabi na makipagbreak siya kay Chelsea hindi ba? Pero.. Mahal pa rin siya ni Chelsea. :(

"Bukas, sa may Luneta Park tayo." NA NAMAN?! Napatingin ako kay Enzo na nakatingin na rin sa akin at ngumiti kami sa isa't isa. Luneta Park, oh Luneta Park.

"May dance event kasi bukas doon. Maraming mga stalls at kung ano ano pa. At ang gagawin niyo ay magteteam kayo para sa challenge niyo." Challenge? Ano na naman 'to?

“Magiging takatak boys at girls kayo. Ang pinakamabilis na makaubos ng ibebenta nila ang siyang mananalo.” Sabi ni Miss Ortiz. Yung takatak boy, yung nagbebenta ng candy, yosi, etc. sa mga park.

“Ano pong prize?” tanong ni Christian, yung isang kaorg naming.

“Ang mananalong team ay magkakaroon ng mataas na grade.” Sabi ni Miss Ortiz. Toinks. Yun lang pala. “Pero bago ang Luneta bukas, dadalaw muna tayo sa Manila Zoo bukas.”

Manila Zoo? Bakit naman doon? Ang tanda na namin eh.

“Kailan kayo huling nakabisita sa Manila Zoo?” Walang sumagot. “Right. Matagal na. Kaya masarap bumisita lalo na ngayong malalaki na kayo.” Sabi niyang nakangiti. Kahit na ang lame ng idea, dahil mukhang gustong gusto talaga ni Miss Ortiz yung activity parang hindi na kami makahindi.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon