[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday

426K 3.6K 790
                                    

Sorry matagal ang update! Hindi pa rin gawa si laptop pero tinry ko pa din magupdate. This is long so sana mabawi ko ang pinaghintay niyo! Enjoy! <3 

Chapter 27

Hope's POV

Nandito kami ngayon. Kasama ko si Miks at Chelsea sa ilalim ng centennial tree sa may malaking bench dito sa Girlinlove University. Mahilig kaming tumambay dito kaya dito kami maguusap usap. 

"Marami kayong kailangan pagusapan kaya iiwan ko kayo kasi labas naman ako dito."

At umalis na nga si Chelsea. 

Naiwan kami ni Miks na nakaupo lang. Walang nagsasalita. Naiinis ako. Kelan pa kami naging ganitong dalawa? Pag magkasama kami kulang na lang marindi ang langit sa ingay namin. 

"Miks, anong bang problema mo?"

Dahil medyo naiirita ako yan na ang nasabi ko.

"Wow, wait. Di ko alam na ikaw pala ang galit dito." Sagot naman niya kaya mas lalo akong nairita.

"So galit ka nga? Ano bang pinuputok ng butsi mo? Ba't ba inis na inis ka sa akin ha?!" 

"Sino bang may sabing galit ako sa'yo?!"

"Yang pinapakita mo! Bakit mo ako iniiwasan?! Lumalapit ako sa'yo layo ka ng layo. Bakit ka ba nangiiwan ha?"

Natahimik siya tapos ngumiti. Noong tumingin siya ng deretso sa akin napatigil ako... Nakita ko yung expression niya. Nakita ko yung lungkot sa mata niya. 

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na ako ang nangiiwan. Sige nga, Hope. Balikan natin lahat.. Isipin mong mabuti yung nangyari sa nakalipas na tatlong buwan. Sige nga.. Hope, sa ating dalawa.. Sino ang nangiwan?" 

Napatigil ako. Nanahimik ako. Wala akong masabi. Nagagalit ako. Naiinis ako pero higit sa lahat nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi nagaaway kami. Nasasaktan ako na kailangan niyang ipamukha sa akin 'to. At nasasaktan ako kasi alam kong mali ako. Kasi alam kong nangiwan ako. 

"Hoy Yazon, never akong bumitaw sa tabi mo. Oo maldita ako. Oo di ako supportive sa pagpapantasya mo, pero nandito lang ako lagi para sa'yo. Hindi kita iiwan kahit na alam kong isang araw lalapit ka na lang sa akin kasi alam kong masasaktan ka sa Enzo mo. Alam kong prangka ako sa lahat ng pagiilusyon mo dahil hindi ako yung tipo ng kaibigan na susuportahan lahat ng katangahan mo. Ako yung tipo ng kaibigan na magpapaalala sa'yo ng realidad sa mundo. Pero hindi ko akalain na hindi mo naman pala kailangan ang ganoon sa buhay mo. Sabagay, oo nga naman. Mas masaya nga namang sumama sa mga bagong kaibigan mo na matagal mo ng pinangarap kesa yung maging loyal ka sa pangako mong hinding hindi tayo maghihiwalay. Sino nga ba ako? Ako lang naman yung kaibigan mong umaasa na sana hindi ako mawalan ng lugar sa buhay mo. Ako yung kaibigan mo na hindi naman humihingi ng lahat basta lang yung maramdaman ko na kaibigan pa rin kita. Pero hindi eh... Pakiramdam ko lumalayo ka, pakiramdam ko nagiiba ka na. At unti unti nagiging isa ka na sa kanila." 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon