CHAPTER TWENTY EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

" what?" tanong niya..

" your my life... so, my answer is mine.. get it?" me.. unti unti namang nagform ng smile yung lips niya... ang ganda niya talaga...

Mula noong araw na yun, tumatak sakin ang mga salitang yun. para sakin, isa yun sa mga pangako ko.. totoo.. siya ang buhay ko. kaya kailangan kong lumaban.. para sa kanya.. kaya naman, lahat ng therapy, operations, ginawa ko. lahat ng possible na lunas para sa sakit ko, tinake ko. gustong gusto ko gumaling agad para sa kanya..,

Bawat araw, binibilang ko, bawat minuto iniisip ko siya, sa bawat tibok ng puso ko, sinisigaw pangalan niya.. at siya.. siya mismo... siya ang nagpapatibay sakin..

Ngayon, may 50-50 chance ako sa kanya.. alam kong may iba siyang mahal ngayon.. pero, masama ba kung gusto kong maniwala na mahal niya parin ako kahit papano? Na mamahalin niya parin ako kahit na nagsinungaling ako? Na maibabalik niya parin yung pagmamahal niya sakin noon? Masama bang umasa? Naghintay din naman ako ahh.. nasaktan din naman ako.. pero kung ano man ang makapagpapasaya sa kanya, doon ako.. hindi naman ako masamang tao.. sa bandang huli, mas mahalaga parin yung kasiyahan niya.. kahit pa masaktan ako..

Kanina pa kami nakaupo sa may garden namin. Nakatanaw lang siya sa pool. Walang sinasabi.. parang ang lalim ng iniisip..

" ad.." panimula ko. gusto ko na ding sabihin ang lahat sa kanya...

" bakit mo ako niloko?bakit mo ko pinaikot? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin?" tanong niya.. napayuko nalang ako...

" im sorry. Pero.. mas gusto ko pang itago nalang ang sakit ko kesa naman sa malaman mo, tapos makikita kitang malungkot at umiiyak... ayoko ring pahirapan ka.. lalo na't walang kasiguruhan na mabubuhay ako.." sagot ko..

" naiintindihan naman kita ehh.. sobrang naiintindihan ko yung point mo... ang masakit lang... gumamit ka pa ng ibang tao.. marami pang taong nadamay..." alam ko naman yun ehh...

" alam ko.. pero ad.. kilala mo naman ako diba? Alam mong kaya kong magsacrifice para lang sa kapakanan ng iba.. kilalang kilala mo ko ad.. alam mong ayaw kong may nasasaktan ng dahil sakin.." -ako

" alam ko yun.. pero.. p-pero...b-bakit kasi hindi mo sinabi sakin? m-michael... sumaya ako sa piling ng iba... sumaya ako kasama ang kambal mo dahil akala ko. ikaw yun.. kaya pala... kaya pala biglang may nagiba.. kaya pala... tinanggihan niya yung tinanong kong magpakasal kami.. kaya pala.. kasi hindi naman ikaw yun... Michael.. ang sakit sakit na.. lalo na ngayon.. Michael.. sana sinabi mo sakin kasi nagsisisi ako sa mga ginawa ko.. Michael.. sana sinabi mo manlang kasi girlfriend mo ko diba? Alam mo namang mahal na mahal kita.. ngayon iniisip ko na sana naalagaan kita nung mga panahong nahihirapan ka.. ngayon naiisip ko na sana nandun ako sa mga operation mo.. na sana hawak ko yung kamay mo nung mga panahong nahihirapan ka at nagaagaw buhay sa hospital.. sabi mo mahal mo ko. sabi mo ako ang buhay mo.. pero bakit hinayaan mong maging Masaya lang ako.. sa iba.." doon na siya humagulgol ng iyak.. ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.. ramdam kong naguguluhan siya.. niyakap ko nalang siya.. at naramdaman ko namang yumakap din siya.

" shhhh.. sorry na ad.. sorry na please... ad... di naman na ko nageexpect na mamahalin mo pa ko lalo na kung may iba ka nang mahal. Maiintindihan naman kita.. alam mo namang ang gusto ko lang eh maging Masaya ka.. yun lang.. kaya nga ako lumaban diba? Kasi gusto kong mapasaya ka ng mahabang panahon.. dahil gusto kong manatili sa tabi mo at alagaan ka ng matagal... yun lang ang hiling ko. pero kung hindi man yun matupad, tatanggapin ko. kung sa iba ka man sasaya, sige.. hindi kita pipigilan dahil alam mong ang kasiyahan mo ang importante sakin.." lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya sakin...

" Michael. Bakit ba ang bait mo? bakit ba sobrang mahal mo ako? Bakit ba kasi lagi mong inuuna yung kapakanan at kasiyahan ko? bakit ba hindi nalang yung sarili mo? yung nararamdaman mo? bakit laging ako? Michael.. hindi na tayo bata... naiintindihan ko na lahat ng ginagawa mo.. matured at open na ang isip ko. pero.. Michael.. matatanggap mo pa ba ko ganung may ibang lalaki nang nakauna sakin? mamahalin mo pa ba ko kahit hindi na ko buo?" napangiti nalang ako. Pero kasabay noon ay ang pagpatak ng luha ko...

PARTNERS in BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon