CHAPTER TWELVE (continuation)

14.7K 141 12
                                    

Thank you guys for reading my stories. Thanks for the likes, comments, and also for fanning..

Here's the continuation.. this is a short update.. but... i hope you understand guys..

Haha.. nadala lang sa speech kanina.

CONTINUATION of CHAPTER TWELVE

" paano kung hindi pala si Michael ang para sayo? Tingin mo...Kaya mo pang magmahal ulit?"

Natigilan ako sa tanong niya.. kaya ko pa nga ba?

" sa totoo lang... hindi ko alam.." sagot ko. Sabay tanaw sa malawak na karagatan..

" bakit naman?" tanong niya ulit sakin. At ramdam ko na nakatingin siya..

" kasi mula noon.. siya na ang pinangarap kong makasama habang buhay... hindi ko alam kung... paano ko pa ulit makikita ang future na... iba ang kasama..." sagot ko. Medyo naluluha na rin ako sa usapan namin. Pero.. kailangan ko din pala iconsider to sa problem ko.. paano nga kaya kung hindi ako matanggap ni Michael? ano nang gagawin ko? hindi naman pwede na magtapos nalang dun ang buhay ko. Kailangan ko paring magplano.

" paano kung may taong magmamahal sayo? Higit pa sa pagmamahal na binigay sayo ni Michael?" tanong niya..

" ewan ko.. pero... hindi naman nasusukat ang pagmamahal diba? pano mo masasabing higit ang pagmamahal niya???" tanong ko ulit, tama naman ako diba?

" paano kung siya.. tatanggapin ka.. mamahalin ka kahit ano ka man.. hindi ka iiwan... papayagan mo ba sya?" tanong niya..

" hindi ko rin alam.. Masaya siguro isipin na may lalaki pang tatanggap sakin.. pero... ang mahirap lang naman ehh... kaya pa ba ng puso ko?? Matanda na rin ako Van. Di na ko bata.. ilang kembot nalang ang itatagal ko ng paghahanap ng bagong makakasama.. alam mo.. gusto ko maalagaan ang magiging anak ko kung sakasakali ng matagal na panahon. Pero ngayon... hindi ko maimagine na magkakaanak pa ko at magkakaasawa.. Van.. kelan pa ba ko ikakasal at magkakapamilya kung hindi lang rin si Michael ang makakatuluyan ko? 5 years pa ba? 10 years ulit? Ganon ba katagal? Hindi naman ako nagsstay sa pagkabata. Natanda din ako.. at hindi ko maisip na sa edad na 40 pa ko magkaanak at magpapakasal.. maiksi nalang ang buhay ng tao Van.. hindi mo alam kung kelan ka kukuhanin.. what if sa edad na 50 kuhanin na ko? Naiintindihan mo ba ko? Magulo ba ko? Basta.. natatakot ako na baka hindi na ko matanggap ni Michael.. mahal ko siya,." Sagot ko nalang. Magulo ba? siguro..

" mahal mo siya o nasanay ka lang sa isip mo na sabihing siya ang mahal mo? mahal mo siya? o natatakot ka lang na baka wala nang magmahal sayo at tumanda ka nalang ng dalaga? Ad.. bakit iisipin mo ang kamatayan? Bakit natatakot ka? Alam mo minsan kaya kailangang may umalis kasi merong darating na iba na mas deserving. naiintindihan mo ba ko? Lahat naman ng bagay may kapalit.. ultimo paggawa ng masama may kapalit.. si Michael pa kaya?" sagot niya.

" sige nga Van.. sino naman kaya ang magmamahal pa sakin? Ehhh.. wala ehh... kung si Michael na mahal ko at naging boyfriend ko ng sampung taon ehh iiwan ako.. sino pang tatanggap sakin? oo natatakot talaga ko na mawala sya kasi hindi ko na kakayanin pang humanap at kumilala ng iba. ngayon sabihin mo! meron pa ba? sino? " tanong ko sa kanya...

" ako..." mahina pero rinig ko.. nagulat ako sa isinagot niya sakin.

" ano?" tanong ko sa kanya... hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko..

" sabi ko ako.." sagot niya..

" hindi kita maintindihan.." sa totoo lang di ko talaga gets.. paanong siya?

" hindi ba halata Ad? Mahal kita.. ewan ko din kung pano nangyari.,.. maaaring iwasan mo ko after mo malaman to.. pero... kahit anong mangyari sa inyo ni Michael... nandito lang ako.. kung sakaling di ka niya matanggap.... please....

Ako nalang... pilitin mo sanang... mahalin din ako... o kahit... pagaralan mo ko mahalin. Gawing panakip butas.. o kahit ano.. basta.. bigyan mo lang ako ng chance para maipakita na... mahal kita.." nakatingin siya sa mga mata ko ng sabihin niya yun..

Bakit ganun?

Bakit...

Iba yung tibok ng puso ko?

Posible ba yung sinasabi niya?

O baka naman..

Ako yung gusto niyang gawing panakip butas?

~~

Thank you for reading guys.. sorry talaga. busy lang..

SANA PUMASA ako.. haha

Hindi.. PAPASA PALA ako..

Thank you ulit...

~~coffeelover123

PARTNERS in BEDWhere stories live. Discover now