CHAPTER NINE

16.8K 180 21
                                    

PAKIBASA NAMAN PO NUNG SHORT STORY KO,,, ORDINARY SONG ang title.. salamat po... :))

Here's my update. Sana magustuhan niyo.. at maraming maraming salamat sa mga nagcocomment.. super naappreciate ko talaga.. hihi. Hindi ko nalang mareplayan.. pero merong isang comment diyan na tumatama talaga.. :) ang sarap lang basahin..

Anyhoooo..

ENJOY READING GUYS!!!

CHAPTER NINE

VAN's POV

Hindi ko alam pero simpleng " FINE" nalang ang nasabi ko.. alam ko naman kasi na napilitan lang sya at ako lang ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya.. kung hindi naman ako dumating ulit, hindi siguro magugulo ang buhay niya... hindi ko alam kung paano pero gusto kong sabihin sa kanya na... SORRY.. sorry kasi alam kong naging selfish ako... ewan ko din kung bakit gustong gusto ko na makasama ko siya.. kung bakit Masaya at iba sa pakiramdam tuwing magkatabi kami..tuwing nakikita ko siya.. ewan ko ba...

Pinaandar ko na ang sasakyan ko paglabas ko sa bar kung saan muli kaming nagkita.. pinaharurot ko yung sasakyan ko. nanggigigil kasi ako.. nakakainis lang.. kaya lang.. habang nagpapatakbo ako ng matulin, may nahagip ang mga mata ko.. kaya, ibinalik ko yun.. sinigurado ko muna kung tama ba yung nakikita ko... pero.. nung makalapit ako.. oo nga.. tama ang nakikita ko...

Alam niyo ba kung ano??

Yung girlfriend ko lang naman..

May kasamang ibang lalaki...

Bumaba agad ako at lumapit sa kanila kaya lang... bigla naman silang naghalikan.. F*CK..

" oww.. so.. hi honey.." halata kong nagulat siya nung marinig ako.. agad kasi siyang napahiwalay..

" v-van.." nauutal utal niya pang sagot..

" Sino siya?" walang emosyong tanong ko sa kanya.. tumingin naman siya sa lalaking kasama niya at parang naguusap pa sila sa pamamagitan ng tinginan.. psh...

" siya na ang bago kong mahal.. van.. hindi mo parin ba nahahalata? Hindi na kita mahal.. bakit ba pinipilit mo pa yung sarili mo sakin? ayoko na sayo.." hay.. ang boring.. ang oa neto. Hindi naman ako nageeskandalo dito. Wala akong ibang sinabi kundi sino sya.. -_- feeling maganda nanaman to. tss. pero bakit ganun? wala akong maramdaman sa sinabi niya.. bakit ganun? Parang mas affected pa ko kay Ad.. parang... kami pa ni AD ang nagbreak.. tss.. KONSENSYA NGA NAMAN -_-

" ah ganun ba? Bakit di mo sinabi? Edi sana noon palang naghiwalay na tayo.. Ok. thank you nalang.. saka sorry.. kasi never mo na matitikman ang mga matatamis kong halik.." lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi..

" good bye.. sana hindi mo mamiss... hindi yan matamis na halik.. pero parang yun ata ang tingin mo..." halata ko kasing nagiba yung mukha niya.. tumalikod na ko..

" anyway... that's what you call... BITTER KISS.."

Ngayon.. ano na mangyayari sakin?? siguro kailangan ko na ayusin ang sarili ko..

And after nun... saka ako haharap kay AD..

Dahil ngayon ko lang naisip na.......

AD's POV

Ok. pinagisipan ko na mabuti kung ano ang gagawin ko.. siguro nga ito na ang makakabuti.. kailangan ko naman talaga magisip..

Papunta na ko ngayon sa bahay ng parents ko.. kailangan ko sila ngayon eh....

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng kapatid ko..

" ate.." bati niya.... nginitian ko lang siya..

" sila mommy?" tanong ko.

" nasa loob sila.." pumasok na agad ako.. wala ako sa mood makipagkumustahan ehh..

" mom.." lumapit ako at nagmano...

" ohh.. napadaan ka.." tanong ni mom..

" i need your help mom.." sabi ko sa kanya...

"ano yun hija?" tanong ni mom sakin. halatang nagaalala siya..

" please... take care of my business.. mom... i need some time to rest and to think for something. Super stress na ko..." sinabi ko na agad ang gusto ko..

" sure darling.. tingin ko hindi mo na gusto pa pagusapan ang lahat.. so... take your time.. kung kailangan mo ng kausap o masasabihan ng problema mo, mommy is always year ok? so for now, ako na bahala sa business mo.. ok?" lumapit siya sakin at niyakap ako.. nakakamiss.. ganito siya noon kapag may problema ako.. hindi niya muna ako tatanungin.. bibigyan niya lang ako ng yakap.. parang support niya na..

" thank you mom.. aalis na din ako.. may kailangan pa kong gawin.." sabi ko sa kanya..

" sure darling.. magiingat ka.. we love you. nandito lang kami.." sagot niya.. nagnod nalang ako at nagkiss ulit sa kanya at umalis na..

Isa nalang ang kailangan kong gawin... pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan ko, tinawagan ko na agad siya..

" please don't speak. I want to see you at the park now.. yung lagi nating pinupuntahan..please.. bye.." nagdrive na agad ako papunta sa park.. medyo malapit lang naman ehh... nung makarating ako dun, hinanap ko agad siya. At mula dito, nakita ko siya na nakatalikod.. kitang kita ko siya mula dito.. hay.. tumutulo nanaman ang luha ko... pero... agad ko din tong pinunasan.. lumapit na ko sa kanya

" Michael..." tawag ko sa kanya.. agad naman din siyang lumingon..

"b----" pinutol ko na ang sasabihin niya..

" wag ka na magsalita..ako nalang. Please... sabihin mo nalang lahat ng sasabihin mo after three months.. ok?" nagnod naman siya... pilit akong ngumiti..

" Michael.. nagdecide na ko.. aalis muna ako.. lalayo... magiisip sa mga bagay bagay na gumugulo sakin ngayon.. Michael.. totoo. Mahal kita... pero... hindi ko lang maintindihan kung bakit biglang naging ganito.. siguro dahil alam kong mali ako at naging masama akong girlfriend... Michael... please.. sa three months na mawawala ako... sa three months na magiisip isip ako.. sana ikaw din... pagisipan mo.. kung mahal mo pa ko... o kaya ay... tanggap mo pa ko... kasi Michael... hindi ako naging mabuti sayo.... Michael.. gusto ko lang aminin na....

Hindi na ko virgin.. someone stole it.... no... ginusto ko din.. so..." tumalikod na ko...

" im letting you go.. hindi ko kasi alam kung karapat dapat pa ba ko.. pero... ikaw nalang ang magdecide kung kaya mo pa ko tanggapin o hindi na... good bye..." tumakbo na ko agad paalis... narinig kong tinatawag niya ko pero di ko na siya nilingon... tuloy tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko...

Pero.. alam kong... ngayon... tama naman ang desisyon ko na sinabi ko sa kanya yun...

~~

WIII.. sana nagustuhan niyo.. haha.. tapos na ang kabusy'han ko ehh.. :)

VOTE..

COMMENT

FAN.

PARTNERS in BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon