CHAPTER TWENTY NINE

8K 74 4
                                    

GUYSSSSS.. may nangyari.. di ko sadya.. yung naupdate ko nung last, iba pala... WAH. Sorry... mali talaga yun... eto yung tunay ehhh... di ko pa to nadadagdagan.. pero sana magustuhan niyo..

NAMISS ko kayo! Belated merry Christmas and happy new year!!! HAPPY BIRTHDAY TO ME!! Hahaha.. epal lang. :) dahil birthday ko, maguupdate ako. :) dito ko happy ehh. sorry po sa mga matagal na naghintay ng next chapter. Masyado lang pong abala at matagal ko ding pinagisipan yung susunod na chapter. Nawala kasi talaga sa isip ko yung plot eh.. tapos ngayon lang ulit bumalik. :) hahaha.

Ayun, guys sana may kumapit parin sa story na to. :) sana magustuhan niyo po. Pabirthday ko na to sa sarili ko. :) yieeee... SALAMAT din pala sa mga votes and comments, pati sa mga pm nyo. Kinilig talaga ako ng sobra. Hahaha. :D

Guys, pasabi sa mga friends niyo, basahin din to. haha. SALAMAT!!!!!!

CHAPTER TWENTY EIGHT: WONT LAST A DAY WITHOUT YOU

AD's POV

" good morning baby ad.. :)" pagkagising ko palang, yan na agad ang bumungad sakin. isang matamis na ngiti, isang gwapong mukha, at isang malambing na boses.

" kain ka na.. pinagluto kita baby ko." tapos hinawi niya yung buhok ko..

" busog na ko.. haha.." nakakalokong isipin na yung lalaking dapat aayawan ko, nandito ngayon sa harap ko at pinaparamdam sakin yung pagmamahal na hindi niya naiparamdam noon. Bakit ko nga ba siya pinagbigyan na patunayan ang sarili niya sakin? siguro dahil ayaw kong magsisi sa huli. gusto kong maging patas ang pagpili ko. kung si van na talaga ang mahal ko, dapat hindi ko to nararamdaman kay Michael. Yung kilig at tuwa na makita siya sa umaga. Pero kung mahal ko naman si Michael, dapat hindi ko iniisip kung anong ginagawa niya ngayon, kung sino ang kasama niya o kung magagawa niya kong mahintay kung sakaling siya ang mapili ko sa araw na makapagdesisyon na ko.

" bakit ka naman nabusog baby ko? saka, bakit ang lalim ng iniisip mo?" saka lang ako bumalik sa sarili ko ng magsalita si Michael.

" ang sweet mo kasi. Makita lang kita, busog na ko. haha.." loko ko sa kanya..

" pinapasaya mo naman ako. Baka hanap hanapin ko yan.. baka masanay ako tapos.... tapos iiwan mo lang din pala ako...." nakangiti siya habang hinahaplos niya yung buhok ko pero kita ko rin yung lungkot.. hanggang kalian ko ba makikita na may nalulungkot dahil sa slow kong puso.. bakit kasi ang slow nya? di ba pwedeng isang tao lang ang tinitibok niya? Bakit kailangang maging dalawa? Salawahan na puso...

" wag ka naman ganyan... nahihirapan din naman ako.." sagot ko..

" alam ko.. sorry.. pero tandaan mo, kung saan ka Masaya doon ako.. kung sino ang mahal mo, tatanggapin ko. malaki ang naging kasalanan ko kasi napabayaan kita .. Masaya na din ako na pinagbigyan mo ko na patunayan ulit ang sarili ko... hindi ko masasabing sapat na to.. at hindi ko ding itatangging nageexpect ako na mamahalin mo ko, kagaya ng dati., na maibabalik natin yung dati nating pinagsamahan.. pero hindi ako nageexpect ng sobra ad.. kasi sa laban kong ito ad, kagaya nung may sakit ako, 50/50 ang chance ko... pwedeng mawala ka, pwede namang mapasakin ka."

" Michael..." hindi ko na alam ang sasabihin ko. kahit sino naman sigurong nasa sitwasyon ko, mahihirapan na pumili diba?

" hayyy..wag na natin isipin to. kaw nagsabi diba? Kagaya lang ng dati? Haha. Sorry kung madrama ako.." ngumiti nalang din ako sa kanya...

" ohh. Kain ka na.. hinanda ko talaga yan para sayo..." tapos kinuha niya sa side table ko yung pagkaing niluto niya daw..

" salamat.." kinuha ko yung kutsara at tinidor tapos tinikman ko yung niluto niyang omelette, fried rice, at hotdog... normal na breakfast lang naman pero masarap kasi may effort.

PARTNERS in BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon