Chapter 37

2.9K 93 4
                                    

Missing. (Mancante)

"Magkita na lang tayo mamaya, tatawagan na lang kita."

Nagmamadali kong aniya kay Zendy at kinuha ko ang calling card nito na inilapag niya sa table kanina.

"Bakit parang nagmamadali ka? May nangyari ba?"

Naguguluhan at natataranta na rin na tanong ni Zendy habang nililigpit naman ni Dario ang gamit ng kanyang anak. Wala naman sanang nangyari masama at mali rin sana ang kutob ko.

"Hindi ko alam pero kailangan kong umuwi sa mansion ngayon."

Tanging sagot ko kay Zendy bago ko isukbit ang sling bag ko at mabilis na lumabas sa restaurant para bumalik sa opisina ko at kunin ang susi ng kotse na inilagay ko sa drawer. Tinawag pa ako ni Zendy pero hindi na ako lumingon dahil sa nagmamadali talaga ako, pakiramdam ko ay may hindi tama sa nangyayari na hindi ko maipaliwanag!

Babawi na lang ako kina Zendy sa susunod. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga kambal! Walang mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko na maging ang pagbati ng mga hotel staff na nakakasalubong ko ay hindi ko na rin natutugunan.

Pumasok agad ako sa isang elevator at pinindot ang number ng floor kung nasaan ang opisina ko. Nagsisisi tuloy ako na ibinato ko pa ang cellphone ko kaya wala tuloy akong magamit ngayon para tawagan si Marjorie na nasa mansion ngayon para kamustahin ang kambal. Tatanga talaga ako kahit kailan! Hindi talaga ako nag-iisip!

Nasapo ko ang dibdib ko dahil  parang may mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ko sa hindi maipaliwanag na kaba!

"H'wag naman sana.."

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko, tinutukoy na h'wag naman sanang mawala sa piling ko ang mga kambal ko.

Dati-rati ay hindi naman ako nababagalan sa takbo ng elevator pero ngayon ay parang uod ito kung umakyat paitaas! Pasalamat ako na ako lang ang sakay nitong elevator dahil baka kanina ko  pa nasigawan ang kasabay ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"C'mon!"

Aniya ko at napapadiyak pa ako sa sobrang pagka-iinis dahil nasa 15th floor palang ako! Sana pala nag-taxi na lang ako o di-kaya nag arkila ng tricycle patungong mansion!

"What the hell?!"

Dumilim ang buong elevator at tumigil din ito sa pag-andar!

"Not now! Please!"

Sigaw ko habang kinakalampag ang elevator. Nangunot ang noo ko dahil umiilaw naman ang red light ng cctv sa loob nitong elevator tanda na hindi naman nawalan ng kuryente ang hotel at imposible rin iyon na mangyari.

Hindi titigil ang elevator kung hindi ito sinadyang patigilin ng nag-ooperate nito! Humarap ako sa CCTV dahil sigurado akong nakikita ako ng maintenance operator sa monitor at naririnig din ako nito.

"Paaandarin mo o tatangalan kita ng trabaho?!"

Galit na sigaw ko habang nakaturo sa monitor ng CCTV and to my surprise, umandar ulit ang elevator!

"This is shit!"

Inis na saad ko dahil pababa ang andar ng elevator! I knew it! This time, sisiguraduhin ko na mawawalan na talaga ng trabaho ang maintenance operator dahil sa naubos na ang pasensiya ko!

Bumukas ang elevator sa ground floor ng hotel at lalabas na sana ako pero nagsara agad ito at muling umandar paitaas.

"You will pay for this! Damn you!"

Sigaw ko sa loob ng elevator habang nakatingin ng diretso sa monitor ng CCTV. Tumunog ang elevator at tumigil ito sa hallway kung nasaan ang opisina ko.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon