Kabanata 6

3K 113 2
                                    


Kumabog nang husto ang dibdib ko nang tumingin sa 'kin si Señorito Primo at inosenteng nagsalita habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Si, cosa?" Nangangapa ako sa isasagot sa Señorito dahil bukod sa hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi ay umurong din ang dila ko. Ibinaba ni Señorito Primo ang hawak niyang kubyertos para uminom ito ng tubig at kahit ang simpleng paggalaw ng kaniyang lalamunan habang umiinom ay nagdulot ng pag-init ng mukha ko.

"Nono, ho qualcosa da discuture con voi dopo." (Grandpa, I have something to discuss with you later." Buong-buo ang boses ni Señorito Primo habang kausap niya si Señor Freigo. Ibang-iba ang hitsura niya sa personal kumpara sa picture niya na nakasabit sa pinto ng kaniyang kwarto dahil sa sampung taong gulang siya sa larawan na 'yln at ang sabi rin ni nanay Carlotta ay may walong taon na mula nang kunan ang picture.

"Bella Carina, maupo ka na at saluhan mo kami rito." Utos ni Señor Freigo dahil nakatayo lang ako sa may dulo ng mesa habang pinagmamasdan sila.

"Nahihiya ka ba sa aking apo? Sa kay Señorito Primo?" Ngiting sambit ni Señor Freigo.

"H-hindi po!" Maagap kong sagot at napayuko ako nang sumulyap sa gawi ko ang Señorito.

"T-tulungan ko lang ho s-si n-nanay Carlotta s-sa pagluluto."
Nangangatal kong wika dahil kahit hindi na nakatingin si Señorito Primo ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-init ng aking mukha at ngayon ay mas tumindi pa ito nang pumasok si Nanay Carlotta habang may dalang pagkain na nasa tray.

"Sus kong bata ka. Maupo ka na at sabayan mo na sina Señor Freigo at Señorito Primo, 'wag ka nang mahiya."

"Hindi po talaga ako n-nahihiya."
Pagtanggi ko kahit ang totoo ay sobra-sobra na akong nahihiya.

"Eh bakit nangangamatis ka na riyan?" Napanguso ako dahil hindi ko nakuha ang sinabi ni nanay Carlotta. Umupo ako sa dulong upuan kaya naman nagtatakang tumingin sa 'kin si nanay Carlotta.

"Bakit diyan ka uupo? Dito ka anak. Ang layu-layo naman ng puwesto mo." Sambit ni nanay Carlotta na nilalagyan na ng pagkain ang platito ko na malapit sa may gawi ni Señor Freigo at katapat ni Señorito Primo. "Halika na, 'wag ka nang mahiya kay Señorito Primo." Wala akong nagawa kun'di ang lumipat sa lagi kong inuupuan kapag kumakain kami ni Señor Freigo.

Hindi naman nagsasalita si Señor Freigo at Señorito Primo kaya tahimik lang din ako habang kumakain pero minsan ay pasimple kong sinisilip si Señorito Primo na tahimik lang at seryosong inuubos ang laman ng platito niya.

"Nonno," (Grandpa) Turan ni Señorito Primo kaya napaayos ako ng upo. "Bambina è mendicante, destra?" (Isa siyang pulubi, 'di ba?) Napansin ko na natigilan si Señor Freigo dahil sa sinabi ni Señorito Primo na hindi ko naman naintindihan.

"Señorito Primo." Hindi ko alam kung bakit may diin ang pagkakasabi ni Señor Freigo sa pangalan ng kaniyang apo. Nagkibit-balikat lang si Señorito Primo bago diretsong tumingin sa mga mata ko kaya mas lalo akong napaayos ng upo dahil do'n.

"A beggar like you is not supposed to be here, living like a princess, huh? Che cosa un disperato." (What a desperate.)
Napakurap ako dahil sa mga sinabi ni Señorito Primo pero kahit pa hindi ko iyon naintindihan pakiramdam ko naman ay hindi maganda ang sinabi niya.

"Señorito Primo.'' Mahihimigan ang pagsaway sa boses ni Señor Freigo. Naramdaman ko rin ang paglapit ni nanay Carlotta sabay haplos sa likod ko, nilingon ko si nanay Carlotta at ngumiti ako sa kanya. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi ni Señorito Primo kaya ayos lang iyon sa 'kin.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon