KABANATA 25

3.1K 85 14
                                    


Naniningkit kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama mula sa sliding door ng veranda. Naaninagan ko rin ang pagpasok ni Señorito Primo na galing mula sa veranda, umupo ito at isinandal niya ang likod sa headboard ng kama bago haplusin ang mukha ko habang nakapulupot pa rin ang makapal na kumot sa hubad kong katawan.

"Buongiorno, darling..." (Good morning, darling.) Hinayaan ko lang na haplusin niya ang mukha ko pati ang buhok ko na sinusuklay ng mga daliri niya.

"Aww!" Daing ko dahil may kumirot sa bandang gitna ko nang subukan kong bumangon.

"Sorry..." Sambit naman ni Señorito Primo na inalalayan akong makaupo at naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko habang nakaupo kami sa kaniyang kama. Amoy shampoo ang kaniyang maiitim at makapal na buhok kaya nasisiguro kong bagong ligo lang ito kaya nahiya tuloy ako dahil hindi pa ako naliligo tapos niyayakap niya na ako.

"Does it hurt?" Nahampas ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko dahil nakangisi niyang sinabi iyon na parang nagmamalaki pa ito sa sugat na ginawa niya sa 'kin sa baba.

"Ang sabi mo tulog lang?!" Nanunumbat kong sambit na ikinatawa lang ni Señorito Primo.

"Sometimes it's not bad to exercise before we sleep, darling." Pasiring kong nilingon ito dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Akala ko, lips lang ang hinahalikan pero bakit pati ano ko?" Inis at may halong hiya kong saad dahil naalala ko kung ano mga pinag-gagagawa niya roon.

"Ah. It's called midnight snack, darling." Lalo akong nahiya dahil sa pagtawa ni Señorito Primo habang inaamoy ang batok ko.

"Maliligo na ako." Turan ko at sinubukan ko sanang kumalas mula sa mga yakap niya pero humigpit lang ang yakap nito.

"I want to eat breakfast." Bulong nito sa 'kin.

"Bumaba ka na, susunod na lang ako." Sagot ko naman.

"I want to lick fresh pinkish mussel darling..."

"Kumakain ka ng tahong?" Namamanghang kong sambit. Hindi ko naman kasi akalain na kumakain pala siya no'n.

"Yeah, since last night darling. And I want to taste it again and again." Napangiwi ako dahil iba pala ang tinutukoy niya!

"Señorito Primo!" Pagpigil ko sa mga daliri niyang nagsisimula na namang maglakbay papasok sa kumot na nakayakap sa hubad kong katawan.

"Okay, behave na ako darling. There's another way to calm myself." Turan nito at isang mabilisang halik sa labi ko ang iginawad nito bago pumasok sa kaniyang banyo.

Tapos na siyang maligo ah.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa kwarto ni Señorito Primo at mabilis na nag-tungo sa aking silid para maligo.

Natagalan ako sa pagligo dahil sa paghapdi ng baba ko sa tuwing lumalandas doon ang malamig na tubig at sa tuwing pipikit naman ako ay naalala kung paano maingat at marespetong inangkin ni Señorito Primo ang katawan ko. Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari dahil kusa kong ibinigay ang aking sarili sa kaniya at masaya ako na siya ang lalaking nakakuha sa pagkababae't birhen ko at siya lang ang una at huling pag-aalayan ko nito.

Naririnig ko ang masayang usapan sa kusina kaya dahan-dahan akong naglakad papasok. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging kilos ko sa harapan nina nanay Carlotta at Señor Freigo lalo na kapag nandiyan si Señorito Primo.

"Magandang umaga po, Señor Freigo... Nanay Carlotta." Mahinang usal ko at hindi ako makatingin ng diretso kay Señorito Primo na naka-upo sa silya na lagi niyang inuupuan.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon